'When all the dust is settled and all the crowds are gone, the things that matter are faith, family, and friends.’ – Barbara Bush -Donovan’s POV- “Nasubukan niyo na ba siyang kausapin?” “Yes, and he told me something. It’s about the organization and how they killed his family.” Bigla naman kaming nagkatinginan ni Detective Raynolds ng dahil sa sinabi ng nurse. Tila ba iisa lang ang nasa isipan namin ngayon. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa suspek at kagaya kanina ay abala pa rin ito sa kanyang ginagawa. Ilang segundo ko pa itong tinignan bago bumalik sa nurse. “Can you tell me what he told you about the organization?” mahinang tanong ko rito. Tumango naman ito at tinuro ang daan palabas. Hindi siya nagsalita kaya naman sinundan namin siya palabas hanggang sa makarating kami sa kany

