V1 - Chapter 34

2424 Words
‘Mystery creates wonder and wonder is the basis of man’s desire to understand.’ – Neil Armstrong -Donovan’s POV- Magkabilaan kami ni Detective Raynolds sa pagtingin sa mga sasakyan. Ako sa kanang bahagi habang siya naman sa kabila. Halos sampung minuto lang ang lumipas at natapos na kami sa pagtingin sa mga sasakyan. Unfortunately, we didn’t find the car that Stephanie Cortez used. “Tinignan mo bang maigi ang mga plate number?” tanong ko kay Detective Raynolds, baka mamaya kasi ay may nakaligtaan siya at baka ‘yon na ang hinahanap namin. “Yes, team leader. Pero negative. Mukhang wala rito ‘yong sasakyan na hinahanap natin,” sagot niya. “Let’s check the whole place one more time. Baka nalagpasan lang natin,” I said at nagsimula na muling tumingin sa mga sasakyan. At kagaya ng kanina ay wala pa rin. Hindi namin nakita ang sasakyan na hinahanap namin. Majority ng sasakyan dito sa parking lot ay itim na sedan, may iilan na iba ang kulay, at isang food truck, bukod pa ro’n ay wala nang ibang sasakyan pa rito. “Hindi kaya nakaalis na ‘yong sasakyan na ‘yon? Posible rin na wala na rito sa hotel si Stephanie Cortez,” napatango na lang ako sa sinabi ni Detective Raynolds. “Let’s go to the security’s office, maybe we can ask for the CCTV footage of the hotel,” sabi ko at naglakad na papuntang Security Office. Nakita ko na kanina ‘yong opisina nila kaya naman madali na sa amin ang pumunta ro’n. Nang makarating ay naabutan namin na dalawang security guard ang nasa loob. Mukhang dito na rin ang kanilang CCTV room dahil sa mga computer na nasa mesa. “Good morning, boss,” bati ni Detective Raynolds at ipinakita ang ID niya. “Ako nga pala si Detective Clayton Raynolds from Crime Unit Department of San Bernin Precinct. May mga tanong lang sana kami tungkol sa kaso na ini-imbestigahan namin.” Lumabas naman ‘yong isang security guard habang naiwan sa loob ang kasama niya. Nang makalabas ay isinara niya ang pinto kaya naman hindi na namin makita ang loob. “Tungkol naman saan?” tanong niya ng makalapit sa amin. Ako ang sumagot sa tanong niya at ipinakita ang ID ko. “I’m Detective Donovan Portman, team leader of Crime Unit 1. Can we get a copy of CCTV footages on parking lot and outside the hotel for the past two months?” “May warrant ba kayo?” “Wala. Pero ilang buwan na kasi ang kasong ‘to tungkol sa pagkawala ng isang dalaga,” sagot ni Detective Raynolds sa kanya. “Sorry, pero ayon sa management, hindi kami pwedeng magbigay basta-basta ng footage. Lalo na kung walang warrant. Kaya naman kung kailangan niyo talaga kumuha muna kayo,” mayabang na sagot ng security guard. “CCTV footage lang naman ang kailangan namin. At saka wala ka bang kapatid na babae? Anak?” sagot ni Detective Raynolds na mukhang napikon sa sinabi ng security guard. “Kaya nga kumuha muna kayo ng warrant. Sumusunod lang ako sa patakaran,” he said. Sasagot pa sana si Detective Raynolds pero inawat ko na siya. “Babalik na lang kami kasama ng warrant,” I said at hinatak na paalis ang kasama ko. Binitawan ko lang siya ng tuluyan na kaming makalabas ng hotel. Hindi rin naman siya umimik kaya bumalik na ako sasakyan, sumunod naman siya sa akin at dumiretso sa driver’s seat. Nang makapasok ng sasakyan ay hindi niya pinaandar kaagad ang makina kaya naman tinignan ko siya. “Problem?” I asked. “Wala naman, team leader. Sorry pala kanina, nadala lang ng emosyon.” “It’s okay, let’s go back to the station,” I said kaya naman pinaandar na niya ang makina at nagsimulang magmaneho. Hindi ko alam kung napansin din ba ng kasama ko ang napansin ko kanina, pero masyadong kahina-hinala ‘yong mga staff ng hotel na ‘yon. Lalo na ‘yong security guard na nakausap namin. Well, naiintindihan ko naman ang policy nila when it comes to the security of the establishment pero parang masyado silang mahigpit para sa isang hotel. “Team leader, napansin mo ba na parang ang weird ng mga tao kanina?” tanong ni Detective Raynolds. Speaking of. “Yeah, napansin ko na. They look and act suspicious.” “Kaya nga. ‘Yong babae rin kanina, mukhang alanganin pa nga siya kanina kung ibibigay niya ‘yong soft copy no’ng listahan. Muntikan pa nga ma-delete, eh.” Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. “Muntikan ma-delete? How come?” “Hindi ko sigurado kung masyado lang akong tamang hinala pero kasi kanina, she look like she’s panicking, and when I ask questions she tend to change her head position quickly.” “Paano mo naman nasabi?” “Hindi mo kasi naitatanong, team leader. Pero nag-aral kasi ako ng Psychology before, nag-shift lang ako ng course into Criminology.” Oww, I didn’t know that one. Wala rin kasi kaming time para pag-usapan ang tungkol sa mga sarili naming buhay. At kapag lumalabas naman kami ay halos tungkol sa trabaho at kaso rin ang topic namin. “Pero naka-graduate ka on time ‘di ba? Kasi kung nag-shift ka ng course, posible na ga-graduate ka one year later.” “Yes, team leader. Pero no’ng nag-shift kasi ako ay may mga credited na subjects na ako before kaya naman hinabol ko na lang ang iba kaya naman irregular student ako no’ng college. Pero naka-graduate pa rin ako on time. At ito na nga, naging isang detective na ako,” proud na kwento niya. Well, I can say na isa siya sa mga detective na kilala kong proud sa trabaho na ginagawa namin. Kahit na mahirap ang trabaho na ginagawa namin at delikado, pero ‘yong pakiramdam na may naligtas kang buhay at nakatulong ka sa tao ay kakaiba. “Sige nga, may matuturo ka ba o mabibigay na tip sa akin para malaman ko kung nagsisinungaling ang kausap ko o hindi?” Ngumiti naman siya bago sumagot. “Ganito ‘yan. Kung ‘yong kausap mo ay biglang nagliko ng tingin kapag tinanong mo sila ay posible na may tinatago sila sa’yo.” Yeah, I’m actually aware of that. That’s often happen right before the person is expected to respond to a question. “When someone is lying to you, they may begin to breathe heavily. Which is a common response kapag kinakabahan at tense ang isang tao. Isa pa, they may repeat some words or phrases since they are trying to convince you and themselves. Like they are trying to validate the lie in their mind.” I agree. I think, repetition is also a way to buy themselves time as they attempt to gather their thoughts. Aside from that, when someone goes on and on explaining things and gives too much information—information that is not requested. It’s like hoping someone that there would be someone who will believe them. “Some people, they tend to cover or touch some parts of their body. And lastly, they tend to point a lot and stare too much without even blinking.” “Yeah, at least you have an approach or ability, or what do you call that, to know if someone is lying.” Sa pagaakalang makakakuha na kami ng lead ay na-excite ako na imbestigahan muli itong kaso, kaso nagkamali ako. Pero hindi na rin masama dahil kahit paano ay may nakuha pa rin kaming impormasyon na maaaring makapagturo sa amin sa kung ano ba talaga ang nangyari at kung nasaan si Stephanie Cortez. Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko napansin na nakabalik na pala kami. Pagkababa ng sasakyan ay dumiretso kaagad ako sa loob at naabutan ko sina Detective Roxas na kumakain. Tinignan ko ang oras sa taas at alas-dose na pala ng tanghali. “Nandito na pala kayo, team leader. Tara kain,” yaya sa amin ni Detective Roxas habang ngumunguya pa. Kaagad naman na sumalo sa kanila si Detective Raynolds habang ako naman ay dumiretso sa p’westo ko. Sa ngayon ay mas uunahin ko pa na pakainin ang kuryosidad ko bago ang sikmura ko. “Ikaw, team leader, hindi ka pa ba kakain? Halika na sabay ka na sa amin,” muling pagyaya ni Detective Roxas. “Mamaya na lang ako, detective. May tatapusin lang ako,” I said at bumalik na sa ginagawa. Hindi naman na sila nagtangka pang muli na yayain akong kumain kaya naman sinimulan ko nang maghanap ng mga impormasyon na pwede kong magamit sa kaso. Pakiramdam ko talaga ay may mali sa hotel na ‘yon. It’s just that, it’s weird. Everything in there is weird. Sinimulan kong maghanap ng karagdagang pang impormasyon tungkol no’ng itim na sedan na sinakyan ni Stephanie Cortez. Ayon kasi sa nakalap na impormasyon ni Detective Ventura ay bago mamatay dahil sa sakit ang may-ari no’n ay dalawang buwan nang nawawala ang sasakyan. Nang malaman na nawawala ang kanilang kotse ay kaagad nila itong ni-report sa mga pulis, ngunit hindi na tuluyan pang nakita. At matapos ang pitong buwan, simula nang mawala ito ay muling nakita ang sasakyan, kung saan nga nakita na sinundo ng driver ang dalaga. Pinapanood ko ngayon ang CCTV footages kung saan nakita ang sasakyan. Dumaan pa kasi ito sa highway kaya naman kita sa lahat ng CCTV ang sasakyan hanggang sa dumiretso at pumasom ito sa parking ng hotel. Tinignan ko pa ang ibang video, na naglalaman ng dalawang buwan na kuha. Isa-isa ko itong pinanood, nagbabaka sakali na makitang lumabas ang sasakyan. Hindi ako siguro kung may iba pa bang daana ng hotel bukod dito sa entrance at exit nila. Pero kahit saang anggulo tignan ay hindi na muling lumabas ang itim na sedan na sinakyan ni Stephanie Cortez. Nakakapagtaka lang dahil no’ng pumunta kami ay wala na ang sasakyan. Wala rin namang kuha ang CCTV na lumabas ito. Hindi rin naman nakitang naglakad palabas ang dalaga. Kung may kopya lang sana kami ng CCTV ng parking lot sa hotel. Nang wala akong makuha na maayos na impormasyon sa mga CCTV footage ay sinuri ko na lang ang mga pangalan sa guest list ng hotel. Pinagkumpara ko ang dalawang listahan, ang hard copy at soft copy na nakuha namin kanina. Sa loob ng dalawang buwan ay hindi naman lumagpas ng five hundred ang naging guest nila. Kakaunti sa inaasahan ko. At dahil kumpleto naman halos ang detalye ng mga nag-check-in sa hotel ay hindi na kami mahihirapan pa na i-trace kung sino man ang kailangan namin hanapin, well, depende na lang kung turista. Isa-isa kong sinuri ang mga pangalan at wala namang kakaiba na nakalagay dito. Halos magkapareho rin ang dalawang kopya na nakuha namin. Ewan ko ba kung bakit parang kinakabahan ‘yong babae kanina base kay Detective Raynolds. Halos karamihan sa naging guest ng hotel ay mag-asawa ko kaya naman ay mag-boyfriend at girlfriend. At wala ni-isa ang pangalan ni Stephanie Cortez, tanda na hindi ito nag-check-in sa hotel. Hindi ko naman malaman kung sino ang kasama ng dalaga dahil hindi namin kilala, kaya naman inilaan ko ang oras ko na tignan ang background ng lahat ng nag-check-in. “Team leader, magkape ka muna, kanina ka pa r’yan,” napatingin naman ako sa nagsalita. Si Detective Villares lang pala. “Salamat, detective,” sabi ko at kinuha ang kape na hawak niya. Sakto at medyo kumakalam na rin kasi ang sikmura ko. “Hindi ka pa ba kakain, team leader? Kanina ka pa hindi tumatayo sa pwesto mo, anong oras na,” bigla naman akong napatingin sa orasan dahil sa sinabi niya. Fvck! Seryoso ba? Alas-tres na kaagad? Ang bilis ng oras, hindi ko napansin. Masyado akong nababad sa paghahanap ng impormasyon. “Hindi ko namalayan ang oras. By the way, kakain na lang ako mamaya. Salamat ulit sa kape.” “Relax-relax din, team leader, kapag may time. Baka tumanda ka ng maaga,” biro pa ni Detective Villares saka bumalik sa p’westo niya. Masyado akong natutok sa ginagawa ko at hindi ko na namalayan pa ang oras. No’ng maamoy ko ang kape ay saka ko lang din naramdaman ang gutom. “Guys, can I have your attention, please,” I said. Nang tumingin naman sa akin ang buong grupo ay saka ako muling nagsalita. “We’ll have our meeting tomorrow and I want everyone to prepare for it.” “About what case, team leader?” tanong ni Detective Roxas. Hindi ko nga pala nabanggit sa lahat na inaasikaso pa rin namin ang missing case. Natabunan na rin kasi. “It’s about the missing case of those college students,” hindi naman na sila nagsalita pa kaya muli akong nagpatuloy. Detective Ventura, I want you to look for all the CCTV footages near MS hotel for past two months and look for any suspicious car.” “Noted, team leader.” “Detective Roxas and Detective Angeles, kaya niyo bang makakuha ng listahan ng lahat ng empleyado ng MS Hotel? If yes, can you also background check all of them?” “’Yon lang ba, team leader? Mani lang ‘yan sa akin,” Detective Roxas answered and I just nod. “Detective Raynolds, please search about the background and owner of MS Hotel. And Detective Villares can you look for this car?” inabot ko naman sa kanya ang picture ng itim na sedan. “Maybe at the junk shop, car shop, or any shop that disposes cars?” “Sure, team leader,” sagot naman nila. “Do you have any questions, detectives?” wala namang nagsalita kaya nagpatuloy akong muli. “Tomorrow, after we gathered all the information we’ll have a meeting and let’s finished this case as soon as possible.” “Yes, sir!” sabay-sabay na sagot nila. Nang matapos ang pagbibigay ng gawain ay lumabas ako ng opisina at nagtungo sa opisina ni Colonel Martinez. Kailangan kong humingi ng search warrant for the MS Hotel. Sigurado ako na malaki ang maitutulong ng makukuha namin footage sa kaso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD