ERICA POV
3AM NA....
HINDI pa rin umuuwi o bumabalik ng barracks si Jake. Maaga siyang nagising dahil kailangan niyang maligo at magpalit ng sanitary napkin. Hindi niya nilalagay sa trash bin ang mga used pad niya, binabalot niya iyon ng papel at iniipon sa isang supot, saka niya ilalabas ang basura niya sa garbage area ng hotel o waste area.
Mas safe iyon kaysa iwanan o pabayaan niya ang mga basura niya sa banyo o kung saan.
Pagkatapon ng basura, kaagad naman siya bumalik sa kwarto. Napangiwi siya ng may pulang mantsa ang bedsheet niya. Tsk!
Buti na lang at wala pa si Jake, delikado talaga pag may nakapansin o may makakita.
Inalis niya ang bedsheet at pinalitan ng bago. Kinusot niya iyon sa isang katamtaman laki ng palanggana sa banyo saka ibinabad. Maya tanghali na niya babanlawan iyon.
Nagbihis siya ng itim na jogger pants at itim din na oversize tshirt at humiga uli. Mamayang gabi pa ang shift niya kaya marami pa siyang oras para magpahinga.
Muli siyang nakatulog, naalimpungatan na lang siya ng marinig ang pagbukas ng banyo. Sakto naman ang paglabas ni Jake, nakatapis lang ito ng tuwalya.
Kumalat ang amoy nito na pinaghalong safeguard lemon fresh na sabon at axé deodoránt.
Tang*na ang bango! Idagdag pa ang nakakatakám na itsura nito na tumutuló ang basang buhok sa matipunong dibdib pababa sa síx-pack abs nito.
Literal na temptátion.... oh tukso ... layuan mo ako.
"Morning," nakangiting bati ni Jake ng mapansin gising na siya.
Napasulyap siya sa cellphone niya. 10AM na pala.
Anong oras kaya ito umuwi?
"Gusto mo kumain? May dala akong pagkain, dumaan ako ng KFC nag-take-out ako, dinamay na rin kita," tinuro nito ang supot na nakapatong sa kama nito.
Hindi siya kumibo. Bakit ba parang umurong ang dila niya? o dahil naiilang siya kasi nakatuwalya lang ito sa harapan niya?
"S-Salamat–" tatayo na sana niya ng tumalikod si Jake at inalis ang tuwalya, akma magsusuot ng boxer brief.
Mabilis siyang tumalikod. Kakapusin yata siya sa paghinga. Nakita niya ang pwét nito ! Parang sasabôg ang dibdib niya, mariin siyang napapikit habang unti unti lumilingon paharap kay Jake.
Nakasuot na ito ng blak and white na jersey short, wala pa rin itong damit pang itaas, nakasampay lang ang tuwalya sa balikat nito.
"Tara, kain tayo," aya nito.
Inabutan siya nito ng pagkain. Fried chicken with two rice at large na fries.
"Wala ng juice e' tinapon ko na. Matabang, walang lasa," dugtong pa nito.
"A-Ayos lang. Salamat uli, nag abala ka pa," mahinang tugon niya.
Parang bata itong ngumiti.
"Mura lang 'yan. Ang gara naman kung ako lang kakain tapos wala sa'yo."
Tumango tango na lang siya. Hindi na siya kokontra. Gutom na rin naman na siya.
"A-Anong oras ka pala nakauwi?"
Pinipigilan niya talagang hindi magtanong pero kinakabág siya sa kakaisip. Wala naman sigurong masama magtanong.
Matiim itong napatitig sa kaniya ng ilan segundo saka maaliwalas ang mukha na ngumiti.
"Kanina pa mga 7AM."
Kumunot ang noo niya. 7AM? Napasarap ang tulog niya kaya siguro hindi niya ito naramdaman pumasok sa kwarto. Naka-lock ang pinto pero may spare kéy rin ito, kaya hindi na ito kumatok.
"Pang gabi na pala ang shift natin mamaya," informed niya lang sa binata.
"9PM to 6AM ba?"
"Oo."
"Okay."
Pagtapos nila kumain, siya na ang nagprisinta magtapon ng kalat nila sa ibaba. Pagkaayat niya, nakahiga na si Jake. Tulog na tulog na.
Halatang puyat at hula niya nakainom ito.
Parang may sariling isip ang mga paa niya na nilapitan ang binata. Umuklo siya upang matitigan ang maamong mukha nito pagtulog habang bahagyang nakaawang ang bibig dahil sa mahinang paghilik nito.
Why so gwapo....
Mayamaya nakatanggap siya ng text mula kay Clarissa.
[Cla: Sa off mo. Inom tayo?]
Inom? Parang may problema yata ang kaibigan niya. Hindi ito mag aaya ng inuman kung wala ito iniisip.
[Saan tayo iinom?]
[ Sa bahay? o gusto mo sa club?]
Club? Hmm, ang tagal na ng huling nag jam siya sa club. Na-miss niya tuloy ang pagiging disc jockey.
[ Game. Pahiram ako damit ha. ]
[ Sureness! May hair extension ang pinsan kong bakla, siya bahala sa awrahan mo. ]
Napangiti siya. Deserve niyang mag-enjoy kahit paminsan minsan.
[ Perfect! Thank you, Cla. ]
Pagsapit ng gabi, nagsimula na siyang magtrabaho. Paulit-ulit lang naman ang routine nila Jake. Refill. Linis. Refill. Linis. Hanggang sumapit ang linggo. Day off na nila.
Tulog pa si Jake ng umalis siya ng barracks. Usapan kasi nila ni Clarissa, tanghali siya pupunta sa bahay nito. Doon na rin siya manananghalian.
Hapon ng dumating ang pinsan ni Clarissa na si Peewee. Inayusan siya, mula ulo hanggang paa. Pagabi na ng matapos sila sa pag aayos.
Napatili si Clarissa ng makita ang finish product.
"Oh my goodness! Welcome back Erica Faye Tan," abot tenga ang pagkakangiti ni Clarissa.
Pumalatak naman si Peewee.
"Super plakado ang ganda! Hindi mo uuri-uriin !"
Ngiting-ngiti naman siya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
Nakasuot siya hair extension. Curly hair ang atake. Nakasuot siya ng black backless elastic spaghetti strap mini dress at black stiletto heels.
Yup, Erica Faye Tan it is...
Aminado siyang na miss niya ang sarili.
"Ano, game na? Tara na?"
Bakas sa mukha ni Clarissa ang excitement.
Ngumiti siya. "Ang ganda ganda mo rin." Puri niya sa kaibigan.
Minsan lang ito mag ayos kaya bumagay rito ang light make-up, nakasuot naman ito ng high waist knee cut denim jeans at denim black crop top.
"Of course! Mag bo-boys hunting tayo!"
Natawa siya sa sinabi nito. Hmmm... mukhang may hindi kinukwento sa kaniya ang kaibigan.
"Yess! I'll go too ! Hanap tayo ng tall, dark, handsome and big díck !" hiyaw ni Peewee
Napailing na lamang siya habang panay tawa si Clarissa.
Nang makarating sila sa isang VIP Club. Medyo matao na, kung sabagay 10PM pa lang naman. Kumuha na sila ng table, at nag order na ng inumin.
"Na miss mo mag disc jockey?" kapagkuwa'y tanong ni Clarissa.
Sumasabay kasi siya ng indak habag nakaupo, pag maganda ang tugtog.
Tumango siya. "Oo, sobra."
"Gusto mo ba ipasuyo natin? Kilala ko ang DJ ngayon, kahit isang tugtog lang? Game?" si Peewee naman ang nagsalita.
Namilog ang mga mata niya. Gosh! Hindi siya tatanggi. Sobrang miss na niya ang mag disc jock.
"Game."
Tumayo naman kaagad si Peewee at nakasunod naman siya rito. Kinausap muna nito ang DJ. Pinakilala siya ni Peewee kay Dj Luis, pumayag naman ito kaya hindi maipaliwanag ang nararamdaman niyang saya at excitement.
"The stage is yours, Dj Erica..."
Alright....
Pumuwesto na siya sa harap ng DJ Mixer set.
Saka niya sinimulan ang remix songs niya...
(Still not a player) (Better in times) (Baby boy)
I don't wanna be a player no more
I'm not a player, I just f**k a lot
But me and Punisher still got what you're lookin' for...
For my thúg níggas, for my thug níggas (don't wanna be, don't wanna be)
I don't wanna be a player no more
I'm not a player, I just f**k a lot
But you know Bíg Pun and Joe are still down by law
Who's down to f**k tonight?
Lahat naghiyawan, sumayaw sa indak ng musikang pumapainlanlang. Sumasabay rin siya ng sayaw. Hindi maawat ang ngiti sa mga labi niya dahil kitang kita niyang tila biglang nabuhay ang mga tao sa club.
Hanggang sa matapos niya ang tugtog hindi mawala wala ang ngiti sa mga labi niya.
"That's so fire, Dj Erica !" puri ni Dj Luis sa kaniya.
"Thank you. Thank you."
Umalis na rin siya agad sa stage. Patuloy pa rin ang malakas na musika dahil si Dj Luis naman ang nagpatugtog muli. Nang pabalik na siya s table nila, napansin niya si Clarissa na may kasayaw sa gitna ng dance floor, matangkad na lalaki, gayon din si Peewee.
Mukhang nakapag boys hunting na ang mga ito.
"You’re so hot. Have some energy for me tonight?"
That baritoné voice! She knew who it was!
Dagli siyang napalingon sa likuran niya upang alamin kung sino ang nagsalita.
Hindi nga siya nagkamali. Nasa harap nga niya ito... Jake Morris.
"J-Jake?"
He smirked with his naughty eyes.
"Damn, you still remember me."