CHARLENE
INABOT na siya nang alas-nuwebe ng gabi nang makauwi siya. Naabutan pa niya ang Mama niya sa labas ng pinto tila nag-aabang sa kanya.
"B-Bakit ngayon ka lang? Pinag-alala mo ako, Charlene," may halong pag-aalala at sita na tanong ng Mama niya.
"Sorry, Ma. Dumaan pa kasi ako sa library tapos ang haba ng pila sa bus, natagalan po ako," pagsisinungaling niya. Huminga siya nang malalim. Ayaw na niya magkuwento ng kahit ano tungkol sa nangyayari sa kanya sa university.
Masyado nang maraming iniisip ang Mama niya kaya ayaw na niya dagdagan pa.
"Oh, sige na. Magbihis ka na. Sa sunod magtext ka para alam ko dapat palaging may load."
"Opo, Ma. Pasensya na po," tugon niya sabay tungo sa kuwarto nila ni Mama. Pasadlak siyang naupo sa kama.
Sa totoo lang kinabahan talaga siya na baka hindi makauwi. Mabuti na lang at biglang sumulpot si Shawn at binuksan ang pinto ng CR kung hindi sa CR talaga siya magpapalipas ng gabi. Tiyak mag-aalala nang husto si Mama.
Matapos makapagbihis ay kumain na rin sila ng hapunan.
"Sabi pala ng Papa mo, baka hindi pa siya makapagbigay nang pambili ng laptop mo. Nagkaroon ng problema sa kumpanya nila. Ang sabi pa niya nagtatanggalan daw," lintanya ng Mama niya.
"Okay lang po, Ma. May mga computer at printer naman sa library. Puwede naman ako gumawa roon in case may project at research."
Tumango-tango naman ito. "Sige, pagtapos mo kumain. Matulog ka na."
"Opo."
Pagkatapos ng hapunan. Nanuod muna siya ng palabas sa TV bago siya nagpasyang matulog. Bahala na talaga bukas. Basta hindi siya papatalo sa mga bully sa university. Siya yata si Charlene Dimagiba kaya sorry na lang talaga sila.
Pagkagising kinabukasan ay maaga na siyang pumasok. Pagkarating sa university, napansin niyang panay ang sulyap sa kanya ng ilan mga estudyante habang naglalakad siya sa hallway ng MassCom building. Ang weird! Nagtataka man pero ikinibit balikat na lang niya.
Pagkabukas niya ng pinto ng classroom. Napasinghap siya sa gulat ng may malaglag na isang timbang harina sa ulo niya. Narinig niya ang malakas na pagbunghalit ng tawa ng mga tao sa paligid. Gigil na pinunasan niya ang buong mukha niya gamit ang isang kamay, nabalutan na ang buong katawan niya ng puting harina. Argh!
"Hey, morning! Face powder ba 'yan? Bagay sa'yo."
Dagli siyang napalingo sa likuran niya. s**t! Si Shawn Rebato! Malamang ito ang may pakana nito. Sumilay ang isang nakakalokong ngisi sa labi nito habang pinapagmasdan siya. Pinagpag naman niya ang mga harina sa buhok niya at sa damit niya. Kung iniisip nito na aatungal siya ng iyak o sisigaw sa inis ay nagkakamali ito.
Tumaas lang ang kilay niya at inismiran lang ito. Tuloy-tuloy lang siya pumasok sa room at naupo sa table niya. Mayamaya pa ay naramdaman niyang lumapit ang binata sa kanya. Nakabusangot ang mukha nito.
"Kinilig ka ba sa surprise ko?"
Nagbigay siya nang malawak na ngiti sa binata. "Hindi e. 'Yon na ba 'yon? Wala bang mapapatili ako sa kilig? Ang weak kasi," pang-uuyam na sagot niya.
Kitang-kita niya ang pagtangis ng mga ngipin nito sabay hampas nang malakas sa table niya. Inilapit pa nito ang mukha sa mukha niya.
"Okay. Bibigyan pa kita nang mas nakakakilig, Shorty."
Kumindat pa ito. Pero hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa nito. May kinuha ito sa bulsa ng jacket nito. Dalawang itlog ang hawak nito at walang pakundangan binasag iyon sa ulo niya. Naulinigan pa niya ang pagtawa ng mga ibang classmates niya at ibang estudyante na nanunuod.
"Dahil natutuwa ako saiyo, ibibigay ko na sa'yo ang dalawang itlog ko." Lalong lumakas ang tawanan ng lahat.
Habang siya mariin nakapikit habang ninanamnam niya ang malapot na itlog na tumutulo mula sa ulo niya pababa sa mahaba niya buhok at sa mukha niya. Tang ina talaga! Pinukol niya ito nang matalim na tingin.
"Oh, bakit? Ayaw mo ba? Ang daming may gusto ng itlog ko pero saiyo ko lang binigay dapat mag-thank you ka naman sa'kin," nang-aasar na tukso nito sa kanya.
Kuyom ang kamao niya habang nagtataas-baba ang dibdib niya. Pilit niyang kinakalma ang galit niya. Tumayo siya at tinalikuran ito. Naglakad siya patungo sa CR para ayusin at linisin ang buhok niya. Nakakaasar! Malapit na talaga siyang mapikon sa Shawn na iyon.
Iniyuko niya ang buong buhok sa sink para hugasan. Ilan saglit pa ay narinig niyang bumukas ang pinto ng CR, dahil nakayuko siya hindi niya makita kung sino ang pumasok. Matapos mahugasan ang buhok niya, tinuyo niya iyon gamit ang panyo. Pero napaigtad siya sa gulat nang makita nakasandal sa pinto si Shawn at nakatunghay sa kanya habang nakaangat ang sulok ng labi nito.
Guwapo sana ito kaso nakakaasar ang ugali nito. Umiling-iling siya.
"Hindi ka lang pala childish. Mahilig ka rin pala magpunta sa CR ng mga babae, namboboso ka?" malamig na sabi niya rito.
"Hindi ko kasi masyado marinig ang thank you mo."
Napataas ang kilay niya. Siya magte-thank you?
"Autistic ka ba? Hindi ako magpapasalamat sa'yo! Puwede ba lumabas ka nga!" pagtataboy niya.
Hindi naman ito natinag kaya pamulsa lang ito habang nakasandal pa rin sa pinto. At dahil ayaw nito lumabas, wala siyang choice kun'di ipagpatuloy ang ginagawa niya. Mabuti na lang talaga at mayroon siya dalang extra tshirt at jogging pants sa bag.
Walang sabi-sabi naghubad siya ng blouse at pinagpag iyon. Naghubad din siya ng suot na pantalon. Isa-isa niyang pinagpag ang maruming damit niya. Napasulyap siya kay Shawn, nanlalaki ang mga mata nito nakatitig sa katawan niya. Naka-bra at panty na lang kasi siya.
Umingos siya. "Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng naka-bra at panty?" pinandilatan niya ito ng mata at ngumisi. Pulang-pula kasi ang mukha at tenga nito.
"H-Hindi ka ba nag-iisip? Nandito ako tapos bigla kang maghuhubad?!" hindi niya alam kung bakit naging garalgal ang boses nito. Tila nawala ang tapang nito.
"So? FYI, nasa CR ka ng babae. Ikaw ang wala sa lugar, Mr. Shawn Rebato," marahan siyang lumapit kay Shawn. Parang natulos naman ito sa kinatatayuan at pigil ang hininga. Gusto niyang matawa sa reaksyon nito. Nakakita lang ng babaeng nakahubad nawala ang tapang.
Dinikit pa niya ng husto ang katawan niya sa katawan nito. Pagak siyang natawa ng maramdaman may bumukol at tumusok banda sa tiyan niya. Mukhang may nagising siya sa katawan nito.
Natatawang lumayo siya rito at sinuot na niya nag jogging pants at tshirt niya. Marahan siyang naglakad at bahagya tinulak si Shawn para makalabas siya sa pinto. Pero bago lumabas, bumulong siya sa binata.
"Ang lakas mong mam-bully, mukhang 'di ka yata tuli," nakangising bigkas niya sabay tinalikuran ito at iniwan.
"Talaga, Charlene? Damn you!" rinig niyang sigaw ng binata.
Sa round na ito mukhang tabla sila, pero sa susunod hindi na talaga siya papayag.