CHARLENE PAGMULAT niya ng mga mata bumungad agad sa kaniya ang nag-aalalang mukha ng kaniya Mama. "M-Mama..." anas niya. Hinaplos ng Mama niya ang kaniya noo. "Kumusta ang pakiramdam mo, Anak? Pinag-alala mo ako sobra. Mabuti na lang at walang nangyari sa'yo masama. Inaapoy ka lang ng lagnat kaya ka raw hinimatay." Lintanya ni Mama. Bumalik sa isipan niya ang mga nangyari. Naalala niya rin si Shawn na nakita niyang nasaksak. Napatingin siya sa Mama niya. "May kaklase ako nasaksak, Ma," mahinang bigkas niya. Tumango naman ito. "Oo, Anak. Nahuli na lahat ng mga lalaking nang harass sa'yo. Nalaman ko rin na 'yon kaklase mo na 'yon ay anak pala ni Mayor." Mabuti naman pala kung ganoon na nahuli ang mga bakulaw na 'yon. "Ayos na po ba siya? 'Yon kaklase ko?" Gusto niya malaman ang na

