ERICA POV
PAGSAPIT ng araw ng linggo. Tulog pa si Jake nang umalis siya upang magtungo kina Clarissa. Hindi niya muna sinabi sa kaibigan ang pagkakaroon niya ng komunikasyon kay Jake bilang Erica.
Sinabi niya lang na e-extra siya sa Club bilang disc jockey, tutulungan naman siya ni Peewee dahil kakilala nito ang DJ na nasa Club.
"Hindi ako masyado magtatagal sa club, may lakad din ako, pero kakausapin ko muna 'yon kaibigan kong DJ, tapos ikaw na bahala–" paalala ni Peewee sa kaniya habang inaayosan na naman siya ng buhok.
This time, nakasuot siya ng wig. Matibay naman ang pagkakalagay ni Peewee ng wig niya. Hindi basta basta natatanggal kahit may humila pa sa buhok niya, 'wag lang siya makikipag sabunutan ibang usapan na iyon.
"Salamat ha. Na-miss ko lang talaga mag-DJ," totoo naman ang sinabi niya pero syempre dahilan lang niya 'yon. Si Jake talaga ang rason niya.
Humikab si Clarissa na nakahiga sa kama nito.
Naroon sila sa kwarto ng kaibigan.
"Umidlip ka muna tutal gabi ka pa naman sa club, huwag kang magpapakalasing ha. Naku–" wika naman ni Clarissa.
"Opo, alam ko po. Ako na bahala. Kayo ang sarili ko. "
Ginawa naman niya ang sinabi ni Clarissa. Tutal, inaantok rin naman siya. Pag sapit ng hapon nakatanggap naman siya ng mensahe galing kay Jake.
[ Just woke up. See you later, beauty ]
Sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya pagkabasa sa text ng binata. Out of blue, bigla siyang nasabik makasama ito. Ang weird lang kasi, araw-araw naman niyang kasama ang binata subalit parang ang layo nila sa isa't isa.
Tsk ! Of course, Erica. You're Rico as far as he knows !
Mabilis na siyang gumayak para magtungo sa Club, kasama si Peewee.
Nakasuot siya ng denim strapless crop top at straight denim ripped jeans saka white sneakers. Simple lang ang ayos niya, gusto niyang maging komportable mamaya.
Pagkadating nila ni Peewee sa Club, alas-otso pa lang ng gabi, konti pa lang ang tao. Madalas kasi dumadami ang tao pagsapit ng alas-dose ng madaling araw pa. Nakausap na nila si DJ Luis, nalaman pa nila na pinsan ito ng may-ari ng club.
"If you like, kunin mo ang sunday night slot pang extra mo, what you think?" alok ni Dj Luis sa kanya.
Sobra siyang natuwa sa narinig, napatuptop niya ang bibig sabay tango.
"Wow. Thank you so much."
"No problem. Your remix is also so cool, kaya iyong-iyo na ang araw ng linggo."
Walang pagsidlan ang saya niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Music is life !
Sabi nga raw. Music is the only language in which you cannot say.
Nilibre siya ni DJ Luis ng isang bucket ng beer pero isang bote pa lang ang naiinom niya, umalis na kasi si Peewe
Nang ayain na siya ni DJ Luis sa gilid ng stage kung saan ito nakapwesto. Ngumiti siya at sinuot na rin niya ang headset saka nagsimulang magpatugtog ng music.
We found love lyrics
It's the way I'm feeling, I just can't deny
But I've gotta let it go ....
We found love in a hopeless place
We found love in a hopeless place ...
Sabay nag iba ang indak ng tugtog. Sinalang naman niya ang ibang kanta.
Twerk It Like Miley Lyrics
Hey, girl, this yo song
Let's see that badonkadonk
I'ma try to do the things that you don't
Baby, it's yo party, I just wanna play
What's that sound?
What's that thang that's got me like "wow"?
I'm tryna beat, beat it up 12 rounds
Girl, look at that body, I just gotta say
Naghiyawan ang mga tao sa loob ng club. Napangisi siya. Kumakanta siya habang sinasabayan niya ng indayog ng katawan. Enjoy na enjoy lalo na tuwing lumalakas ang hiyawan ng mga tao na ngayon ay unti-unti ng dumarami.
Nang matapos ang tugtog, hindi niya na namalayan ang oras na alas-dose na pala ng madaling araw. Bumaba na siya sa mini stage at bumalik sa table nya.
"Is it hot in here or is it just you?"
Dagli siyang napalingon. Si Jake.
Nakangiti ito sa kanya na kaagad din naman niyang ginantihan ng matamis na ngiti.
"I'll take that as a compliment, sir–"
Jake laughed softly and wrapped his arms around her waist.
Nabigla siya sa pagyapos nito subalit hindi siya kumontra. Pakiramdam niya may kung anong kuryenteng gumapang sa buong katawan niya dahil sa pagkakadikit ng katawan nila.
"You don't know how hot you are, that's why I need to guard you, so the men here will know... you're off limits," pabulong nito malapit sa tenga niya.
Kakaibang ngiti ang naramdaman niya. Tumingala siya rito.
"Kanina ka pa ba?"
Tumango ito. "Yeah. I enjoyed watching you."
Kiming ngumiti siya. Pigil na pigil niya ang sarili dahil sa kilig na nararamdaman. Kaya naman, hinila na lang niya ito paupo, upang makatabi niya ito sa table.
"Sorry. Nag-text ka ba sakin? Hindi ko na nabasa text mo, sobra na akong natuwa sa pagpapatugtog," paliwanag niya sa binata nang magkatabi na silang nakaupo.
"Nah. It's fine. Nakita naman kita agad. I like your remix. Old but rock–"
Marahan siyang natawa. Yeah, madalas niyang patugtugin ay mga 90's to 20's pop song, hinahalo niya sa mga new trend songs ngayon.
Inakbayan siya ni Jake pero hindi siya nailang. Bagkus, tumatalon ang puso niya sa saya at kilig. Amoy na amoy niya ang mabangong men's body spray na gamit nito, lalo na ang amoy mint nito hininga dahil ang lapit nila sa isa't isa.
"After this, may balak ka pa bang puntahan?" tanong nito.
Umiling siya sabay ngiti.
"Wala naman na, pero may isang remix pa ako mamaya mga 1AM."
Tumango tango ito.
"Alright. Order na muna tayo–"
Nag order naman si Jake ng panibagong bucket na beer. Sakto lang ang inom niya, dahil ayaw niya masyadong magpakalasing kaya si Jake lang ang panay inom at mukhang okay lang din naman sa binata.
Pagpatak ng ala-una ng madaling araw, muli siyang nagpatugtog ng remix music. Mas dumami na rin ang tao, mas naging wíld na ang mga sumasayaw sa gitna ng floor, kaya hataw rin siya sa pagpapatugtog.
4AM pasado na. Tapos na ang inuman at tugtugan. May iilan pa rin umiinom pero wala na masyadong sumasayaw. Napalingon siya kay Jake na nakayuko sa table. Lasing na ang binata. Hindi niya napansin na umorder pala uli ito ng isang bucket ng beer, halos ito lang ang umubos.
Napailing-iling siya. Tinapik niya ang makinis nito pisngi. Tsk ! Lasing na pero ang gwapo pa rin.
"Uuwi na tayo–"
Umangat bahagya ang ulo nito at mapungay ang mga matang nginitian siya.
"Hahatid mo ako?" may pilyong ngisi sa mga labi nito.
Napakagat labi siya. Paktay na !
Tumayo ito subalit kamuntikan pa itong mabuwal kaya wala syang choice kun'di ang alalayan ito.
"Ahm – sige. Hahatid kita. Saan ba?"
Nagtanong pa siya kahit alam naman niya kung saan. Argh !