19

1114 Words
JAKE POV NAPANGISI siya ng mabasa ang text ni Erica sa kanya. Pumayag uli ito makipagkita sa kanya sa linggo. Hindi man nito sinagot ng diresto ang tanong niya tungkol sa gusto ba nito maging boyfriend siya, hindi rin naman siya ni-reject. Technically, positive pa rin siya na papayag ang dalaga. Nakarinig siya ng lagaslas ng shower sa banyo. Kumunot ang noo niya, nauna pala nakapag out si Rico sa kanya. Akala niya nag overtime ito. Nagpapalit na siya ng tshirt na suot ng marinig niyang tila kumakanta si Rico sa banyo. Napangisi siya. Mukhang nasa mood ang kaibigan niya ah, may pakanta kanta ! Palagay ko, mahal kita, ikaw na nga, walang iba.. 'Di pa kasi masabi ng puso ang nadarama... Natigilan siya. Ba't parang pamilyar ang boses ni Rico? Marahan siya lumapit sa pinto ng banyo para mas madinig ng klaro ang boses nito. Iba kasi ang boses nito, parang pambabae. Pansinin mo rin kaya? Mahalin mo rin sana... Kasi na nga, palagay ko, mahal kita... He sounds like... Wait – Alam niyang hindi straight si Rico. Aminado naman ito, may mga bakla naman talagang binabago ang boses para maging boses babae lalo pag kumakanta, tama? Piniling niya ang ulo. Mali ang iniisip niya, kaboses lang siguro. Subalit dahil makulit talaga siya, nilabas niya ang cellphone sa bulsa at ni-record ang pagkanta ng kaibigan. Hindi na niya tinapos, gusto lang niya i-record saka siya lumabas ng barracks. Magkikita-kita sila ngayon ng mga kaibigan niya. Sa VIP Club. Napansin niya agad ang mga kaibigan niya sa ikalawang palapag ng club. Naroon si Mayor Shawn Rebato, si Morales, Garcia at Sarmiento. "Yow ! Himala. Dumayo si Mayor sa Cebu ah–" nakangiting banat niya sabay high-five sa mga kaibigan. Natatawa na lang si Shawn. "Di ka nagbabasa ng GC. Kinabahan kami baka nasa kumbento ka na. Ikaw pa naman, number one pokpók sa'tin," kantiyaw ni Shawn sa kanya. Hinawakan niya ang dibdib, umaktong nasaktan. "Grabe sa pokpók !" "You nailed it !" natatawang sambit naman ni Garcia. "Ang naughty !" sigaw naman ni Sarmiento na nakangisi pa. "Ahh, love me hard, Papi– !" pang aasar naman ni Morales. "Pakyu kayong lahat !" tinaas niya ang gitnang daliri. Nagtawanan lang ang lahat. Naupo siya sa tabi ni Shawn. "Buti pumayag ang asawa mo," tanong niya. Ang balita kasi nila buntís uli si Charlene. Tumungga muna ng shot glass na may alak si Shawn bago sumagot. "Nagpalaam ako ng maayos. Ako ang batas sa bahay namin–" Nag-chat agad si Garcia. "Ayy, makakarating 'yan– batas pala ha." Napakamot si Shawn at binato ng tube ice si Garcia. "Ina mo!" "Takusa na 'yan si Rebato. Mahinang nilalang na," biro ni Sarmiento. Malakas silang nagtawanan. Takusa... means..Takot sa asawa. "Hindi ako takot. I just love my wife so much. Ayoko lang nagagalit siya. Malalaman nyo rin ang ibig ko sabihin, oras na makilala nyo na ang end game nyo," nakangiting sabi ni Shawn. Lahat naman sila napatango. Sang-ayon sya roon, may darating talaga na tao na nakatadhana para sayo. End game ... Sino ba ang end game niya? Ewan ba niya kung bakit biglang pumasok sa utak niya ang magandang boses ni Rico? Para siyang hinehele dahil sa nakakaakit na pagkanta nito. But what heck?! – bakit si Rico ang unang pumasok sa utak niya ng maisip niya kung sino ang end game niya? Napa-shot siya ng wala sa oras saka napapailing. Napansin niyang tumayo si Morales na tila may sinundan na babaeng waitress. Napangisi na lang siya, inilabas niya ang dalang cellphone upang tignan kung may text sa kanya si Erica. [ Goodnight. See you sa Sunday ! ] Napangiti siya ng mabasa ang text nito. Nagreply muna siya bago niya binalik ang cellphone sa bulsa. "Ano pala balita sa pag-ja-janitor mo? Baka mamaya nyan, marami-rami ka ng natirang chambermaid sa hotel nyo," panunukso ni Sarmiento. Tinapunan nya ito ng tingin. "Pakyu ka, Sarmiento. Wag mo ko igaya sayo, tumitira ng menor de edad," ganti niya. Nagtawanan sila habang kamot-batok naman si Sarmiento. "Tang'na naman ! Para akong napikot ng walang kalaban-laban tsk !" "Kahayúkan mo 'yan," ani ni Garcia saka tumawa ng malakas. "Ay wow ! Coming from you, Garcia ? Palihim na tinitiradá ang katapid–" tudyo ni Sarmiento. Sumingkit ang mga mata ni Garcia. "She's my step-sister ! We're NOT blood related, FYI !" banat nito. Napapailing na lang sila ni Shawn dahil sa palitan ng asaran nina Garcia at Sarmiento. "Mama mo blue !" "Ulól mo !" Narinig niyang pasimpleng natatawa si Shawn. "Na-miss ko 'to. Sa susunod isasama ko si Shawty sa inuman pag nakapanganak na sya–" Tinapik naman niya ang balikat ni Shawn. "Sure ! Isasama ko rin ang soon-to-be-girlfriend ko," may halong pagmamayabang. Isang nakakalokong ngisi ang ginawa ni Shawn. "Sabi na e ! Victim of love ka na rin." Pagak siya natawa. Victim of Love? Nah-ah ! Hindi pa sure if its really love. Ang alam lang niya attracted siya kay Erica.. sure na sure sya don. Matapos ang naging inuman nila. Ala-tres na ng madaling araw siya nakabalik sa barracks. Tulog na tulog na ang lahat pati na rin si Rico. Madilim ang kwarto, tanging liwanag lang na nanggagaling sa bintana ang nagsisilbing ilaw. Nakatagilid si Rico matulog, paharap sa kama niya kaya naman kitang-kita niya ang maamong mukha nito. Naupo siya sa kama niya. Hinubad niya ang suot na tshirt at pantalon tanging boxer na lang ang iniwan niya saplot sa katawan. Wala na siya lakas para maglinis ng katawan sa banyo at saka kailangan pang pumasok ng maaga mamaya. Mayroon pang tatlong oras para matulog siya. Pahiga na sana siya ng mapansin gumalaw si Rico sa pagtulog. Kumibot-kibot ang labi nito at marahan sinipa ang gamit nito kumot. Sumilay ang ngiti sa labi niya. Akma na siya hihiga ng tumagilid si Rico ng higa, patalikod sa kanya. Kaya naman, nakaharap ang likod nito sa gawi niya. Napakunot ang noo niya sa pulang mantsa sa bedsheet nito. Kumurap-kurap siya. Nakasuot kasi ng itim na jogging pants si Rico kaya hindi niya masabi kung... lumapit siya sa kama nito. Hinawakan niya ang pulang mantsa. Holy mother of shíts ! Basa pa yon. Katibayan na ... napatitig siya sa natutulog na si Rico. Damn f**k ! So, hindi ito bakla? Kailan pa nireregla ang bakla? Napatuptop niya ang bibig ng bumaha ang mga realization sa utak niya. Napaupo siya sa kama habang titig na titig pa rin sa mantsa na yon. Napabuga siya ng malalim na paghinga. All along isang babae ang kasama niya sa kwarto ?! The f**k !! Pakiramdam niya nawala ang spirito ng alak sa katawan niya. Goddammit !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD