V1 - Chapter 53

2181 Words
‘Humans are suspicious and jealous creatures. When they see something perfect, they want to find a flaw.’ (Meintantei Konan) Gosho Aoyama -Donovan’s POV- When I felt that my body is succumbing to sleep, I started to relax my body to let my soul come out freely. Nang makalabas ako ng katawan ko ay pinagmasdan ko muna ang buong kwarto. Mukhang mapapadalas na rin talaga ang paggawa ko sa kakayahang ‘to. No’ng nakaraang linggo kasi ay may nabasa ako na article. According to Astral Projection Plane, “as people astral project, the vibrations increase and when that happens, one will enjoy a deeper calm, lasting tranquility, and protection against negative emotions. One will also attract the right people, opportunities, and synchronicity into one’s life and will become a powerful energetic being.” Lumabas na ako ng kwarto ko at nagsimulang maglakad. Wala akong destinasyon. Hindi ko alam kung saan ako patutungo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko lang ay may hinahanap ako at kailangan ko ‘yong makita. At ang hinahanap ko ay si Maverick Montelle.   -Third Person’s POV- “Hey, couldn’t your boss have taken better of it? Pagkatapos kong ibigay sa inyo ‘yong detective para patahimikin, bibigyan niyo ako ng walang kwentang dahilan?” galit na wika ni Recluse sa kanang kamay ni Maverick. “Hindi sa gano’n pero mabilis din naka-responde ‘yong mga kasamahan niyang pulis kaya hindi nagawa ang plano—“ Hindi na nito natapos pa ang sasabihin dahil sumingit na si Recluse. “Linisin niyo ang kalat niyo. Sa huling pagkakataon tutulungan ko kayo, pero sa oras na pumalpak kayo ay ako na mismo ang tatapos sa inyong dalawa. Naiintindihan mo?” Mabilis naman na tumango ang lalaki dahil sa baril na nakatutok sa ulo niya. “O-oo.” “Umalis ka na. Ipapasundo ko na lang kayo kapag naayos na ang lahat,” wika ni Recluse at ibinaba na ang baril na hawak. Dali-dali namang umalis ang lalaki at bumalik na sa kanyang amo. Nang makaalis ang lalaki ay kinuha ni Recluse ang kanyang cellphone at nag-dial ng numero. Matapos ang ilang ring ay sinagot na nito ang tawag. “Yes, boss?” “Matt, I have a task for you.” “Find out the location of Maverick and send him to America or something. Basta ilayo mo siya rito,” utos nito. “Will do that,” simpleng sagot naman ng nasa kabilang linya. “Make sure that no one would think that Maverick has anything to do with us. Take care of it.” “Of course. Ako na ang bahala, boss,” sagot nito at saka pinatay na ang tawag. Matapos makipag-usap kay Recluse ay kaagad na kumilos ang lalaki upang isagawa ang ipinaguutos nito. Nang maihanda ang mga kailangan ay tinawagan ni Matt si Maverick upang makipagkita rito at ipagbigay alam ang utos ni Recluse. Sa kabilang banda naman, nakita ni Maverick na tumatawag sa kanya ang isa sa mga tauhan ni Recluse kaya kaagad nitong sinagot ang tawag. ----- Napagkasunduan ng dalawa na magkita sa isang liblib na kainan sa San Bernin kung saan walang makakakilala sa kanila. Naunang makarating si Matt at tahimik na naupo sa dulong mesa habang hinhintay na dumating si Maverick. Matapos ang ilang minuto ay dumating din ang lalaki at naupo sa harapan nito. Nang tuluyang makaupo ang lalaki ay kaagad na inabot ni Matt ang hawak na passport at ticket papuntang ibang bansa. “Ito na ang huling tulong na matatanggap mo mula kay boss. Kapalit ng pananahimik mo, ikaw ang mamamahala ng isa sa mga negosyo niya sa ibang bansa. Makakabalik ka lang kapag naging tahimik at maayos nang muli ang lahat.” “Ang bilis lang sa inyong pumutol ng koneksyon ‘no?” Maverick said, mocking what Matt told him. “Kaya lagi kang bumabagasak, boss. Lahat dinadaan mo sa angas at yabang kaya naman lagi kang nauuwi sa ganitong sitwasyon.” Natawa naman si Maverick sa sinabi ni Matt ngunit tinignan lang siya nito. “Parang dati lang ay lagi kang nakabuntot sa akin, pero ngayon, tignan mo nga naman ang sitwasyon,” wika nito sabay inom ng alak na nasa mesa. Ang tinutukoy nito ay ‘yong mga panahon na kanang kamay niya pa si Matt, ngunit matapos bumagsak ang ilang negosyo niya dahil kay Recluse ay bigla itong nawala na parang bula hanggang sa nalaman na lang niya na tauhan na nito ng dating kaaway. At ang nangyari matapos bumagsak ng mga negosyo niya ay si Recluse rin mismo ang tumulong sa kanya kaya nalagay siya sa ganitong sitwasyon. Hindi pinansin ni Matt ang sinabi ng dating boss. Kinuha nito ang bag na nakalagay sa lapag at pinatong sa mesa. “May pera sa loob ng bag. Paniguradong kasya na ‘yan para makapagsimula ka sa ibang bansa. Leave in two days. Dahil sa mga susunod na araw ay hindi ka na makakalabas pa dahil wanted ka na. Sounds good?” Bago sumagot ay kinuha nito ang bag at tinignan ang laman na pera. “Pinaparating mo na kailangan kong maglaho na parang bula? Sige, gagawin ko ‘yan pero sa isang kondisyon.” “Ano ‘yon?” “Sa loob ng dalawang araw, hahayaan niyo ako na patayin si Portman,” desididong wika nito. “Hindi mo ba talaga iniisip ang posibleng kalabasan ng mga ginagawa mo? Babalik din sa’yo lahat ng ginawa mo, posibleng doble pa.” Seryosong tumingin naman si Maverick sa kausap. “Naubos na sa akin ang lahat. Ano pa ba ang dapat kong katakutan? Wala nang makapipigil pa sa akin.” “Kapag pumalpak ka, asahan mo nang si Recluse ang tatapos sa’yo,” huling wika ni Matt bago tuluyang tumayo at umalis. Nakaalis na si Matt ngunit nanatili pa rin si Maverick sa kanyang p’westo habang sunod-sunod na nilalagaok ang alak mula sa bote. Sa tuwing naiisip niya si Detective Portman ay lalong humihigpit ang pagkakahawak niya sa starp ng bag.   -Donovan’s POV- Papunta pa lang akong presinto ngayon dahil hindi kaagad ako nagising. Napuyat ako dahil din sa ginawa ko kagabi. Dahil hindi ko rin alam kung saan nagtago si Maverick ay nahirapan akong alamin kung nasaan siya kaya naman pinuntahan ko ang lahat ng p’wede niyang pagtaguan pati na rin ang mga paggawaan niya ng droga. Ngunit nabigo ako. Sa pagpupumilit na alamin kung saan siya nagtatago ay hindi ko na namalayan ang oras at inabot na ako ng pagsikat ng araw sa paghahanap bago ko napagpasyahan na umuwi na at bumalik sa katawan ko. Ang nangyayari pa naman kapag ginagawa ko ang astral projection ay inaabot pa ako ng ilang oras bago tuluyang magising. Kaya naman ang kinalabasan ay late ako ngayon. Nang makarating sa presinto ay kumpleto na ang lahat at inaasikaso ang kaso ni Diana Rivera. Inakala pa ng mga ka-grupo ko na nahuli ako ng dating dahil sa mga sugat ko. Hanggang ngayon kasi ay sariwa pa rin ‘yong ibang sugat ko, lalo na ‘yong malalalim pero ‘yong ibang galos ay humihilom na. Ilang minuto na simula ng makarating ako pero parang kakaiba ang mood ngayon. Parang may mga gusto silang sabihin pero hindi lang nila masabi. Hindi tuloy ako mapakali habang binabasa ko ‘yong kaso ni Diana Rivera. Ilang beses ko ring nahuli ang ibang detective sa kabilang grupo na patingin-tingin sa p’westo namin. Kapag nahuhuli ko silang nakatingin ay kaagad naman silang umiiwas kaya naman alam ko nang may mali. Lalapitan ko sana si Detective Raynolds upang tanungin kung ano ang nangyari habang wala ako pero naagaw ang atensyon ko ng magsalita ang isa sa mga ka-grupo ni Chief Tanner. “Nandito na pala ang magaling na leader ng team 1,” nakangising wika nito. Napakunot ang noo ko ng dahil sa sinabi niya dahil sigurado na ako ang pinariringgan niya. Napansin ko na hindi nila kasama ang team leader nila, kaya pala kulang sila. “Ayaw namin ng gulo, Detective Grey,” seryosong sabi naman ni Detective Roxas. “Bakit? Natatakot ba kayong malaman nang leader niyo kung gaano na kagulo rito?” Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila pero alam kung may problema. Hindi rin ako makasagot dahil hindi ko alam kung ano ang problema nila sa akin. Bumaling naman sa akin si Detective Grey kaya seryoso ko siyang tinignan sa mata. “You are causing trouble more than your worth. Simula ng dumating ka sa lugar namin ay lagi nang nagkaka-problema.” “Watch your mouth, Detective Grey,” sagot ni Detective Raynolds at saka lumapit sa detective. “What? May mali ba akong sinabi? Seryoso? Ano pang sense ng pagta-trabaho ng mabuti? Hindi tayo makikita at mapapansin ng mga nasa taas hangga’t nandito si team leader Portman.” Kaya pala. Ako pala ang problema. Ako na naman. Pilit namang pinigilan ng ibang detective si Detective Grey dahil nagsisimula ng tumaas ang boses nito. Magsasalita na sana ako pero naunahan na ako ni Detective Raynolds. “I see. ‘Yon naman pala. Hindi namin alam ‘yan. Then, we were at fault because we accepted team leader to our team. Pasensya na ah?” sarkastikong sagot ni Detective Raynolds. Bumulong pang muli ito pero naririnig pa rin ng lahat. “I can’t believe that I’m working hard with such a fool like this.” “Ano pang kwenta ng promotion kung lagi naman na kailangan nating dumaan sa kung ano-anong pagsubok at kapahamakan para lang humuli ng kriminal? Dahil sa walang kwentang leader niyo.” “Ano? Walang kwenta? Hoy! Anong sinabi mo? Walang kwenta?” galit na wika ni Detective Raynolds at hinablot ang kwelyo ng damit ni Detective Grey. “Sino ang tinatawag mo na walang kwenta? Ha? Sino? Ano?” “Ano ba, maghiwalay nga kayo sa isa’t isa,” awat sa kanila ng iba pa naming kasamahan. Lumapit na ako sa kanila dahil ako naman ang dahilan ng pagkakainitan nila. Ako ang puno’t dulo ng lahat. “Itigil niyo na ‘yan. Hindi kailangang daanin sa init ng ulo ang lahat ng bagay.” Naghiwalay naman sila ng inawat ko na sila. Hindi na nagsalita pa si Detective Grey pero tingnan niya lang ako saka lumabas. Tinginan ko naman si Detective Raynolds at inaayos niya ang kwelyo niya na nagusot dahil sa nangyari kanina. “Hindi mo naman kailangan patulan.” “Pero sumo-sobra na kasi team leader. Akala mo kung sinong magaling,” dagdag pa nito. “Sa susunod, hayaan mo na lang,” I said at saka mas lumapit sa kanya para may ibulong. “Minsan hindi na kailangan pumatol sa mga duwag na pulis na takot mabugbog at masaktan ng mga kriminal,” at saka ko siya tinapik sa balikat. Bago tuluyang makabalik sa p’westo ko ay nakita ko pa siyang natawa. Napailing na lang ako sa nangyari. “Let’s start the briefing,” imporma ko sa kanila at saka nauna nang pumasok sa meeting room. Kaagad naman silang sumunod sa loob, kasama rin namin sa briefing ang crime unit 2 pero ibang miyembro lang nila ang narito. Nasa labas pa rin si Detective Grey, habang hindi namin alam kung nasaan ang kanilang team leader. “This is the CEO of Good Tradings, Maverick Manal. Age 38. His father was a former loan shark that are based in Sta. Catalina, he’s dead now. Sa loob ng ilang buwan na pagtugis natin sa kanya ay papalit-palit ng pangalan ang kumpanya niya. So it was hard to track it down. They are engage in human trafficking and illegal drug dealing.” Sunod naman na ipinakilala ko ay ang kanang kamay ni Maverick. “Next is Maverick Manal’s right-hand man, Jovert Java. He’s originally from Sta. Catalina. Siya ang namamahala sa mga factory na paggawaan nila ng laruan kung saan itinatago nila ang mga droga.” Sunod naman na nag-flash sa screen ay ang mapa ng San Bernin. “We are searching the vicinities near his factory and his hideout. Naglabas na rin kami ng APB, so it’s only a matter of time before he gets caught. Kailangan lang natin maghintay.” [APB is a general bulletin broadcast to alert law-enforcement officers over a wide area that someone is being actively sought in connection with a crime.] Napatigil kaming lahat ng biglang may nagmamadaling pumasok sa loob ng meeting room. Napatingin naman ang lahat sa bagong dating at hinihingal pa na detective. “Base sa Central Patrol Division, may nakuhanan sa CCTV sa Capitolio na kamukha ng kanang kamay ni Maverick Manal na si Jovert Java. It looks like he’s with his boss.” Nang marinig ang balita ay wala na kaming sinayang pa na oras at kaagad na naghanda para puntahan ang lugar kung saan hinihinalang nakita si Jovert Java.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD