20

1086 Words
ERICA POV KAPANSIN-PANSIN ang madalas na pagtitig ni Jake sa kanya pati na rin ang pagsunod-sunod nito sa bawat kwarto na pupuntahan niya para mag-refill ng mga towels at tissues. Nang akma niya bubuhatin ang dalawang box ng toilet tissue para ilagay sa cart, mabilis na kinuha 'yon ni Jake upang ito na ang maglagay sa trolley. "Ako na magbubuhat–" singit nito na ikinataka naman niya. "Magaan lang 'yan." "Ako na bahala magbuhat kung may bubuhatin," saad nito at tinulak na ang trolley patungo sa elevator. Napataas ang kilay niya sa inaasal nito ngayon. Kanina pa niya napapansin na parang sinasalo nito lahat ng ginagawa niya. Hmm, anong nakain ng lalaking 'to? Pagkaakyat nila sa 11th floor, palabas pa lang sila ng elevator nang may matabang lalaking guest ang biglang pumasok sa elevator at walang pakundangan binalya siya dahilan upang matumba siya paupo. "Tabi !! Paharang-harang," bulyaw ng matabang lalaki. "O-Ouch–!" napaigik siya. Napalakas yata ang pagsapol ng likod niya sa elevator wall kasabay ang pag untog ng ulo niya. Madilim ang anyo ng lalaki ng tignan siya pero mas mabagsik ang anyo ni Jake. Sinunggaban agad ng binata ang matabang lalaki saka marahas na kinuwelyuhan. "Ikaw na nga nakabangga, ikaw pa ang masama ang tingin. You fat-áss!" angil ni Jake sa guest. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Jake. Oh God ! "What did– you say?? Ire-report kita ! Sisiguruhin kong–" Hindi na nakapagsalita pa ang matabang lalaki nang sapakin ito ni Jake. Bumulagta sa sahig ng elevator ang matabang lalaki. Susunggaban pa sana ng binata ngunit mabilis na niyang niyakap si Jake mula sa likuran para pigilan. "J-Jake, t-tama na– mapapahamak ka sa trabaho dahil sa ginawa mo," giit niya. "Tinulak ka niya. Tinulak ka ng baboy na 'to tapos may gana pang tignan ka ng masama !" dinuro-duro pa ito ni Jake. Napapikit siya dahil alam na niyang mayayari talaga sila sa management. Humugot siya ng malalim na paghinga at hinila si Jake palayo sa matabang lalaki. "Tama na please–" pakiusap niya sa mahinang boses. Tiim ang bagang na sinulyapan siya ni Jake. Nilingon uli nito ang lalaki na dahan-dahang tumatayo na. Dumugo ang gilid ng labi ng lalaki. Tsk ! "Anong klaseng five-star hotel 'to?! Tumatanggap sila ng basagulerong empleyado? Sisiguruhin kong matatanggal kayo sa trabaho ! Mga hampaslupang walang pinag aralan !" Ay wow! Napakurap siya sa panlalait ng matabang lalaki na 'to. Parang gusto niyang paputukín ang tiyan nito na parang lobo sa laki. "Go ahead. Report us. Tignan natin kung sino ang hampaslupa sa'tin !" ganting sigaw ni Jake habang nakakuyom ang mga kamay. Ngumisi ang matabang lalaki. Dinuro rin sila pero pinakyúhan lang ito ni Jake. Pinindot na ng matabang lalaki ang elevator upang magsara, at bago pa tuluyan magsara ang elevator nagsalita pa ito sa kanila. "Pagsisisihan nyo dalawa kung sino ang binabangga nyo," may pagbabanta pa sa boses ng lalaki. Tumikwas ang kilay niya. Umingos siya. "H-Hoy anong binangga ka? Bobó ka? Ako ang binangga mo. Kapal ng mukha mong baboy ka !" bulyaw niya. Hindi na niya napigilan ang inis. Tuluyan ng nagsara ang elevator pero alam niyang narinig pa rin ng matabang lalaki na 'yon ang sigaw nya. Grabe 'yon ! Di na nga macho ubod pa ng pangit ng ugali. Naramdaman niya ang paghawak ni Jake sa kanya beywang at balikat. "Ayos ka lang ba? May masakit sa'yo? Ulo mo di masakit? Balakang mo masakit? sabihin mo saan masakit para mag-clinic tayo," sunod-sunod na tanong ni Jake na may pag aalala sa boses. Umiling-iling siya. Inayos niya ang nagusot na tshirt. "Wag kang OA. Ayos lang ako, wala naman masakit. Nagulat lang ako." Napapitlag siya ng haplusin ni Jake ang buhok niya sabay buntong hininga. "Mabuti naman. Tara na–" hinila na nito ang trolley. "Feeling ko magsusumbong 'yon sa front desk." "Magsumbong siya samahan ko pa." Hinampas niya ang braso nito. "Sinapak mo yon guest ! Malamang ipapatawag tayo ni Manager Sotto, baka matanggal tayo sa trabaho–" medyo kinabahan siya dahil baka tuluyan mawalan siya ng trabaho. Matiim na tinignan siya ni Jake saka ngumiti at pinisil ang pisngi niya. "Ang cute mo. Wag kang matakot, akong bahala sayo," ngumisi lang ito. Ano raw? Cute siya? Natameme siya. Napansin niyang pumasok na sa isang bakanteng kwarto si Jake. "Hoy, Rico – bagal mo!" sigaw ni Jake sa kanya. Lakas takbo naman ang ginawa niya at sumunod sa binata. Hindi pa man sila nakakapagsimulang mag-refill ng tumunog ang cellphone ni Jake. Kaagad naman sinagot nito ang tawag. "Yeah. Oo. Sinuntok ko. So? I don't care. Tinulak niya si Rico. He's rude ! Fine. Fine. Bababa ako– Nope. Ako lang. Di kasama si Rico. Okay. Okay," wika ni Jake habang may kausap sa cellphone. Mukhang may ideya na siya kung para saan ang tawag. Nakangiting lumingon si Jake sa kanya. "Dito ka lang. Bababa lang ako sa HR. Tawag ako ni Manager." "Nagsumbong?" Tumango ito. Napakagat-labi siya. Naku po! "Wag kang matakot. May CCTV naman e. At saka, back-up mo ko. Wag kang mag alala. Iwan muna kita, ikaw na bahala tumapos–" ngiting ngiti sabi nito. Bago pa ito tuluyan iwan siya, pinisil uli nito ang dalawang pisngi niya. "Cute mo–" gigil na sabi nito saka patakbong lumabas na ng kwarto. Napatanga siya sabay hawak sa pisngi. Anong meron at panay pisil ni Jake sa pisngi niya? Napailing na lang siya. Bahala na nga, kung ipatawag din siya ng Manager para humingi ng sorry sa guest ay gagawin niya huwag lang mawalan ng trabaho. Patapos na siya sa pagre-refill ng biglang sumulpot doon si Mang Piyo. "Rico, halika muna sa HR office." Tinambol ng kaba ang dibdib nya at magalang na tumango kay Mang Piyo. Tulak tulak niya ang trolley at inilagay muna sa isang gilid ng hallway saka sumama kay Mang Piyo pababa sa HR office. "Mapapahamak si Jake dahil sa ginawa niya sa guest. Gusto ng guest na matanggal kayong dalawa." "Ho?" Nanlamig yata ang buong katawan niya dahil sa sinabi ni Mang Piyo. Shít ! Hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho. Saan siya pupulutin neto?! "Gusto kong pilitin mo si Jake na humingi ng sorry kay Mr. Dela Rosa. Iyon lang ang tanging paraan para 'di kayo matanggal sa trabaho." Napaawang ang mga labi niya. What the? Paano niya pipilitin si Jake? Halatang walang balak humingi ng tawad ang binata sa matabang lalaki na yon. Napakamot siya sa ulo. Tsk !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD