10

1239 Words
ERICA POV KAAGAD niya kinuha ang cellphone. Totoo nga nag-text sa kaniya si Jake. Umakto siyang hihiga habang hawak ang cellphone. Naka-silent mode na iyon. Pa-simpleng binasa niya ang text nito. [Hi, beauty. Morning. Text me when you awake. ;⁠) ] Pinigil niya ang mapangiti. Marahan niya binaba ang hawak na cellphone, sumulyap siya kay Jake na ngayon ay nakahiga na sa kama nito, patalikod sa kaniya. Napabuntong hininga siya. Umayos na rin siya ng higa, patagilid paharap sa likod ni Jake. Hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niya pagbigay ng number rito? Paano na lang kung malaman nito kung sino siya? Mariin siyang napapikit. Ayaw na niya muna isipin. Magpapahinga muna siya dahil mamaya gabi may duty na naman sila. ***** KAPANSIN-PANSIN ang tila pag iwas ni Jake sa kaniya, kanina pa nang pumasok sila sa hotel. Humiwalay ito sa kaniya. Sa ibang floor ito naglinis at nag-refill ng mga stocks sa mga kwarto. Gustuhin man niya tanungin ito pero pinigilan niya ang sarili. Mas okay nga 'yon, hindi siya nahihirapan mag-reply rito tuwing nag-te-text ito sa kaniya. Tumunog uli ang cellphone niya. [ Busy ka? Nakakaistorbo na ba ako? o inaantok ka na? ] Napangiti siya. Hindi kasi siya nakapag-reply agad. Nag-type siya ng mensahe. [ Inaantok na kasi ako. Sorry. ] Pagsisinungaling niya. Alas-dos na ng madaling araw, baka makahalata ito kung bakit gising pa siya. At saka, para matuloy-tuloy niya ang gawain niya. Nahihinto kasi siya sa tuwing nag-te-text ito, hindi niya mapigilan ang sariling matuwa. [ Alright, sleep then. Late na rin. Goodnight, beauty. Dream on me. ;⁠) ] [ Goodnight din. ] Nilagay na niya sa bulsa ang cellphone. Ang dami na nila napag usapan mula pa kanina. Sinabi nito na nagta-trabaho ito sa hotel, part-time ngunit hindi naman nito pinaliwanag kung bakit. Napailing na lamang siya. Paano na lang talaga kung malaman nito, na siya pala ang ka-text nito? Tsk ! Nope. Stick to the plan lang siya. Lalaki siya at wala dapat makaalam ang sikreto niya. 'Wag muna ngayon. Pagsapit ng 6AM sabay-sabay na sila nag-out. Nang makarating sa barracks, nakita na niya si Jake na nakahiga sa kama nito at hawak uli ang cellphone nito. Mabuti na lang inoff na muna niya ang cellphone. Maglalaba muna siya ng ilan piraso damit niya bago siya matutulog. Sa ibaba siya naglaba, tatlong tshirt at dalawang pants ang nilabhan niya sabay sampay sa labas. Pag akyat niya. Tulog na si Jake. Napansin niya ang supot ng pandesal at nakabalot na sopas sa gilid ng kama niya. Napasulyap siya kay Jake na himbing na ang tulog. Hindi niya napansin na lumabas pala ito para bumili ng almusal. Iyon ang nakakatuwa sa binata, 'di nito nakakaligtaan na bilhan siya lagi ng almusal sa umaga. Napangiti siya. "Salamat sa almusal," aniya kahit tulog ito. Pagtapos kumain, nagwalis siya saglit sa kwarto saka siya natulog. Mamaya na niya bubuksan ang cellphone. Nilagay niya iyon sa ilalim ng unan niya. Nang magising siya. Alas-tres na ng hapon. Wala na si Jake sa kama nito. Sinamantala naman niya iyon para maligo. Nakapagbihis na siya ng bumalik si Jake sa kwarto nila. May dala itong isang plastic bag. Inaangat nito iyon para ipakita sa kaniya. "Nag-grocery ako. Napansin ko kasi wala tayo stock rito sa kwarto," anito sabay isa-isang nilabas sa plastic bag ang mga pinamili nito. "Bumili ako ng malaki shampoo, binilhan na din kita saka sabon. Nga pala, nagsha-shave ka ba?" Nasamid siya sa tanong nito. Mahinang napaubo siya. Ba't parang ang weird ng pagkakatanong nito? Lumingon ito sa kaniya. "Di ko kasi napapansin na gumagamit ka ng razor, pero bumili na rin ako. Tig isa tayo." "Ah, salamat. Sana di ka na nag abala pang bumili at–" "Okay lang. Mura lang naman 'to." "P-Palitan ko na lang sa sunod." Tumango-tango lang ito. "Anyway, na sobra ang bili ko nito, sa'yo na lang 'yon isa box," wika nito sabay abot sa kaniyang ang isang parihabang box na kulay itim at may nakasulat na DURÉX. Bigla siyang nasamid at napaubo nang mapagtanto kung ano 'yon. Ang ng tipaklong ! "Ayos ka lang, Rico?" Hinagod pa nito ang likod niya. Napaatras naman siya, hindi gusto ang kakaibang kilitíng lumukob sa buong katawan niya. Tango lang ang sinagot niya. Kinakalma pa niya ang sarili. "Baka lang magamit mo. Napansin ko kasi inumaga ka na rin ng uwi nun linggo, at least laging kang ready." Kumindat pa ito sa kaniya saka ngumisi. Napangiwi ang labi niya. Saan naman niya gagamitin ang condóm na iyon?! "A-Ah, salamat." Matapos ayosin ni Jake ang ilan gamit nito, naupo na ito sa kama sabay dampot sa cellphone at tila busy sa pag-text. Mabuti na lang, naka-silent mode ang cellphone niya kaya safe. Nagpunta siya sa banyo habang hawak ang cellphone. Binuksan niya ang gripo kunwari, naupo siya sa nakasaradong bowl sabay kuha sa cellphone na nasa bulsa niya. Sinilip niya ang text ni Jake. [ Busy ka? Pwede kang tawagan?] Nanlaki ang mga mata niya. Marahas siyang napailing. Naku po! Hindi maaari ! Nag-vibrate bigla ang cellphone niya. Nagulat siya. Kamuntikan pa niya mabitawan. Shít ! Ni-reject niya ng call. Tumawag muli ito. Napakagat labi siya sabay reject uli. Bakit ba kasi kailangan tumawag pa? [ Ayaw mo ba akong kausap? Busy ka ba? Mamaya may duty na ako, gusto ko sana marinig ang boses mo bago man lang ako pumasok. Please,?] Humugot muna siya ng malalim na paghinga. Nag-type siya. [ Medyo busy lang. Mamaya na lang. Tatawagan kita, pwede naman siguro tawagan ka saglit habang nasa duty ka?] Adik ka, Erica? Ano bang nasa kukote mo?! Ikaw pa ang tatawag? [ talaga? Sige, antayin ko tawag mo.] [ Yup. I'll call you later. ] [ Thank you. By the way, labas tayo sa linggo? May part time ka ba no'n? ] [ Check ko. Pag wala, saan tayo pupunta?] Bakit kinikilig siya sa kaalaman magda-date sila ni Jake sa linggo? [ Hmm, saan mo ba gusto? May gusto ka bang resto na puntahan? ] [ Date 'to tama ba?] Pigil na pigil niya ang pag ngiti habang nakaupo pa rin sa bowl. Umaapaw na ang tubig sa timba dahil kanina pa iyon nakabukas. Napatitig siya sa gripo. Hmp, bahala ka diyan umapaw. [ Yeah. Date it is. ] [ Okay. May alam ako. Before sunday na lang natin pag usapan. ] Inabot pa siya ng ilan minuto kaka-reply sa text ni Jake nang mapaigtad siya ng may kumatok sa pinto ng banyo. "Rico, ayos ka lang? Kanina pa nandiyan? Rico?" boses ni Jake iyon. Napakagat labi siya. Pinatay niya ang nakabukas na gripo sabay tago sa cellphone. Pagbukas niya ng pinto, naroon si Jake na tila takang taka sa kaniya. "Anong nangyayari sa'yo, ayos ka lang?" "Ha? Ahm, ayos lang. Sumakit tiyan ko. Nag-LBM ako. Pasensya na–" Tumango tango naman ito. "Kuha kita gamot. Kaya mo mag duty mamaya?" Alalang-alala talaga ang mukha nito. Humiga siya sa kama niya at nagkumot. Umakto siyang hinang hina habang nakahimas ang dalawang kamay sa tiyan niya. Malapit na siyang magka-award sa pagiging best actress niya. Damn ! "H-Hindi ko alam. Masakit pa rin tiyan ko... kumukulo." "Tsk. May nakain kaya yata 'di mo gusto. Sige, pahinga ka lang. Kukuha ako gamot sa clinic." Mabilis naman ito lumabas ng kwarto nila. Nang mawala ito, saka lang siya nakahinga ng maluwag. Pang gawad urian ang artehan niya. Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD