‘We all die. The goal isn’t to live forever, the goal is to create something that will live forever.’ -Donovan’s POV- Nang makarating sa Crossroad kung saan naganap and krimen ay marami na kaagad ang tao na gustong makisilip sa nangyari. May iilang reporter na rin ang nakaabang upang makakuha ng scope habang ang mga pulis na nakabantay naman ay abala na awatin ang mga ito. Kaagad kaming dumiretso kung saan naroon na rin ang iba pang pulis na naunang makarating sa crime scene. “What happened here?” pambungad na tanong ko sa kanila ng makalapit kami sa kanilang pwesto. Kaagad naman na sumaludo ang mga pulis na nakakita sa amin at gano’n din naman ang ginawa namin. “Natagpuan ang walang buhay na katawaan ng biktima kaninang alas tres ng hapon,” wika ng pulis na nangangasiwa sa crime sce

