18

1127 Words
ERICA POV NGAYON lang niya naranasan pagpawisan ng malamig. Hindi sa sakit ng tiyan kun'di sa kaba. Nasa lobby na sila ng JMorris Resort and Casino. Kahit nag aalangan siya sumama sa binata, wala na siya nagawa pa kun'di ang pagbigyan ito. Hinawakan siya ni Jake sa kamay. Napansin niya si Manager Sotto at Mang Piyo na nasa gilid lamang ng front desk. Tumingin ang mga ito kay Jake. Sumenyas naman si Jake kay Mang Piyo. Nagtanguan si Jake at Mang Piyo, balak sana niyang magtanong sa binata subalit nahila na siya nito patungo sa elevator. "S-Saan tayo pupunta?" inosenteng tanong niya kay Jake. Ngumiti ito sa kanya. "Sa favorite spot ko rito sa hotel–" Ha? Favorite spot? Pinindot ni Jake ang RT2 na nasa elevator. Napasulyap siya sa binata. So, sa rooftop ang favorite spot nito sa hotel? Hindi na lamang siya kumibo, hinayaan na lang niya kung saan siya nito dadalhin. Paghinto ng elevator sa rooftop two, napaawang ang mga labi niya nang bumukas ang elevator. Isa 'yon luxury penthouse sa rooftop. Napakaganda ng tanawin dahil sa malaking glass window, parang isang malaking kwarto na halos kumpleto ng mga mamahalin furniture kasama na ang malaking kama. Napasulyap din siya sa may terrace na may maliit na living room area at may swimming pool saka jacuzzi. Hindi niya maiwasan mapangiti dahil sa maganda at maaliwalas na tanawin. "You like it?" Dagli siya napalingon kay Jake na nakatunghay sa kanya. Tumango siya sabay ngiti ng malawak. "Ang ganda ng view–" bulalas niya. "I'm glad you liked it here. Favorite spot ko 'to dito sa hotel. Very relaxing ng view," anito saka hinila siya malapit sa swimming pool. Naupo sila sa may gilid ng pool habang nakababad ang dalawang mga paa nila sa malamig na tubig ng pool. Tumingala siya sa langit, madilim na ang langit pero gumaganda dahil sa mga kislap ng mga bituin. "Hindi ka ba mapapahamak dahil dinala mo ko rito?" kapagkuwa'y tanong niya sa binata. Nabanggit kasi nito na nagpapanggap itong janitor sa hotel baka lang mapagalitan ito ng Daddy nito pag nalaman may dinala ito babae sa penthouse. Nakakunot ang noo humarap sa kanya si Jake. "Mapapahamak?" "Um,um – baka may makaalam sa mga staff ng hotel at mapagalitan ka ng Daddy mo," may pag aalalang wika niya. Ngumiti ito. "Si Mang Piyo lang ang nakakaalam, nagkataon lang na nakilala ako ni Manager Sotto kaya alam na rin niya." Hinawakan ni Jake ang isang kamay niya. "Don't worry, 'di ako mapapagalitan. Matatapos ko ang tatlong buwan kondisyon ni Daddy sakin." "Okay sabi mo 'yan–" tugon niya. Marami pa silang napag usapan kung ano anong bagay, isa naroon ang mga plano nito sa hotel oras na mapunta na sa binata ang pamamahala sa hotel. "I will do everything I can– to run the hotel well," seryosong saad ni Jake at kiming ngumiti. "Gusto kong maging proud sakin si Daddy. Gusto kong makuha ang buong tiwala niya na kaya kong hawakan ang negosyo ng pamilya namin." "Of course you can. Alam kong kayang kaya mo–" gumanti siya ng ngiti sa binata. Para siyang nahihipnotismo napatitig sa gwapong mukha ni Jake at hindi niya magawang ilayo ang tingin rito. Basta nakatitig lang siya sa binata, hindi niya alam kung gaano katagal basta namalayan na lang niya nakatitig na rin ito sa kanya. "Stop staring at me like that, Beauty–" Napakurap-kurap siya. "Hmm? bakit paano ba ako tumitig?" "Like .. I'm the most handsome on earth?" may panunudyo sa boses nito. Nag iinit ang pisngi na nagbaba siya ng tingin. Totoo naman kasi ang gwapo gwapo nito. 'Yon para bang di nakakasawang titigan.Tsk ! "H-Hindi naman e !" "Hindi ako gwapo?" tudyo nito uli. "Gwapo ka sobra. What I mean is–" Naputol na ang iba pang sasabihin niya at bago pa man siya makapag-react o makapalag, nakalapat na sa mga labi niya ang mga labi nito at mapusok siyang hinahalikan. Ohh shiiit ! Walang inhibisyon ang bawat pag galaw ng mga labi nila. Napahawak siya sa balikat ni Jake nang palalimin nito ang halik at mas nanunudyo ang dila nito. Hindi na niya napigilan ang mapadaing ng bahagya pa nito kinagat ang labi niya at sinipsíp ang dila niya. She didn't know why she became insatiable by the second. Nakayakap na ang mga braso niya sa leeg ni Jake at buong init na tinutugon ang halik nito. Bahala na kung saan pupunta itong ginagawa nila. Ang importante gusto niya ang ginagawa niya. She suckéd his lower lips, slid her tongue inside. Dila sa dila ang paglalaban ng mga labi nila. Kahit kinakapos na siya sa paghinga, hindi pa rin siya nagpapaawat. Patuloy pa rin ang mapusok na halikan nila ni Jake, para silang mga uhaw sa halik at sabik na sabik sa isa't isa. Napasabunot pa sya sa buhok ni Jake habang mas umiinit ang bawat paggagad ng mga labi nila. Naghiwalay lamang ang mga labi nila ng hindi na sila parehong makahinga. "Erica..." habol ni Jake ang paghinga. Bat ang sarap sa pandinig ang pagkakabigkas nito sa pangalan niya? Ilan beses siyang huminga ng malalim. "J-Jake..." "Was our kiss worth your while?" dahan dahan gumuhit ang ngiti sa labi ni Jake at saka umangat ang kamay para haplusin ang pisngi niya. Hindi niya maalis ang tingin sa mapupungay na mata ni Jake habang unti unting binibigya ng distansya ang mga katawan nila. A sexy smile crossed his lips. "Masarap ba ko humalik?" Pakiramdam niya pulang pula na ang mga pisngi niya. "Bat ba ganyan ang mga tanong mo?" Bahagya niyang tinulak ang binata saka sinubukan tumayo subalit pinigilan siya nito at nahigit siya nito paupo sa mga hita nito saka yumakap sa beywang niya. "Jake – !" palatak niya sa gulat. Lumakas tuloy ang tahip ng dibdib niya dahil dikit na dikit ang katawan nilang dalawa. Naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa bandang leeg niya. Napalunok siya ng laway. "I .. really like you, Erica," pabulong nito sabi sa kanya. Halos dumagundong sa lakas ng kabóg ng dibdib niya. "Uhm, gusto ko ng matapos ang part time job ko, para magkaroon na ko ng maraming oras sayo–" "J-Jake...." hindi niya alam ang isasagot sa binata. Napatitig lang siya sa mga mukha nito. "What do you mean?" Isang pilyong ngiti ang binigay nito sa kanya. "What I mean is, gusto kitang maging girlfriend. Will you let me be your boyfriend?" Ohh No ! Nagtatalo ang puso't isip niya sa mga oras na yon. Gusto niyang tumanggi dahil alam niyang magkakaroon lang siya ng kasalanan sa binata pero pilit na humihiyáw ang damdamin niya para rito. Ano bang isasagot niya ?! Ano na Erica? Anong gagawin mo kay Rico pag nagkataon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD