V1 - Chapter 54

2238 Words
‘Time is a terrible thing, because it erases joys and pains at the same time.’ – Gosho Aoyama -Donovan’s POV- “Base sa Central Patrol Division, may nakuhanan sa CCTV sa Capitolio na kamukha ng kanang kamay ni Maverick Manal na si Jovert Java. It looks like he’s with his boss.” Mabilis kaming kumilos upang puntahan ang lugar kung saan sinasabing nakita ang kanang kamay na Maverick. Kasama ang ilang miyembro ng crime unit 2 ay kaagad kaming dumiretso sa Capitolio kung saan nakuhanan ng CCTV si Jovert Java. “Let’s split. The crime unit 2 can come that way,” sabay turo ko sa kalye na nasa kanan at kaliwan namin. “Detective Roxas, Detective Villares and some police officer, look on that street,” turo ko naman sa kalye na nasa likuran. “Yes, team leader. Let’s go!” at kaagad na silang umalis para hanapin ang posibleng kinaroroonan ni Maverick Manal. “Detective Raynolds and you guys, come with me,” wika ko sa natitira pang pulis na kasama ko. Naghiwa-hiwalay na ang kami para mas mabilis naming mahanap ang hideout nito. Masyadong malawak ang buong lugar at maraming tao dahil ito ang sentro kaya naman mukhang matatagalan kami bago namin sila tuluyang mahanap. “Detective Portman, speaking. Detective Angeles, may nakita na ba kayong iba pang footage?” napahinto ako sa pagtakbo upang hintayin ang sagot nila. As usual, naiwan sina Detective Angeles at Detective Ventura upang tulungan kami na mas mabilis na ma-track ang dalawang lalaki na hinahanap namin. “Still looking into it, team leader,” narinig kong sinabi ni Detective Ventura kaya tumuloy kami sa paghahanap. “Detective Raynolds!” tawag ko sa kanya at tinuro ang isang maliit na motel na nasa harapan ko. Nang makalapit siya sa akin ay dumiretso na kami sa loob kung saan may isang lalaki na nakaupo sa parang counter. “Magandang umaga, sir, may nakita ba kayong dalawang lalaki na nagcheck-in dito?” tanong ko sa kanya at ipinakita ang litrato ni Maverick Manal at Jovert Java. Ilang segundo niya pang tinignan ang litrato bago tuluyang nagsalita. “Wala pang nagtse-check-in na ganitong lalaki rito sa amin. Maliit lang naman ‘tong motel ko kaya kung may magcheck-in man ay matatandaan ko ang itsura,” sagot nito at ibinalik sa akin ang dalawang larawan. “Gano’n ho ba. Sige po, maraming salamat. Kung sakali man na makita niyo siya ay p’wede niyo kaming tawagan,” I said at inabutan ko siya ng calling card saka kami lumabas ng motel. Ilang motel at hotel pa ang pinuntahan at pinagtanungan namin pero pare-pareho lang ang sagot nila. Lahat sila ay hindi man lang nakita ang dalawang lalaki. “Kumusta ang paghahanap ng ibang grupo?” tanong ko kay Detective Raynolds na nasa tabi ko pa at nakahawak sa dalawang tuhod. “Negative, team leader. Sa tingin ko ay nakatunog na ‘yong dalawa o kaya naman ay sa ibang lugar talaga sila nagtatago.”   -Third Person’s POV- “Boss, maraming pulis ang nagkalat sa baba. Mukhang hinahanap na nila kung nasaan tayo ngayon,” wika ni Jovert ng mapatingin ito sa bintana ng tinutuluyan nila. “Paanong malalaman nila? Lahat ng dinaanan ko kahapon ay sigurado ako na walang CCTV o kung sino man na nakakita sa akin,” gulat na wika ni Maverick na natigil sa pagkain. “Mukhang ako ata ang may kasalanan, boss. Posibleng nakuhanan ako no’ng lumabas ako kanina para bumili ng pagkain natin.” “You idiot!” kaagad naman na napatayo si Maverick upang tignan ang nangyayari sa labas. Gusto man niyang saktan ang kasama ay hindi na niya ginawa at pinigilan ang sarili. Dahil nasa itaas na palapag sila ay tanaw nila sa kanilang kinatatayuan ang ilang police patrol na nakaparada sa labas at ilang pulis na nagtatanong-tanong sa mga dumadaan. Sa lagay nila ay oras ang kanilang kalaban. Dahil ano mang oras ay posible silang matunton ngmga pulis at ‘yon na ang katapusan nila. Dahil sa pagkataranta at pagkairita sa nangyari ay kaagad na tinawagan ni Maverick si Matt upang dito humingi ng tulong. “Matt, ako ‘to,” kaagad niyang sabi ng masagot ang kanyang tawag. “Anong nangyayari sa’yo, boss? Hindi ganitong Maverick ang nakilala ko. You’ve never let this kind of thing happen. It’s so unlike you. Mukhang naging hobby mo na ang magpahuli,” sagot sa kanya ng kanyang kausap. Hindi pa man niya nasasabi ang dahilan kung bakit siya napatawag ay alam na rin kaagad ng kanyang kausap ang dahilan. “Kasalanan ‘to no’ng gag*ng Portman na ‘yon. He came with me with all of his might. Hindi niya ako tinigilan hangga’t hindi nauubos ang mga negosyo ko. Pero ‘wag kang mag-alala, ako ang bahala, aayusin ko ang lahat ng ‘to.” “Hmm?” “I’ll kill him. Kilala mo ako. kapag sinabi ko ay ginagawa ko at sinisigurado kong hindi ako pumapalpak.” Tumihim naman si Matt sa kabilang linya at nanatiling kalmado. “Masyado ka nang na-triggered kay Detective Portman. Kalat mo naman ang lahat ng ‘to sa simula pa lang hindi ba? Kaya tama lang na ikaw din ang luminis at umayos nito. O gusto mo ba na makarating pa kay Recluse ang mga ‘to?” Natigilan naman si Maverick ng marinig ang pangalan ni Recluse. Dahil alam niya na ano mang oras ay posible siyang galawin nito, lalo na kapag pumalpak ang kanyang plano. “Ako na ang bahalang magpaalis ng mga pulis d’yan. Siguraduhin mo lang na magiging matagumpay ang plano mo, dahil kung hindi… Recluse will surely prepare a gift for you,” huling wika ni Matt at saka pinatay ang tawag. Ilang minuto matapos ang tawag ay nakatanggap kaagad ng mensahe si Maverick galing kay Matt. Nakasaad dito ang isang address kung saan p’wede silang pansamantalang tumuloy habang hinihintay na dumating ang araw ng kanilang pag-alis. ----- ‘The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.’ Nakailang tawag na si Chief Tanner sa dapat na kakikitain niya ngunit wala pa ring sumasagot sa kanya kaya naman naisipan na lang niyang i-text si Detective Portman upang sabihin ang nalaman niya kama-kailan. Hindi naman talaga niya intensyon na sabihan ng kung ano-ano ang kapwa detective ngunit kailangan niyang gawin dahil kung hindi ay mapapahamak ito. Kaya naman matapos ang tagpong ‘yon ay naisipan niya na kumalap pa ng mas matibay na impormasyon. ‘Yon din ang dahilan kung bakit wala siya sa presinto ngayon. Dahil makikipagkita siya sa isang informant. Nang ma-i-send ang kanyang text ay kaagad na dumiretso si Chief Tanner sa kanyang sasakyan. Ngunit natigilan siya sa paglapit dito ng mapansin niya na parang may nakatingin sa kanya. Mabilis siyang lumingon sa kanyang likuran ngunit wala siyang makita. Gano’n din sa buong paligid ay walang ibang tao at nag-iisa lamang siya sa parking lot. Natigilan siya ng mapansin niya na may anino sa likuran ng isang sasakyan na nasa harapan niya. Tahimik niyang inilabas ang baril na nasa likuran niya at itinutok sa kanyang harapan at saka dahan-dahan na lumapit sa sasakyan. Ilang hakbang ang kanyang ginawa para tuluyang makalapit sa sasakyan ngunit wala siyang nakita na kung ano man sa likuran ng sasakyan. Nanatili siyang alerto at tinignan pang muli ang paligid. Nang wala nang mapansin na kakaiba ay nanatiling hawak niya ang kanyang baril at nagpasya na bumalik na sa kanyang sasakyan. Ngunit saktong pagtalikod niya ay siya namang pagsakal sa kanya ng isang hindi kilalang lalaki. Mabilis na pinulupot ng kung anong tela ng lalaki ang leeg ni Chief Tanner at saka sinangga ang katawan nito sa malapit na poste na siyang dahilan upang mabitawan ng detective ang hawak na baril. Ilang minuto pa na nagpanambuno ang dalawang lalaki. Pilit na nagpupumiglas si Chief Tanner ngunit masyadong mahigpit ang pagkakasal sa kanya ng lalaki kaya naman nahihirapan din siyang makakawala. Sa sobrang pagkakasal sa detective ay bumabakat na ang mga ugat nito sa kanyang mukha habang patuloy pa rin ang lalaki sa paghila sa hawak na stockings, na siyang ginagamit niya na pansakal sa kanyang mga biktima. Kahit na nasa kwarenta na ang detective ay hindi pa rin maikakaila ang taglay na lakas nito ngunit naisasantabi ang kanyang lakas dahil sa laki ng taong sumasakal sa kanya at pambihirang lakas din nito. Ginamit ng detective ang kanyang natitirang lakas at buong pwersa sa pagtulak sa lalaki ngunit muli siyang nabigo dahil hindi man lang ito natinag mula sa pagkakahawak sa kanya. Mas lalo pang hinigpitan ng lalaki ang kanyang pagkakasakal sa detective pero niluwagan na nito ang stockings at ginamit ang kanyang braso upang bigyan ito ng headlock. At ilang segundo lang ang lumipas at tuluyan nang nawalan ng malay si Chief Tanner. Kaagad namang binitawan ng lalaki ang detective at kinapkapan ito. Nang makita ang hinahanap, ang flashdrive na naglalaman ng mga impormasyon na nakalap ng detective, ay isinilid niya ito sa kanyang bulsa. Matapos maitabi ang flashdrive ay binuhat nito na parang isang sako ng bigas ang detective at isinakay sa likod ng SUV. Binusalan nito ang bibig ng detective at nagmaneho na parang walang nangyari. Nang makarating sa highway ay kaagad na tinawagan ng lalaki ang kanyang boss upang ipagbigay alam ang nangyari. “Mission cleared. Papunta na ako ngayon sa Reklusyon para iligpit ‘tong detective,” seryosong wika nito. Ang Reklusyon ay isang tagong lugar kung saan ang grupo lang nila ang nakakaalam. At sa lugar na ‘yon ay do’n nila inililibing o iniimbak ang mga katawan ng kanilang mga naging biktima. “You never disappoint me, Matt. Keep up the good work,” sagot naman ng kanyang kausap at binaba na ang tawag. Kasalukuyan namang nasa likuran ng sasakyan si Chief Tanner at gumagawa ng paraan upang matawagan ang mga kasamahan. Dahil nakatali sa likuran niya ang kanyang dalawang kamay ay nahirapan pa siya sa pagtawag. ----- “Hello? What may I help you? Hello?” nakailang tanong na ang pulis ngunit wala naman nagsasalita kaya naisipan niyang ibaba na ang tawag pero kaagad siyang napigilan ni Detective Ventura ng may mapansin ito. “Anong problema?” tanong niya. “May naririnig akong tunog pero walang nagsasalita, mukhang prank call lang,” simpleng sagot ng pulis. “It could be an emergency. Check the identity of the caller and the cellphone holder.” Utos nito na kaagad namang sinunod ng pulis. Habang nagtitipa ay biglang natigilan ang pulis ng mapansin ang pamilyar na pangalan sa screen. “Anong problema?” tanong ni Detective Ventura nang mapansin na natulala ito. “Detective, the cellphone is under Chief Tanner’s name.” “Ano? Forward the call, put me on.” Naalarma naman ang mga detective na nasa presinto ng marinig ang pangalan ng kanilang chief “Chief Tanner? Chief? Kung naririnig mo ako i-tap mo ang cellphone mo ng dalawang beses.” Tumahimik naman ang paligid kaya mas narinig ni Detective Ventura ang dalawang tap mula sa tawag. “Are you alright, chief?” at dalawang tap muli ang kanyang narinig. Dahil sa busal na nasa bibig ng detective ay hindi ito makapagsalita. “Detective Angeles, please help me locate Chief Tanner’s location. Right away.” Tumango naman si Detective Angeles at kaagad na kumilos. At dahil parehas silang bihasa sa computer ay hindi na mahirap sa kanila ang ganitong gawain. “Current location, San Bernin, Hermosa. Sa bilis ng paggalaw niya sa tingin ko ay nasa sasakyan siya.” “Chief Tanner, ‘wag kang mag-alala, gagawin namin ang lahat para matulungan ka.” Nagkatingin sina Detective Ventura at Detective Angeles na tila nag-uusap. Tumango si Detective Ventura na para bang nagbibigay permiso. “Detective Angeles, speaking. We have an emergency. The reporter is Chief Tanner of Crime Unit 2, we assume that he was kidnapped and he’s being moved by a car.” “Sigurado ka ba sa sinasabi mo Detective Angeles?” tanong ni Detective Portman. Kasalukuyan silang natigil sa paghahanap ng marinig ang report ng kasamahan. “Sigurado kami, team leader. Si Chief Tanner mismo ang tumawag sa amin, hindi lang siya makapagsalita. Hindi pa gano’n kalayo ang lokasyon niya. Please track him now!” “Anong nangyayari?” “Si Chief Tanner? Sh*t” Naalarma naman ang mga detective dahil sa report na natanggap. Napagpasyahan nina Detective Portman at ng crime unit 2 na itigil muna ang paghahanap kay Maverick Manal at Jovert Java at unahin ang pagligtas sa kanilang chief police. “Sandali, hindi ba kasama niya si Detective Grey?” singit ni Detective Dilinilia, miyembro ng crime unit 2. Tatawagan na sana nila ang kapwa detective pero naunahan na sila nito dahil narinig din nito ang nangyari sa kanilang team leader. “F*ck! Nandito ako ngayon sa parking lot kung saan naunang bumaba si Chief Tanner. Butas ang gulong ng sasakyan namin.” Kinuha ni Detective Portman ang cellphone ni Detective Dilinilia at siya ang kumausap kay Detective Grey. “Nasaan ka ngayon?” “Nasa basement parking lot ako ng Wensley Medical Hospital. Requesting backup vehicle from nearby station.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD