‘I want to commit the murder I was imprisoned for.’ – J.K Rowling -Donovan’s POV- Ilang araw na ang lumipas simula ng mailigtas namin ang pinsan ni Detective Raynolds. Kasalukuyan na naka-hospital arrest ang lalaki. Wala ito sa tamang pag-iisip kaya naman napag-desisyonan ng korte na manantili ito sa mental hospital hanggang sa siya ay gumaling. Sa dami ng bangkay na nakuha namin sa ilalim ng kanal ay pang-habambuhay na pagkaka-kulong ang hatol sa kanya. Hanggang ngayon din ay nasa hospital pa ang dalawang biktima at nagpapaggaling. Magaling na ang sugat nila sa katawan pero kailangan pa nilang sumailalim sa ilan pang therapy upang masiguro na wala silang trauma na natamo. Mabuti na lang din at kaagad na nakarating sina Detective Roxas upang tulungan kaming makalabas ng manhole. Sakto

