12

1222 Words
ERICA POV NAPANGIWI siya dahil pasuray-suray sa paglakad si Jake kaya nakaalalay siya rito. Nakaabay ito sa kanya habang nakakapit naman siya sa beywang nito. Binabalanse niya ang bigat ng binata. "W-Wait lang tayo ng taxi–" kapagkuwan na sambit niya. Namumungay ang mga matang napatango lang si Jake. "I-I ... still can manage, Beauty. Come on, ikaw ang iha...hatid ko," biglang suminok si Jake at suminok uli. "D-Damn, may naglagay yata ng betsín sa beer ko, f**k–" Kumunot ang noo niya. Totoo kaya? Marami din kasing lokoloko sa Club. Napabuntong hininga siya saka napailing. "Nope. Lasing ka na. Kaya ikaw ang ihahatid ko," mariin niyang sabi kay Jake. Hindi naman ito kumibo na. Halatang nahihilo na dahil bumibigat na rin ang pagkakaakbay nito sa kaniya. Sakto naman na may taxi na dumaan, pinara niya iyon at huminto naman sa harap nila. Maingat na iginiya niya papasok si Jake sa backseat at saka siya naupo rin sa tabi nito. Sinabi niya sa taxi driver kung saan ang drop-off nila. Sumubsob naman ang binata sa pagitan ng leeg at balikat niya. Napakagat labi siya. Damang dama niya ang mainit na hininga ni Jake sa leeg niya. "Iuuwi mo... ako?" paanas na tanong ni Jake. "Malamang. Alangan naman iwanan kita sa daan?" Naramdaman niyang ngumiti ito. Napasinghap siya ng yumapos ang mga braso nito sa beywang niya. Pilit man niyang inaalis iyon pero matigas talaga ito. Huminga na lang siya ng malalim. Nang makarating sila sa drop-off medyo madilim pa. Wala pang masyadong tao kaya naman, mabilis niyang binayaran ang driver saka marahan inalalayan uli si Jake patungo sa barracks. Hindi niya alam kung nasa tamang huwisyo siya. Bakit siya mismo ang nagpapahamak sa sarili niya? Paano na lang kung may makakilala sa kanya? Kaasar ! Habang naglalakad, pabiglang bumitiw sa kaniya si Jake at walang pasintabing sumuka sa gilid ng daan. Napapailing siya. Lasing na nga mukhang ina-acid pa. Lumapit siya sa binata at simpleng hinagod ang likuran nito hanggang sa kumalma na ang pagsusuka nito. Hinawakan na niya ito sa braso at dahan-dahan inalalayan papasok ng barracks. Pasalamat na lang talaga na walang tao sa baba, matagumpay niyang naiakyat sa kwarto si Jake at naihiga sa kama nito. Napapunas siya ng konti pawis sa noo. Anong gagawin nya ngayon? Iiwan na ba nya ito? Kailangan pa niyang bumalik kina Clarissa para kunin don ang damit niya at isauli ang hiniram nyang damit. Ilan sandali pa ay akma iiwanan na nya si Jake nang mabilis nito nahawakan ang kamay niya. Napahinto sya at lumingon rito. Nakapikit ito na parang nahihirapan huminga. Mas kinagulat niya ang pagtanggal nito sa suot nitong tshirt at pagkalas nito ng sinturon sabay isinunod ang butones ng pantalon saka walang pag aalinlangan paghubad ng pantalon tanging boxer na lang ang natirang saplot nito. "P-Palagay sa labahan, R-Rico–" parang wala sa sariling sambit ni Jake. Namilog ang mga mata niya dahil sa pangalan binanggit nito. Shít ! Hindi siya kumilos, nanatili lamang siyang nakatayo. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Nagkamali lang ba ito ng tawag? Bumuga muna siya ng malalim na paghinga bago nagsalita. "Uwi na ako, hmm. Bye, Jake," malambing na paalam nya subalit nagmulat ito ng mga mata sabay hila sa kamay niya dahilan upang mapasubsob siya sa ibabaw nito. "D-Don't go– stay here. You can sleep here if you like," nakapikit nito sabi sabay yapos sa beywang niya. Napakagat labi siya. Nakayakap si Jake sa kanya habang nasa ibabaw siya nito. Medyo nakakailang ang posisyon nila. Pinilit niyang tumayo subalit mas lalo pa siyang niyapos ni Jake. Mariin siyang napapikit, kung pwede lang yakapin ito hanggang bukas ay gagawin niya. Subalit, hindi dapat siya magpatangay sa bugso ng damdamin niya. Huminga muna siya ng malalim. Dahan-dahan niyang inalis ang nakapulupot na braso ni Jake sa kanya. Nagawa naman niyang alisin dahil himbing ng nakatulog ang binata. Mabuti na lang talaga. Inayos ang nagulong buhok at nagmadali na siyang umalis para bumalik kina Clarissa upang kunin ang gamit niya at ibalik ang ginamit niyang hair wig. Hapon na nang bumalik siya sa barracks. Naabutan niyang sapo ni Jake ang ulo habang nakaupo sa kama nito. "Uhm, masakit ulo mo?" kapagkuwan tanong niya. Lumingon naman sa kanya si Jake. "Ngayon ka lang ba umuwi?" takang taka nito tanong. Tumango siya. "Oo, bakit? May nangyari ba?" Pinatong niya ang dalang bag sa kama niya saka naupo paharap kay Jake. Mukhang kakagising lang nito, magulo pa ang buhok nito. "Ahm, ikaw ba naghatid sa'kin?" "Ha?" Namilog ang mga mata niya. Napalunok sya ng laway sabay iling. "H-Hindi, bakit ?" Sinapo ni Jake uli ang ulo nito. "Wala naman. Iniisip ko lang kung paano ako nakauwi." "Ahh. Saan ka ba galing? Naparami yata ang inom mo kaya di mo maalala–" nakangiwing sabi niya. "Sa Club. May kasama akong babae actually... kaso.. hindi ako sigurado kung siya ang naghatid sakin pauwi," tulirong sabi ni Jake. Napatayo siya. "Maligo ka na muna para mahimasmasan ka. Bibili muna ako ng pagkain sa labas," ani nya at akma tutungo na sa pinto ng pigilan sya sa kamay ni Jake. Dagli siyang napalingon sa binata. "Wait for me. Maliligo lang ako. Sasabay ako sayo.. or much better, kain na lang tayo sa labas," seryosong suhestiyon nito. "Parang gusto ko kasing kumain ng mainit na ramen. Pangtanggal hang over ba," dugtong pa nito sabay ngiti. Napakurap-kurap siya. Bakit parang natameme siya dahil lang sa simpleng ngiti nito? Wala sa sariling napatango na lamang siya. Ginulo nito ang buhok niya saka dumiretso na sa banyo. Tahimik lang siyang nag abang hanggang sa matapos ito maligo. Dating gawi, nakamasid lang siya habang nag bibihis ito. Jusmiyo marimarrr ! "Let's go?" ang fresh na nitong tignan. Kiming tumango lang. Sabay na silang bumaba. Sa isang karinderya sila nakarating upang kumain. "Natikman ko na ang sisig nila rito, masarap pati 'yon kare-kare nila panalong panalo," nakangiting pagyayabang ni Jake. "Sige, kare-kare, sisig at tortang talong orderin natin," ani nya na ikinatawa naman ni Jake. "Ang dami ah, gutom na gutom ka, Rico–" biro nito. Natawa na rin siya. "Sabi mo kasi masarap e !" "Yeah masarap naman talaga. Makakaraming kanin tayo nito." Sabay pa silang natawa at nang ibigay na ang order nila. Maganang kumain sila ni Jake habang panay ang kwento nito sa College life nito. "May frat kami nun college, active pa rin naman ang frat pero eversince nag graduate na kami hindi na kami gaano sumasama sa mga activities," kwento ni Jake. "So, nasaan na ang lider ng frat nyo?" kapagkuwan na tanong niya. Nagkibit balikat si Jake. "Mayor na–" Nanlaki ang mga mata niya. "Totoo ba? Mayor na?" "Oo. Mayor sa Davao." "Ang galing naman. May kaibigan ka ng Mayor." "Nakaka-proud ba 'yon?" umingos ito. Natawa siya sa reaksyon nito. "Kidding aside. Nakakatuwa rin kasi nagawa na niya 'yon mga gusto nyang gawin," biglang nagseryoso ang mukha ni Jake. "Bakit meron ka rin bang mga gusto gawin na hindi mo nagagawa?" Matiim na tumitig lang si Jake sa kanya. "Meron. Gusto kong maging proud sakin si Daddy at makuha ang tiwala niya," may bahid ng lungkot ang tono ng boses nito. Matamis siyang ngumiti at inabot ang isang kamay nito. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Jake. "Magagawa mo rin 'yon for sure."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD