ERICA POV
SHE DIDN'T know what to say, she just stood there stunned in front of him with her lips parted.
Humugot siya ng malalim na paghinga, para bang nanlamig ang buong katawan niya ng mga sandaling iyon. Hindi siya makagalaw habang nakatitig sa pamilyar na gwapong mukha ng lalaking kaharap niya.
Walang iba kun'di si Jake. Yup, in the flesh! Nandito talaga siya.
She slowly looked into his emotionless eyes. Galit ba 'to? Nakilala ba siya nito?
"Erica, right?" matiim itong nakatingin sa kaniya.
Yes! Of course, kilala siya nito bilang Erica. Hindi niya akalain matandain pala ito.
Tumikhim muna siya sabay tango. "Y-Yeah."
Napalunok siya ng laway ng lumapit ito sa kaniya. Sobrang lapit na halos maamoy na niya ang pinaghalong mint candy at amoy beer sa hininga nito.
"Ang tagal kitang hinanap, alam mo ba," paanas na sambit ni Jake.
"R-Really? Can I ask why?"
Nagtaas baba ang balikat nito.
"I dunno... Masyado ka lang tumatak sa isip ko. Anyway, you're so hót while playing your remix," puri nito habang mapupungay ang mga matang nakatuon sa kaniya.
"May mga kasama ka ba?"
Napatingin si Jake sa lamesa. May mga baso at pinag inuman na bote ng beer. Halatang 'di siya nag iisa sa lamesa.
What if makita at makilala nito si Clarissa? Shít !
Hindi pwede nito makita si Clarissa baka kung ano pa ang maisip nito. Mahirap na.
"Ah, yup. Meron...kaso nag boys hunting na. Hindi ko na mahanap, iniwan na yata ako–"
She could see a glint in his eyes. Hindi niya malaman kung ano ibig sabihin ng kislap na iyon sa mga mata nito pero iba ang naramdaman niya.
"Can I ask you something?"
Napalinga linga pa muna siya sa paligid. Gusto niyang makasigurado na, hindi magpapang-abot si Clarissa at ang binata.
"Hmm?"
"Are you single?"
Dagli siyang napalingon kay Jake, napasinghap siya dahil nakayuko na pala ito sa mukha niya. Kung titignan sila para na silang naghahalikan dahil sa lapit ng mukha nila sa isa't isa.
Napalunok siya uli ng laway. Natutuyuan na yata siya ng laway?
"Y-Yeah, why?"
Ngumisi naman ito. Obvious na nagustuhan nito ang sinagot niya.
Naramdaman niya ang paghapit nito sa beywang niya. Nagdikit na ang dibdib niya sa dibdib nito, at siya nakatingala rito habang malakas na kumakabóg ang dibdib.
"Hmm, Nice," mariin nito kinagat ang pang ibabang labi nito saka matiim na tumitig sa mga mata niya. "So, aside from taking my breath away, what do you do for a living?"
Gusto ba nito ng getting to know each other?
"Ha?"
Trabaho? Tsk ! Magkatrabaho tayo ngayon!
"Gusto ko lang makilala ka. Ngayon nakita na kita ulit, wala na ako plano, pakawalan ka."
Napaawang ang mga labi niya. Sumakto naman na huminto ang tugtog sa loob ng club. Napalingon siya sa paligid, nang mapansin na naglalakad na si Clarissa pabalik bigla siyang kinabahan.
Sa sobrang kaba niya, nahila niya si Jake palayo sa lamesa. Hinila niya ito palabas ng club. Mas safe. Mag-cha-chat na lang siya sa kaibigan. Magkahawak pa rin ang mga kamay nila.
"Bakit tayo lumabas?" Nonchanlant na tanong ni Jake sa kaniya.
Napahawak siya sa leeg niya gamit ang isa kamay niya.
"Ahm, maingay sa loob. Hindi kita marinig. Ano nga uli 'yon sinabi mo?"
Nagpamulsa lamang ito. Umiling ito sabay ngiti.
"Nothing. I don’t usually do this, but can I have your number?"
Napakurap siya sa harap nito. Tama ba ang dinig niya? Hinihingi nito ang number niya?
Nakita niyang napakamot sa batok ang binata na parang teenager na biglang nahiya.
"Ayoko kasing matapos ang gabing ito na 'di ko nakukuha ang number mo. Okay lang ba?"
Papayag ba siya? Ibibigay ba niya? Paano kung maging dahilan pa ito para mabuko siya sa trabaho?
Pero nagtatalo ang utak at puso niya. Shít naman Erica !
"S-Sure..."
Tila nagliwanag naman ang mukha ni Jake. Inilabas nito ang cellphone at inabot sa kaniya na agad naman niya kinuha upang i-type ang number niya.
Naka-dual sim naman siya. 'Yon Globe na sim ang binigay niya, kasi iyon talaga ang number niya noon pa. Samantalang, Smart sim naman ang gamit niya sa trabaho sa hotel.
"Jeéz! Thanks. Akala ko hindi mo ibibigay," ngiting ngiti sabi nito.
Gumanti siya ng ngiti rito.
Dahil lumabas na sila ng club, naisipan na lang nila maglakad lakad muna hanggang makarating sila sa isang convenience store na LAWSON ang pangalan. May table and chair sa loob niyon kaya doon sila naupo.
"Gusto mo kumain?" tanong bilang ni Jake.
Nahihiyang tumango siya.
"Parang gusto ko ng cup noodles, para mainitan sikmura ko, naparami ang inom ko."
Totoo naman 'yon. Kinabukasan kailangan pa niya ipahinga ang sarili dahil may pasok na naman.
"Sure, just wait here–"
Kaagad na bumili ng ramen na cup noodles at bottled water si Jake. Ito na rin ang naglagay ng mainit na tubig saka bumalik sa lamesa at naupo sa harapan niya.
Tahimik lang siya, pero si Jake panay ang sulyap sa kaniya kaya naiilang siya tuloy kumain.
"B-Bakit?" hindi na niya natiis na magtanong.
Para kasing may gustong sabihin ito o itanong.
"Wala naman. Masama bang tignan ka?" nakataas ang isang kilay nito.
Nasamid siya, buti na lang at maagap si Jake sa pag abot ng tubig sa kaniya. Bakit ba masyado siyang apektado sa lalaking ito?
"Masama!" sikmat niya ng makainom na ng tubig.
Hindi naman siya galit. Inis lng. Sa sarili niya.
"S-Sorry. Hindi lang talaga ako makapaniwala na makikita kita dito sa Cebu. Ang dami kong pinuntahan na club sa Manila, 'yon pala andito ka lang pala sa Cebu."
Hindi siya kumibo.
He cleared his throat.
"Okay lang ba na magpakilala uli sa'yo?"
Ano ba isasagot niya? Tumango lang siya.
"Ahm, I'm Jake Morris," naglahad ito ng kamay sabay ngiti.
Wala naman siyang choice kun'di tanggapin ang pakikipagkamay nito.
"Erica Faye Tan."
Mariin pa nito hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya bago nito binitawan.
"Pretty name. So, magkakilala na tayo–" medyo nag alangan pa ito ituloy ang sasabihin, napakamot pa ito sa ulo. "Uhm, Can I... Can I ask you out?"
Tumigil yata sa pag gana ang lungs niya dahil nahirapan siya bigla huminga.
"Y-You mean, date?"
"Parang gano'n na nga."
"Every sunday is my free time."
"Really? Parehas tayo." Para itong batang natuwa dahil napagbigyan sa gusto.
"May part time work kasi ako ngayon, kaya every sunday lang ako may time. Sakto pala oras natin."
Malamang, parehas nila day off 'yon !
Pero hindi niya akalain na part time lang pala ang trip ni Jake kaya nagta-trabaho ito sa hotel. Well, okay na rin iyon na umalis ito para hindi na siya gaano mahirapan.
"Yup. Pag sunday nagpa-part time ako... as.. disc jockey..."
Wala siyang maisip. Shít !
"Cool. At least, alam ko na kung saan kita mahahanap."
Marami pa silang pinagkwentuhan. Mga bagay bagay. Buti na nga lang hindi na nito, inungkat ang one night stand nila, five years ago. Ayaw rin naman niya pag usapan 'yon.
Pa'umaga na ng magpaalam siya kay Jake na uuwi na. Hinatid siya nito hanggang kanto lang sa tinitirhan nila Clarissa.
"Okay na ako rito, nakikituloy lang kasi ako pansamantala sa... sa.. pinsan ko," pagsisinungaling niya uli.
Ang dami na niyang sinabing kasinungalingan. Goodluck na lang talaga sa kaluluwá niya.
"Alright. Pahinga ka na. I'll send you a text message later, sana mag reply ka.. hmm?"
Napangiwi siya pero tumango rin.
"S-Sige. Ikaw rin, ingat ka pag uwi. Salamat sa paghatid sa akin."
Nang makaalis na si Jake. Mabilis siyang umuwi sa bahay nila Clarissa. Ang kataka-taka, wala pa ang kaibigan. Anak ng ! Nakalimutan niya ichat ito.
Kinuha niya ang cellphone. Ang dami nito chat sa kaniya pero ang last chat nito.
[ Where are you Erica? Mauna ka na sa bahay ha. May kasama ako. I'm okay. No worries. Pasabi kina Nanay na kina Peewee ako.]
Oh ... So, may kasama din pala ito.
Napabuntong hininga siya. Papahinga muna siya saglit sa kwarto ng kaibigan bago siya bumalik sa Hotel. Inalis muna niya ang hair extension, pati pilik mata inalis na rin niya. Binura na niya ang make up saka nagbihis ng damit.
Nakaidlip siya. Alas siete na ng umaga ng magising siya. Pupungas pungas na siya bumangon. Nakiligo muna siya bago siya umalis sa bahay ng kaibigan.
Pagdating niya sa barracks, sakto na nasa banyo si Jake. Naliligo siguro. Nahiga na siya sa kama niya nang bumukas ang pinto ng banyo.
Ngumiti si Jake nang makita siya.
"H-Hey, morning. Inumaga ka na ah–"
"Ah, oo."
"Ako rin e'–"
Nakasuot lang ito ng jersey short. Walang suot na pang itaas na damit. Medyo sanay na siya sa tanawin pero 'di pa rin niya maiwasan mapatingin sa abs nito.
Umupo ito sa kama nito saka kinuha ang cellphone nito at tila nag-type ng kung ano. Napakislot na lamang siya ng tumunog ang cellphone niya.
Nanlaki ang mata niya sa gulat habang si Jake bigla napatingin sa kaniya.
Tang*na. Nag-text ba ito sa kaniya? Hindi niya na silent ang phone niya. Inis !