V1 - Chapter 35

2172 Words
‘A detective who uses his deductive powers to corner suspect and then does nothing to stop them from committing suicide is no better than a murderer himself.’ – (Kudo Shinichi) Gosho Aoyama -Donovan’s POV- Paakyat na ako ngayon sa opisina ni Colonel. Halos ilang linggo na rin pala simula no’ng pumunta ako rito para magpasa ng report. Ngayon naman ay hihingi ako ng search warrant. Nang makarating sa tapat ng pinto ay kumatok muna ako bago pumasok. Matapos kumatok ay binuksan ko ang pinto at naabutan ko si Colonel Martinez sa kanyang mesa na may pinipirmahan. Kaagad akong sumaludo sa kanya at bumati ng makita ako. “Detective Portman, it’s been a while. Please have seat.” Naupo naman ako sa sofa habang hinihintay siya na matapos sa kanyang ginagawa. “Good afternoon, Colonel Martinez,” bati ko sa kanya ng makaupo siya sa harapan ko. “Yeah. Ano pala ang kailangan mo at napunta ka rito?” tanong naman niya habang binibigyan ako ng tsaa. Kinuha ko ang tsaa na binigay niya bago nagpatuloy. “Narito ako para humingi ng search warrant para sa MS Motel,” diretsa kong sinabi. “MS Hotel? Tama ba ang pagkakarinig ko? MS Hotel ang sinabi mo?” pag-uulit niya. Tumango naman ako. “Yes, Colonel. MS Hotel, the one near the San Bernanina.” “At ano naman ang kaso na ini-imbestigahan mo para madawit ang MS Hotel?” “It’s a missing case of college students here in San Bernin. At napag-alaman namin na pumunta sa MS Hotel ang sinasakyan na kotse ng isa sa mga dalagang nawawala,” sagot ko naman sa kanya. Tumingin lang siya sa akin kaya naman hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. “Do you know what you are talking about, Detective? Kilala mo ba kung sino ang may-ari ng MS Motel?” “Yes, I do,” taas noong sagot ko sa kanya. “The owner of MS Hotel is Michael Salvador, only son of Salvador’s Corporation and an Engineer.” “Yeah, you’re right,” he said at humigop sa kanyang tsaa. “I’m sad to inform you, detective, that I can’t allow that. MS Hotel is a private property at pwede tayong magka-problema sa mga nasa itaas kapag nagkamali tayo lalo na’t kilalang pamilya ang mga Salvador.” “I know, Colonel. Kaya nga hinihingi namin ang permiso mo tungkol dito sa kaso. And I’m asking for a search warrant para maalis sa amin ang pagdududa sa hotel na ‘yon. Kung wala nama silang tinatago ay wala namang magiging problema hindi ba?” Bago pa lang pumunta rito ay may hinala na ako na hindi magiging madali ang pagkuha ng search warrant. No’ng una ay masyadong attach si Colonel Martinez sa pamilyang Williams, pero ‘wag niyang sabihin na pati sa mga Salvador ay pabor din siya. “I love it that you are eager to solve the case, detective. But let’s not forget na hindi basta-bastang mga tao ang kahaharapin mo kung sakali man na magka-problema tungkol dito.” The hell! I didn’t know that asking for a search warrant would be as difficult as this. “We won’t do anything wrong, colonel. We’re just going to ask for the CCTV files of the hotel, in the parking lot specifically.” I said to ease his doubt na baka magkamali ang grupo. “If you say so. Then I’ll give you tomorrow the search warrant,” he said kaya naman napanatag na ang loob ko. “Thank you, colonel. I have to go, I have more things to do,” I said at tumayo na mula sa aking pagkakaupo. “Go ahead,” he said habang inuubos ang kanyang tsaa. Hindi na ako nagsalita pa at lumabas na ng kanyang opisina. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang bumalik sa opisina. Hindi pa man kami opisyal na nagi-imbestiga sa hotel na ‘yon ay nararamdaman ko na kaagad ang pagod. Nang makabalik sa opisina ay abala pa rin ang lahat sa kani-kanilang mga ginagawa. Ang nadatnan ko lang ay sina Detective Ventura, Detective Angeles, at Detective Raynolds na tutok sa kanilang mga computer. Habang sina Detective Roxas at Detective Villares ay wala sa kanilang pwesto, marahil ay ginagawa ang mga sinabi ko kanina. I head back to my place and draw up a search warrant so we can collect the evidences we expect to find. I send a draft to the district attorney’s office for review. Since I already talk to Colonel Martinez, I know that I will get what I expected result until at least tomorrow. After sending a draft of search warrant, tinuloy ko na ang pagtingin sa profile ng mga pangalan na nasa listahan. Ginugol namin ang aming oras sa pagkalap ng mga impormasyon na magagamit namin sa kaso. Ilang oras na rin akong nagtitingin sa mga profile ng guest at nararamdaman ko na ang pagsakit ng aking likod. Kapag nasa field ako ay minsan hinihiling ko na nasa presinto na lang ako at kaharap ang papel at computer. Pero ngayon, hinihiling ko naman na sana ay nasa field o crime scene ako at nagi-imbestiga. ----- Finally! I said in my mind ng matapos ko ang pagre-review sa mga profile. Pero syempre, hindi pa ro’n natatapos ang lahat. Dahil pagkatapos ko rito ay ‘yong CCTV footages naman ang kailangan kong aralin. Nararamdaman ko na ang sakit ng katawan pati na rin ang antok kaya naisipan ko na tumayo muna sa pwesto ko at magtimpla ng kape. Halos hindi rin pala ako nakakain kanina, though, nag-tinapay naman ako habang nagre-review ng mga pangalan. Nang makarating ako sa harap ng coffee maker ay naguluhan naman ako kung anong kape ang iinumin ko. Medyo inaantok na ako kaya naman pakiramdam ko hindi na ako tatagal ng mahigit limang oras pa, kaya pwede akong mag-mild lang, ‘yong may creamer. Pero dahil marami pa akong video na kailangan tignan, kailangan na tutok ang mata ko sa bawat video at hindi inaantok-antok, kaya mas bagay sa ganito ang kapeng barako. Kaso paniguradong hindi naman ako makakatulog kaagad. At kapag hindi ako nakatulog o nakapagpahinga man lang ay baka bangag ako bukas at hindi makausap ng maayos. Hay buhay! Pati ba naman pagili ng kape Donovan, pahihirapan mo pa sarili mo? At talaga naman. Nakikipagtalo ba talaga ako sa sarili ko? Sira-ulo na nga ata talaga ako. Nagtimpla na lang ako ng kape bago pa ako tuluyang masiraan ng bait. ‘Yong may creamer na kami na lang ang tinimpla ko para kahit papano ay makatutulog pa rin ako mamaya. Balak ko rin kasing mag-imbestiga pa mamaya. Kaya naman naisipan ko na sa MS Hotel ang destinasyon ko ngayong gabi. Kung sakali man ay sarado na ang hotel mamaya pero paniguradong may mga mga empleyado pa rin. At kung papalarin ay posible na bukas ‘yong security office mamaya. Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay bumalik na ako sa p’westo ko at tinuloy ang panonood. Hindi pa rin bumabalik ang dalawang detective kaya naman paniguradong naghahanap pa rin sa labas ang mga ‘yon. ‘Yong tatlo naman ay gano’n pa rin, tutok din sa kanilang computer. Umiinat-inat pa nga si Detective Raynolds. ----- Sa wakas! Natapos ko nang panoorin ang lahat ng video at wala naman akong nakitang impormasyon na pwede kong magamit. Kagaya nga ng sinabi ni Detective Ventura kanina, matapos pumasok sa hotel ay hindi na nakita pang lumabas ang sinasakyan ni Stephanie. Depende na lang talaga kung may secret passage ang hotel. Teka! Tama! Ang galing mo talaga, Donovan! Posible na sa iba dumaan ang sinasakyan ni Stephanie Cortez matapos pumasok sa parking lot ng hotel. At kung sakali man na may secret passage sila ay paniguradong may kinalaman ang hotel sa kaso. Pero kanina ay wala naman akong nakitang kakaiba sa parking lot. Bukod sa exit ng mga sasakyan palabas ng hotel at elevator, wala na akong nakitang iba pang daan na pwedeng labasan ng sasakyan. Mukhang nadagdagan pa ang dahilan ko para puntahan ang MS Hotel mamayang gabi. At sana, ito na talaga, ang matibay na ebidensya na kailangan namin. “Team leader, hindi ka pa ba uuwi?” napabalikwas naman ako dahil sa gulat. Masyado akong nalunod sa iniisip ko. “Ah yeah, uuwi na rin ako. Tatapusin ko lang ‘to,” I answered. Kararating lang din pala nina Detective Villares at Detective Roxas, nag-aayos na lang sila ng gamit para maghanda pauwi. Alas-diyes na rin kasi ng gabi at paniguradong naghihintay na sa kanila ang kanilang mga asawa. Gano’n din sina Detective Raynolds na siyang kumausap sa akin kanina ay naghahanda na rin pauwi. Mukhang ako na nga lang ang maiiwan. Balak ko pa kasing tapusin ‘tong panood ng video, iilan na lang naman na sila kaya saglit na lang din ‘to. “Team leader, mauna na kami sa’yo.” Paalam nila ng maayos na ang kanilang mga gamit. “Okay. See you tomorrow,” I said. Sabay-sabay naman na silang lumabas kaya bumalik na ako sa aking ginagawa. Tatapusin ko na lang din ‘tong ilang video na natitira, then I’m good to go. Ayos din pala na nagkape pa ako, medyo umayos na ang pakiramdam ko. Ramdam ko pa rin ang pagod pero hindi na ako gano’n inaantok. Pwede na sa ilang oras pa. saka mukhang hindi na rin naman na ako aabutin ng isang oras pa sa panonood. ----- After so many videos, I already finished watching all of them. Sumakit ang mata ko ro’n. Buti na lang talaga at nakasalamin ako ngayon. Dahil kung hindi, paniguradong hindi kakayanin ng contact lens at mata ko ang ilang oras na pagtutok sa computer. Nang masiguro ko na natapos ko na ang lahat ng video ay inayos ko na ang gamit ko at naghanda na para umuwi. Matapos ang ilang oras na pagkakawalay sa aking kama ay mararamdaman ko nang muli ang kanyang lambot at sarap sa pakiramdam. Itinabi ko na sa drawer ko ang mga profile ng guest ng MS Hotel. Nag-print kasi ako kanina ng kopya para mas madali kong mabasa at makita ang mga impormasyon. Niligpit ko na rin sa bag ko ang mga notes at flashdrive. Nang ayos na ang lahat ay lumabas na ako at dumiretso sa kotse. Naiwan pa kasi sa loob ‘yong Cold Case Team kaya naman hindi ko na pinatay pa ‘yong ilaw. Minsan tuloy napapaisip ako, bakit hindi na lang kaya ako magpalipat sa Cold Case Team. Pero sa tuwing naiisip ko ‘yong mga kaso na sinusubukan nilang lutasin ay parang sumusuko na ang utak ko. Isa pa, hindi pa ako gano’n ka-pamilyar sa buong San Bernin kaya kung sakali man ay mukhang mahihirapan din akong resolbahin ang kaso. Ngayon pa nga lang ay halos pasuko na ang utak ko. Sa ilang buwan ko rito sa San Bernin, napansin ko na halos magkaiba ang mga uri ng kaso na nahawakan ko sa Manila kaysa rito. Kung sa Marnina ay halos pisikalan talaga, Sa San Bernin naman ay pisikalan na may utak ang kailangan. Idagdag mo pa na halos misteryoso ang mga kaso na napupunta sa grupo namin. At lagi kaming nauuwi sa dead end. Kagaya na lamang ng kaso ni Amanda Reyes, Ryan Rocques, Tomas Stein, at Romeo Baltazar. Na-stuck na kami sa kaso dahil nakarating kami sa dead end, kung saan hindi namin alam kung paano kami lalabas at maghahanap ng ibang ruta na dadaanan. Kung kailan malapit na naming maabutan ang hinahabol namin ay nag-shortcut pa kami. Ayan tuloy, dead end. Pinaandar ko na ang sasakyan ko at nagmaneho pauwi. Nang makarating sa condo ay inayos ko ang pagparada at umakyat na sa unit ko. Wala nang kung ano-ano pa. iginilid ko na lang ang gamit ko at nagpalit ng damit saka dumiretso sa kwarto. Hindi ko na rin nararamdaman ang gutom dala ng pagod at antok. Hindi na rin ako naligo pa at nahiga na kaagad. Bukas na. Bukas ko na gagawin ang lahat. Sa ngayon ay kailangan ko munang mahiga at namnamin ang sarap at labot ng aking kama saka ako lalabas ulit. Ilang minuto muna ang pinalipas ko bago nag-astral projection. Sa totoo lang ay medyo alanganin ako ngayon, hindi dahil natatakot ako o ano, kung hindi dahil sa layo ng lugar na balak kong puntahan. Nalagpasan ko na ang dating layo na napupuntahan ko, pero sa ngayon ay mas malayo na kaya naman hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nito sa katawan ko. Pero bahala na. Ang mahalaga ay masagot ang mga tanong na nasa isipan ko at matahimik ang kalooban ko. Nang makalabas sa katawan ko ay inihanda ko na ang sarili ko sa mahaba-habang paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD