V1 - Chapter 2

1177 Words
“Ma, aalis na po ako, mag-iingat kayo,” ngayong araw ang nakatakda kong alis papuntang San Bernin at itong nanay ko naman ay ayaw akong pakawalan. “Aalis na ako, Ma. Tumigil ka na nga kaiiyak, hindi naman ako mangingibang bansa,” pero hindi pa rin tumitigil sa page-emote ‘tong nanay ko, kahit kailan talaga, daig pa ang bata kung umiyak. “Naiintindihan mo naman ako ‘di ba? Nag-aalala lang ako sa’yo,” malungkot na wika niya habang nagpupunas ng luha. “’Wag ka nang malungkot, ma. Mabilis lang ang isang taon, saka pwede naman kitang bisitahin tuwing day off ko,” I said to ease her mind. Mukha namang huminahon na siya dahil tumigil na siya sa pag-iyak. “Mauna na ako. Love you, Ma,” paalam ko at sumakay na sa kotse. Magc-commute sana ako dahil medyo malayo rin ang San Bernin, mahigit sampung oras na byahe, pero naisipan ko na dalhin na lang ang sasakyan ko para hindi na rin ako ma-hassle mag-commute araw-araw kung sakali. ----- “Magandang umaga po, pwede po bang magtanong?” tawag ko sa ale na nagtitinda sa gilid. “Ito na po ba ang San Bernin?” “Hindi pa ito pero diretsuhin mo lang ang kalye na ‘yan,” sabay turo sa kabilang kanto. “Sa kabilang kalye, ayan na ang bungad ng San Bernin,” paliwanag niya. “Sige po, maraming salamat,” paalam ko at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Ilang minuto lang ay narating ko na ang kalye na itinuturo kanina ng ale. Gabi na ako umalis ng Marnina kahapon kaya naman inabot na ako ng umaga sa byahe, nakailang kape na rin ako para mapanatiling gising ang sarili dahil sa haba ng byahe. Matapos ang mahigit kalahating oras ay narating ko rin ang presinto kung saan ako naka-destino. Pinagmasdan ko ang buong lugar at isa lang ang masasabi ko, mukhang easy as making pie ang magiging trabaho ko rito dahil sa katahimikan ng buong lugar. Mukha rin namang bihira lang magkaroon ng kremin sa lugar na ‘to. “Good morning, sir. Anong kailangan mo?” bungad na bati sa akin ng isang pulis. “Good morning din, ako nga pala si Detective Donovan Portman, nasa loob ba si Colonel Sebastian Martinez?” “Ah, ikaw ‘yong detective na galing Manila, halika sa loob kanina ka pa niya hinihintay,” at nauna na siyang maglakad papasok. Agad akong sumunod sa kanya at dumiretso kami sa ika-apat na palapag kung saan naroon ang kwarto ni Colonel Martinez. Bago pumasok ay kumatok muna siya ng tatlong beses. “Sir, nandito na si Detective Portman, kararating lang,” nanatili kaming nakatayo dahil may kausap pa sa telepono si Colonel Martinez. Sumenyas naman siya na maupo bago tinapos ang tawag. Nauna na ring umalis ‘yung pulis na naghatid sa akin dito dahil may aasikasuhin pa raw siya. Ilang minuto muna kaming nagtingin bago ako nagsalita at nagpakilala. “Good morning, sir. Reporting Detective Donovan Portman from Marnina,” I said at sumaludo bilang paggalang, sumaludo naman siya pabalik kaya naupo akong muli. “Nice to meet you, Detective Portman. I’m Colonel Sebastian Martinez and I’ll be your direct head for the whole year that you’ll stay here,” paliwanag niya. Hindi ko alam kung anong meron pero hindi ako komportable kay Colonel. Para bang sinasabi ng isip ko na mag-ingat sa kanya. Well, bilang isang detective, lahat na ata ng tao pinagdudahan ko kahit wala namang masamang intensyon. “Since it’s your first time here, gusto ko na libutin mo muna ang buong lugar para maging pamilyar ka sa San Bernin. Hindi naman ito gano’n kalakihan kaya hindi ka mahihirapan,” paliwanag niya habang may tinitignan na file, na mukhang personal details ko. “Sa Monday ka na rin magsimula para may oras ka makapag-pahinga since kararating mo lang,” dagdag pa niya. “Noted, sir,” I answered. Bale may dalawang araw ako para magpahinga at maglibot-libot. “Also, this is the address of the apartment, kung saan ka panandaliang tutuloy habang nandito ka sa lugar namin” at inabot naman niya sa akin ang papel kung saan may nakalagay na address. “Do you have any question?” “None, sir,” I said at binulsa ang address, mahirap na, baka mawala at sa kalsada pa ang bagsak ko. “Mauna na ako, sir. See you on Monday,” paalam ko at lumabas na ng opisina. Bago dumiretso sa apartment ay nilibot ko muna ang buong istasyon para hindi na ako mahirapang maghanap sa Monday. Kainis, ngayon ko lang naalala. Nakalimutan kong itanong kung sino ang magiging partner ko. Hay, sa Monday na nga lang. Hindi rin naman pala kalayuan ‘yong apartment na tutuluyan ko kaya nakarating din ako kaagad. Mabilis kong pinarada ang sasakyan at agad na dumiretso sa loob. Sa ikatlong palapag ‘yong unit ko at nasa bungad lang kaya naman hindi rin ako nahirapang maghanap. Pagpasok sa loob ay mapapansin kaagad ang veranda at malawak na sala. Hindi na rin masama, pwede na para sa dalawa hanggang tatlong tao. Halos kumpleto na rin lahat ng gamit mula sa furniture, appliances, at kung ano-ano pa na kailangan sa isang bahay. Malinis rin ang buong lugar kaya naman pag-aayos na lang ng gamit ang gagawin ko. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang pagdating ko. Una kong inayos ang mga damit ko, hindi rin naman gano’n karami ang dinala kong gamit, kung may kulang man ay bibili na lang siguro ako. Agad kong nilagay sa drawer lahat ng damit ko at inaayos ang iba pa. Pagkatapos mag-ayos ay dumiretso ako sa banyo para maligo at makapagpalit ng damit. Pakiramdam ko ay sobrang dumi ko na. Habang kumikilos ay hindi maiwasan na sumakit ang ilang parte ng katawan ko. Halos sampung oras din kasi akong nakaupo kaya naman pakiramdam ko nawalan ako ng p’wet dahil sa pagkamanhid. Parang naubusan naman ng lakas ang kamay at braso dahil sa pagmamaneho. Parang buong katawan ko nga ang masakit dahil maghapon akong nakaupo. Tapos na akong mag-asikaso kaya naman magpapahinga na muna ako, baka bukas na lang ako mamili ng grocery at isabay ko na ang paglilibot at paglalakad-lakad sa kabuuan ng San Bernin. Mukhang hindi naman ako mahihirapan ng sobra sa trabaho dahil sa lugar na ‘to. Kaso ang ipinagtataka ko ay kung bakit pa nila kailangan magpadala ng tao na magmo-monitor dito sa San Bernin kung pwede naman na mag-report na lang sa kanila ‘yong head? Kumpara sa Marnina, para namang mas safe rito at mababa ang porsyento ng mga krimen. Pagpasok sa kwarto ay malinis na kama ang bumungad sa akin. Parang tinatawag tuloy ako ng kama at sinasabi na, “halika na, Donovan, tayo nang mahinga at magpahinga”. “Ay, ewan! Nakakapagod mag-isip. Makapagpahinga nga muna,” masayang wika ko sabay higa sa kama. Ang sarap sa likod, sobrang lambot. Mukhang masisiyahan akong matulog araw-araw dahil sa kama.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD