V1 - Chapter 52

2151 Words
‘Everything we do, every thought we’ve ever had, is produced by the human brain. But exactly how it operates remains one of the biggest unsolved mysteries, and it seems the more we probe its secrets, the more surprises we find.’ – Neil deGrasse Tyson -Donovan’s POV- “Tingin ko ay kailangan mong pumunta ng ospital para matignan ka, hindi p’wedeng nalapatan ka lang ng paunang lunas,” Detective Villares said. “Hindi na, ayos lang ako,” pagpupumilit ko. Ayos lang naman kasi talaga ako, kahit na marami na akong sugat na natamo ay kaya ko pa. “Team leader, you need to listen to us. Kailangan mong maging malakas at malusog para sa ganitong kahirap at kadelikado na trabaho. Kailangan mo nang pumunta ng ospital ngayon,” mahabang paliwanag ni Detective Raynolds. “Pagkatapos nito magpapahinga na ako. Sa ngayon hayaan niyo muna akong mag-imbestiga, hindi rin ako matatahimik kung nakahiga lang ako buong araw,” paliwanag ko sa kanila. Kung sakali man na ipagpilitan nila akong papuntahin ng ospital ay baka tumakas din ako. Hindi na sila kumontra pa sa sinabi ko, wala rin naman na silang magagawa kung ipipilit pa nila ang gusto nilang mangyari. Matapos ang ilang minuto na wala pa ring nagsasalita ay tumayo na ako para lumapti sa forensic team na kasalukuyang kumukuha ng mga ebidensya at litrato. “Did you secure all the fingerprints and footprints?” tanong ko ng makalapit ako sa head forensic. “Thankfully, they are everywhere. Also, the evidence we have are strong. Paniguradong wala na siyang kawala,” napatango na lang ako sa sinabi niya. Sisiguraduhin ko rin naman na hindi na siya makakalabas pa at tuluyan ng mabubulok sa kulungan. “Thank you. Keep up the good work,” I said and tap him in his shoulder. ----- Matapos kong masigurado na maayos ang lahat pati na rin ang mga ebidensya ay bumalik na kami sa istasyon. Habang nasa sasakyan ay pinipilit pa rin nila akong umuwi at magpahinga at sila na raw ang bahala sa kaso. Pero hindi pa rin ako nagpatalo at ginamit ko na ang pagiging team leader ko para hindi na sila mangulit pa. Fortunately, gumana naman ang tactic ko at hinayaan na lang akong sumama pabalik pero maaga raw kaming uuwi para makapagpahinga. Wala nang nagawa ‘yong tatlo pero si Detective Raynolds ay kung ano-ano pa rin ang sinasabi. Tulad na lang ng, kapag nawalan daw ako ng malay ay pababayaan nila ako at hindi dadalhin sa ospital, o kaya naman kapag bumuka ulit ang mga sugat ko ay hahayaan nilang maubusan ng dugo dahil daw sa tigas ng ulo ko. Hindi na ako sumagot pa sa kanya at tinawanan na lang namin ang mga sinasabi niya dahil para siyang bata na nagrereklamo dahil hindi nabili ang gustong laruan. “Team leader!” Pagpasok na pagpasok ko ay sinalubong kaagad ako ni Detective Angeles. Buti na lang at hindi niya ako niyakap dahil kung hindi itatakwil ko na siya. Pero s’yempre hindi ko gagawin dahil napakagaling niyang ka-grupo. Anyway, mukhang nasa katinuan pa ako dahil kung ano-ano na naman ang pinag-iisip ko. “Pasensya na kung pinag-alala ko kayong lahat,” I said. Sabay-sabay kaming kumakain ngayon sa isang karenderia malapit sa presinto. Kanina pa kasi nagre-reklamo sina Detective Raynolds at Detective Roxas na nagugutom na raw sila. Alas-nuebe na rin kasi ng gabi at hindi pa rin sila kumakain, buti na lang din at may bukas pang kainan. Habang kumakain at abala ang iba sa pagku-kwentuhan sa kaso, napansin ko ang balita sa TV kaya naman napatingin din sila sa tinitignan ko. “Bandang alas-singko ng hapon, napag-alaman namin na nawawala ang team leader ng grupong may hawak sa kaso ni Diana Rivera. At bandang alas-otso ng gabi ay napagalaman ng mga pulis na si Maverick Montellel, isang kilalang drug dealer, ang siyang suspek sa pagdukot sa detective.” Tuluyan ng nakuha ng balita ang atensyon naming lahat. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita at ang lahat ay tutok sa sinasabi ng babaeng reporter. “Paano nalaman ng media ang tungkol sa kaso ni Diana Rivera at ang tungkol sa pagkawala ko?” tanong ko sa kanila. Imposibleng malaman ng media ang kaso dahil wala naman kaming nilalabas na report dahil on-going pa ang kaso. “Mayaman at galing sa kilalang pamilya si Jerome Montelle kaya hindi na kataka-takang malaman ng media ang tungkol sa kaso. Marami ring nakakita nang pumunta kami sa opisina niya para arestuhin siya,” paliwanag ni Detective Villares. Tumango na lang ako at hindi na sumagot pa. “Nang malaman ang kinaroroonan ng kapwa detective ay kaagad na pumunta ang mga pulis sa hideout ng suspek ngunit nabigo silang mahuli ito. Narito si Steve Mataac upang ibahagi ang iba pang detalye,” at napunta sa lalaking reporter ang balita. “Napag-alaman namin na matagal nang tinutugis ng mga pulis si Maverick Montelle dahil sa kasong drugs. At ayon pa sa balita ay bukod sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot ay sapilitan nitong pinagta-trabaho ang mga bata sa kanilang paggawaan kung saan itinago ang naturang detective.” Hindi ko na pinakinggan pa ang ibang sinasabi ng reporter at itinuloy na lang ang pagkain, gano’n din naman ang ginawa ng mga kasama ko. Tinapos namin ang pagkain ng hindi na muling pinag-uusapan ang tungkol sa kaso. Nagkaro’n kasi ng kasunduan ang buong grupo na kapag hindi oras ng trabaho ay walang magbabanggit ng kahit anong tungkol sa isang kaso. At ang pasimuno ng ganitong ideya ay si Detective Raynolds na sinang-ayunan na rin ng iba kaya pumayag na rin ako. Majority wins. Matapos kumain ay bumalik na kami sa loob. Nararamdaman ko na ang pagod at panghihina pero kailangan kong alamin kung ano ang nangyari sa kaso ni Diana Rivera habang wala ako. Nasabihan na ako kanina ni Detective Raynolds tungkol sa kaso pero gusto ko pa rin makita ang case report para kahit papano ay matahimik ang isip ko. “Detective Portman.” Natigil ako sa pagbabasa ng may tumawag sa akin. Si Chief Tanner, ang team leader ng crime unit 2. “Passed the case to our team. Kami na ang bahalang tumapos nito.” Napakunot ang noo ko ng dahil sa sinabi niya. Matagal na naming hawak ang kaso pero kung kailan malapit na namin siyang mahuli saka sila magte-takeover. Sabagay, uso pala rito ang agawan ng kaso. “Why? Bakit ngayon pa? Ilang buwan na naming hawak ang kaso—“ “’Yon na nga, ilang buwan na pero wala pa ring nangyayari,” putol niya sa sinasabi ko. “Looking at how that guy kidnapped a police officer we can’t go after him without a plan.” “I know, you don’t have to remind me. To make it short, just pass the case to our team and we will do the rest.” “I think you are being inconsiderate chief. Alam mo naman na mainit sa mata namin ‘yang si Maverick, kaya sana hayaan mo kami sa kaso na ‘to,” I said. Napatayo na rin ako mula sa pagkakaupo ko dahil sa mga sinabi ni Chief Tanner. Kung ibang kaso sana mapapalampas ko pa, pero itong kaso na ‘to. It’s a big no for me. “What’s gotten into you? Alam ko na magaling kang detective dahil ilang beses mo nang napatunayan sa amin ‘yon. Masaya rin ako na ligtas ka at ilang sugat lang ang nakuha mo, pero masyado mo nang pinahihirapan ang grupo mo pati na rin ang mga bata ko.” Dahil sa pagtatalo namin ni Chief Tanner ay napapatingin na sa amin ang iba. Hindi ko rin namalayan na nakalapit na pala sina sa kinatatayuan namin. “Alam ko, Chief, pero hindi pa rin ako papayag. P’wede nating gawing joint case ang kaso pero hindi ako papayag na kayo ang huhuli sa kanya.” “I know that you have a hard time. Pero ‘yang pagiging makulit mo ay hindi makakatulong sa kaso.” “Nang ma-kidnap ako hanggang sa dumating kayo sa crime scene, napansin ko na pilit niyong inilalayo ang grupo namin. Para bang ipinararating niyo na wala kaming maa-ambag sa kaso. Pero kung ‘yan ang gusto niyo, we can work separately from the crime unit 2.” “Hey. Naiintindihan  mo ba ang mga sinabi ko kanina?” napipikon ng wika ni Chief Tanner. Napansin ko na nakaantabay na rin ang buong grupo kung sakali man na mas uminit ang pagtatalo namin. “Kagaya ng sinabi mo rati, nanahimik kami, tinigil namin ang pagi-imbestiga sa kaso at nanahimik sa isang tabi. Pero ilang buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin siya nahuhuli. Ang malala pa, gumagamit pa siya ng mga bata para sa ilegal na negosyo niya. Don’t you agree that we need trust and unity in order to work together?” “And your point is? Detective Portman, dumaan ka lang sa bingit ng kamatayan pero naging matabil na ang dila mo. Now you have the guts. However, if you keep on acting that way, you might end up not waking up forever. You better watch out.” Matapos magsalita ay umalis na siya sa harapan ko at lumabas. Bumalik na rin sa upuan ang iba at itinuloy ang kanilang mga ginagawa. “Team leader, hayaan mo na lang, ‘wag mo na lang pansinin ang sinabi ni chief,” Detective Roxas said. “’Di ba, Raynolds?” at inakbayan nito ang katabi. “Oo nga, team leader, gano’n talaga kapag tumatanda na,” bulong niya pa. Sabay naman silang tumawa ni kaya napailing na lang ako sa kalokohan nila.   -Third Person’s POV- “Bandang alas-singko ng hapon, napag-alaman namin na nawawala ang team leader ng grupong may hawak sa kaso ni Diana Rivera. At bandang alas-otso ng gabi ay napagalaman ng mga pulis na si Maverick Montelle, isang kilalang drug dealer, ang siyang suspek sa pagdukot sa detective.” Nanggagalaiti naman sa galit si Maverick habang pinapakinggan ang balita tungkol sa nangyari kanina. “Tang*na! Inuubos talaga ng lalaking ‘yan ang pasensya ko,” galit na wika nito at binato sa TV ang hawak na bote ng alak. “Kumalma ka lang boss, kailangan mo munang magpaggaling. Paniguradong pinaghahanap na rin tayo ng mga pulis kaya mas mabuting manahimik na muna tayo,” wika naman ng kanang kamay nito habang binabalutan ng benda ang kanyang braso. Kasalukuyan silang nagtatago sa isang lumang bahay. Dahil nalaman na ng mga pulis ang kanilang kuta ay hindi na sila makalabas basta-basta dahil paniguradong sa kulungan ang bagsak nila. Isa pa, halos lahat ng tauhan niya ay nasa kamay na ng mga pulis. “Boss, bakit hindi na lang tayo humingi ng tulong kina Recluse? Tutal sila naman ang dahilan kung bakit napunta sa atin ‘yong detective.” “Tama! Kailangan mong ma-contact si Recluse mamaya, pero siguraduhin mo lang na walang makakakilala sa’yo kung hindi tapos tayong dalawa.” “Yes, boss!”   -Donovan’s POV- “Donovan! Anong nangyari?” bigla kong nailayo ang cellphone ko dahil sa lakas ng boses ni Brent. Wala sana akong balak na sabihin sa kanya ang nangyari kaya lang ay natawagan na siya ni Detective Raynolds kanina no’ng nawala ako at nakitang siya ang kasama ko. “Kumalma ka muna. Ayos lang ako. Kaunting sugat at galos lang naman ‘to, malayo sa bituka,” pagbibiro ko. “Kahit na! Ilang oras matapos kong makipagkita sa’yo mababalitaan ko na lang na nadukot ka. Ano bang nangyari?” “Tungkol lang sa kaso,” maikling sagot ko. Kapag pinaliwanag ko pa kasi ay mas lalo lang dadami ang tanong niya. “Iba pa ba ‘to sa mga pinapahanap mo sa akin?” “Oo. Don’t worry, malapit naman na naming mahuli ang suspek.” “Hay, o’ sige, mauna na ako. Nag-stopover lang talaga ako para matawagan ka. Mabuti naman at buhay ka pa.” Hindi na ako sumagot pa kaya pinutol na niya ang tawag. Iniligpit ko na ang cellphone ko sa side table saka nahiga. Kanina pa ako nakauwi. Matapos kasi ‘yong pag-uusap namin ni Chief Tanner, kung pag-uusap man ‘yon, napagpasyahan na ng buong grupo na umuwi na muna para makapagpahinga, bukod pa rin ay isa rin ako sa dahilan kung bakit kailangan naming umuwi ng maaga. Pero bukas ay sisimulan na muli namin ang kaso kaya nag-set kami ng meeting. Hindi nga lang ako sigurado kung makiki-cooperate ba ang grupo ni Chief Tanner ng dahil sa nangyari kanina. Bahala na. Nakakapago din pa lang mag-isip. Pinikit ko na ang mata ko at hinayaang magpadala ang sarili sa antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD