7

1317 Words
JAKE POV KANINA pa niya pinagmamasdan ang bawat galaw ni Rico. Masyado itong konserbatibo, pansin lang naman niya. Sa tuwing maliligo ito, dala na ni Rico ang tuwalya at bihisan nito. Sa banyo ito mismo nagbibihis. Never pa niyang nakita si Rico na walang pang itaas na damit o maghubad ng damit sa harapan niya. Nahihiya ba ito? pero bakit naman? dadalawa lang naman sila sa kwarto, parehas naman sila lalaki. Hmm, baka naiilang? Tsk. Natigil lang siya sa pag iisip ng bumukas ang pinto ng kwarto nila. Si Onofre na naman. "Rico! Jake! Tara, basketball tayo sa may labasan," pang aaya nito sa kanila. Bumaling siya kay Rico na para bang na-tense bigla. "Ah... Eh... H-Hindi ako marunong mag-basketball," nakangiwing sambit ni Rico. "Ganon ba? Nuod ka na lang. Ikaw, Jake, laro ka?" Nagkibit balikat siya. Day off naman nila. Wala naman masama kung magpapa-pawis siya. "Game!" aniya sabay tayo. "Ahm, kayo na lang. Magpapahinga lang ako–" Hindi na natuloy ni Onofre ang iba pang sasabihin sana ni Rico dahil inakbayan na ito si Rico at hinila palabas. Ba't parang nainis siya dahil sa pag akbay ni Onofre kay Rico? Tahimik na lang siya sumunod sa dalawa hanggang palabas ng apartment at maglakad patungo sa labasan, kung saan mayroon half court. May pustahan ang laro. Game naman siya dahil isang libo ang pustá. Kakampi niya sina Onofre at ang ibang empleyado sa hotel habang taga-labasan naman ang kalaban nila. Dumayo lang talaga ang mga ito dahil malaki ang pustahan. One thousand? Ngumisi siya. Basic! Nagsimula na ang laro nila hanggang sa malapit nang matapos. Lamang sila ng sampong puntos sa kalabàn. May iilan na mga babaeng empleyado na nakikinuod at panay ang tili lalo na pag nakaka-shoót siya. Luminga siya upang hanapin si Rico sa paligid subalit hindi niya ito makita. Bumalik na kaya ito sa apartment? "Bola, Jake !–" Napukaw ang atensyon niya ng marinig ang pangalan niya. Ngunit, huli na upang ilagan ang bolang tatama sa mukha niya. Malakas na umumpog ang matigas na bola sa mukha. Dahilan para matumba siya sa lupa, at dumugo ang ilong niya. "Jake!" Kaagad naman siya inalalayan ng mga kakampi niya. "Ayos ka lang? Bigla kang natulala e," ani ni Onofre saka siya tinapik sa balikat. Tumango lang siya sabay punas sa dumudugong ilong. Gumilid na muna siya. Nagpapalit siya. Mahapdi na kasi ang ilong niya. Sumenyas siya sa mga kakampi na babalik na muna siya sa apartment, kukuha lang siya ng yelo para ilagay sa ilong. Tsk! Pagkapasok sa apartment, hinubad na niya ang suot na sando shirt sabay diretso sa kwarto nila ni Rico. "Rico–" Naputol sa ere ang pagtawag niya. Naabutan niya kasi ito na tila may tinatali sa dibdib nito. Nagulat naman ito sa biglaan na pagsulpot niya. Mabilis na inayos nito ang suot na malaking tshirt. Kumunot ang noo niya. Anong ginagawa nito? "A-Ayos ka lang? Dumudugo ang ilong mo..." sambit ni Rico. Naupo siya sa kama niya at tiningala ang ulo. Kung bakit ba naman kasi nalutang siya?! Gusto niyang kutusán ang sarili, nawala siya sa sarili dahil inisip niya si Rico? Like duh? Seryoso? "Teka, kuha kita ng yelo–" Nagmamadaling lumabas si Rico, habang siya nadako ang paningin niya sa kulay pulang tela na nasa ilalim ng unan ni Rico. Sumulyap muna siya sa pinto, saka tumayo at sinipat kung ano 'yon pulang tela. Nang iangat niya ang unan. Nalukot ang buong mukha niya. It's a lace red undies ?! Who wear this? Kay Rico ba 'to? Pagak siyang natawa. Baliw na siya para isiping si Rico ang gumamit ng lace underwear. Binalik niya ang underwear sa ilalim ng unan. Baka sa girlfriend ni Rico 'yon. Todo deny pa ito na bestfriend lang ang babaeng kayakap nito nun isa araw. Pero ba't gano'n? Ba't parang naiinis siyang malaman na may karelasyón na ito? Hinampas niya ang ulo niya. Kung ano-ano pumapasok sa utak niya ! Argh ! "Anong nangyayari sa'yo?" May himig na pag aalala ang boses ni Rico na lumapit ito sa kaniya. Naupo ito mismo sa tabi niya. Inilapat nito ang ice pack sa ilong, marahan lang ang pagkakadampi nito. Tila ingat na ingat. Napalunok siya ng laway. Hindi niya maiwasan hindi mapatitig sa mukha ni Rico. Para siyang hini-hipnotismo ng maamong mukha nito. Napakalapit ng mukha nila, naamoy niya ang amoy toothpaste na hininga nito. Muli siyang napalunok, nang matitigan niya ang mapupulang labi nito na bahagyang nakaawang. Pakiramdam niya tinutuksó siya ng mga labi nito. Naramdaman niya ang pagbuhay ng kaniya pagkalalakí. Shít ! This can't be ! Bakit siya titîgasan sa kapwa niya lalaki?! Hinablot niya ang ice pack kay Rico. "A-Ako na." Hindi pa rin ito umalis sa tabi niya. "Okay ka lang ba talaga? Napano 'yan?" Mariin siya napapikit. Ba't malambing sa pandinig niya ang boses nito? Nasisiraán na siya ng baít ! Tumayo siya. Gusto niyang umiwas kay Rico. Kinuha niya ang nakasampay na tuwalya niya. "Maliligo ka?" Napalingon siya kay Rico. "Oo, bakit?" "Wala lang. Galing ka sa laro baka mapasma ka. Pahinga ka muna bago ka magbasa ng katawan." "Sinong nagpausó no'n?" "Sabi sabi lang ng mga matatanda." "Ahm, may itatanong sana ako sa'yo...Rico.." "Ano?" Nagdalawang isip siya. Tsk! Gusto niya itanong ang tungkol sa underwear pero hindi na lang nga. Umiling siya. "Ah, nevermind. Wala. Umalis ka kasi kanina habang naglalaro–" "Nainip kasi ako e', saka mas gusto kong magpahinga rito sa kwarto. Hindi naman ako marunong maglaro ng basketball. Pasensya na," paliwanag nito. Tumango tango na lamang siya saka pumasok sa banyo. Kailangan niya pahupain ang pagtigás ng pagkalalakí niya. Kailangan niyang kalmahan ang sarili bago siya makagawa ng bagay na alam niyang pagsisisihán niya. Matapos maligo, napansin niyang nakatalukbong na ng kumot si Rico at nakatagilid ang higa, patalikod sa kaniya. Huminga siya ng malalim. Nagbihis siya. Mas mabuti pang lumabas muna siya at iwan ito. Para sa ikakatahimik ng utak niya. ****** SA ISANG VIP CLUB siya nakarating, kasama si Morales at Sarmiento. Hindi siya makapaniwalang sinadya pa talaga siya ng dalawa rito sa Cebu para samahan siyang uminom. "Hindi ka magte-text at mag aaya ng inom ng walang dahilan, Morris. Spíll it !" Morales grinned mischievously to him. Binato niya ito ng table napkin. "Tama. Parehas kaming nasa Manila, Morris. Wala kami sa Davao, this should be worth to come," nakakalokong ngumisi rin si Sarmiento. Hindi niya alam paano uumpisahan. Bumuntong hininga siya. "Don't tell me, babaé 'to?" nakataas ang kilay ni Morales. Bahagya naman natawa si Sarmiento. "Malamang, babaé talaga 'yan! Alangan naman lalakí ang problemahin na'tin !" Napangiwi siya. Fúck ! Paano kung lalakí nga? Damn ! "Ahm, I really don't know... what's happening to me... like... wala naman akong gusto sa kaniya pero lagi niyang nakukuha ang atensyon ko. Tapos... pag malapit siya, parang siyang magnét na hinihilá ako papalapit sa kaniya." Seryosong sabi niya. Ilan segundo tumitig sa kaniya ang dalawa hanggang bumunghalit ng tawa ang mga ito. "You're attracted, bro–" napapailing na sambit ni Morales. "You're falling, bro. Who's that woman? Do you know her name?" si Sarmiento naman ang nagsalita. Sasabihin na ba niya? "Imposible," iling niya saka tumungga ng beer na hawak niya. "Wala akong gusto sa taong 'yon. Malabong mangyari." Hinayaan na lang niya na matawa ang dalawang kaibigan. Nope, hindi niya sasabihin sa mga ito. Hindi pa naman siya sigurado. "Hey, handsome." Napalingon siya sa sexy na babae nakatingin din sa kaniya. Ngumisi siya. Yeah, tawag lang ng laman 'to. He needs to get laíd ! "Want some fun, baby boy?" nang aakit na alok ng sexy na babae sa kaniya. Lumingon muna siya sa dalawang kasama at nagkibit balikat bago niya nilapitan ang babae sabay hapit sa makurbang beywang nito. "Tsk, paano mga bro? I need cúddle right now." He chuckled when he saw their middlé fingér. "Fúck off, Morris!" "Burikát ka talaga, Morris."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD