7

1077 Words
SHAWN NAIINIS na hinampas niya ang nakapinid na pinto ng kuwarto niya. Nakakainis! Gigil na binagsak niya ang katawan sa malambot na kama niya. Pilit niyang winawaksi sa isipan niya ang nangyari kanina sa university, buong hapon hindi siya nakapag-pokus dahil sa Charlene na 'yon. Hindi mabura-bura sa isip niya ang maganda at makurba nito katawan. s**t! Nabigla talaga siya sa ginawa nito paghuhubad sa harap niya. Nagngingitngit ang mga ngipin niya dahil sa matinding inis na nararamdaman pero mas naiinis siya sa sarili niya dahil hinayaan niyang makita ni Charlene na naapektuhan siya rito. Kung bakit naman kasi bigla siyang tinigasan? Napahiya tuloy siya. Damn that woman! Wala tuloy siyang choice kun'di ang magbabad sa banyo para kumalma ang katawan niya. "Humanda ka talaga sa'kin, Charlene Dimagiba..." usal niya habang nasa tapat ng shower. Wala sa ugali niya ang hawakan mag-isa ang sarili ngunit nade-demonyo talaga siya. Kailangan lang niya mairaos 'to nang makatulog siya nang maayos. Lumipas lang ang ilan segundo ay napapahiyaw na siya sa tapat ng shower habang mariin nakapikit at hawak-hawak ang sariling kasarian. Nang matapos hinihingal na tinuloy niya ang pagligo at saka natulog na. Kinabukasan, pagkapasok niya sa cafeteria nakita niya agad sina Morris, Garcia, Morales at Sarmiento na nakaupo sa paborito niyang puwesto na lamesa. Nang makalapit siya napansin niyang may kasama rin pala ang mga ito. Dumilim ang anyo niya nang makilala si Charlene ang katabi nila Garcia at Morris. "Ilan taon ka na ba, Charl?" magiliw na tanong ni Garcia sa dalaga. Tumaas ang kilay niya. Charl? Na-late lang siya ng pasok, naging close na agad ng mga bugok na ito ang dalaga. "18 pa lang ako," maiksing tugon ng dalaga. "So, Manila girl ka pala. Bakit dito ka sa Davao nag-aral?" Si Morales naman ang nagtanong. Lalong tumikwas ang kilay niya. Kailan pa nagkaroon ang mga ito ng interes sa dalaga? Tumikhim siya upang agawin ang atensyon ng mga ito. Lumingon naman agad ang mga kaibigan niya, maliban kay Charlene na patuloy lang sa pagkain ng pancit bihon. Sumenyas siya sa mga kaibigan na umalis. Mukhang na-gets naman ng mga ito kaya isa-isang nagpaalam ang mga ito sa dalaga. Humanda talaga sa kanya ang mga bugok na 'yon mukhang may binabalak ang mga ito ng hindi niya alam. Umupo siya sa katapat na silya ni Charlene. Ni hindi man lang siya tinapunan nang tingin nito, patuloy lang ito sa paglamon. "Ahm, gusto mo bang maging girlfriend ko?" wala sa sariling tanong niya kay Charlene. Napansin niyang natigilan ito at salubong ang kilay na tumingin sa kanya. "Iyan na ang pinaka walang kwentang joke na narinig ko," tila nasusuyang sambit nito. Pinukol niya ito nang matalim na tingin. Umingos siya. Anong joke? "Ayaw mo ba? You should be flattered because I ask you to be my girl," nakangising saad niya. Dapat lang na matuwa ito dahil ang daming babaeng nagpapakita ng motibo sa kanya at gusto siyang maging boyfriend. Pag nagkataon, ito ang magiging first girlfriend niya. Hindi na ito lugi dahil guwapo, matangkad at mayaman siya. "Talaga ba? Sorry...pero hindi kita gusto. Humanap ka na lang ng mauuto mo, 'wag ako." Madiin nito tugon sa kanya saka nagmadaling tumayo at iniwanan siya sa lamesa. Nagtagis ang bagang niya dahil sa sinabi ng dalaga. Na-basted siya? Wow! Naiiling na nakakuyom ang kamao niya. Siya na nga ang nag-alok tapos ang lakas ng loob na tanggihan siya? So, gusto talaga nito ng magulong buhay dito sa loob ng university a. Okay, madali naman siyang kausap. Matapos ang klase nagtungo siya kaagad sa hideout place ng kapatiran. Naroon na ang iba at nagsisimula na naman mag-inuman. "Yow!" bati ng ibang members sa kanya. Tumango lang siya at lumapit kina Sarmiento. "Anong mayroon kanina, bakit kausap niyo si Charlene?" direstong tanong niya agad sa mga ito. Malakas na tumawa si Garcia at Morris. "Bakit parang busangot ang mukha mo? Masama bang kausapin namin si Charlene?" natatawang wika ni Garcia. "Oo nga, at saka na-curious lang naman kami sa kanya. In fairness, maganda pala siya," nakangising sabat naman ni Morris. Binato naman niya ng bag si Morris na nasalo naman nito. "Oo, masama! Ako lang dapat ang kumausap sa kanya," gigil na himutok niya. Bumunghalit ng tawa ang mga ito. Panay ang kantiyaw sa kanya. "Nice man! Nambabakod ka na, hindi mo pa nga girlfriend," tukso ni Sarmiento sa kanya. "Mga gago!" pinilig niya ang ulo. Bumalik na naman ang inis niya dahil sa pag-reject sa kanya ni Charlene. Ilan sandali pa ay lumapit sa kanya ang tatlong bagong member ng kapatiran. "Nagawa na namin ang inutos mo, Shawn," wika ng isa. Tumango-tango lang siya sabay ang pagsilay ng nakakalokong ngisi sa labi niya. "Mukhang may ginawa na naman kalokohan itong si Rebato. Grabe kung makangisi e," ani ni Morales. Ngumiti lang siya. "Sorry siya, sabik ako sa ganti e." Sabay-sabay naman silang nagtawanan at sinimulan na ang inuman session nila na may kasama pang masayang tugtugan. Inabot na sila ng gabi nang matapos at nag-uwian na ang iba. Nang makauwi siya sakto naman na naabutan niya ang kanyang Daddy at kapatid na nag-uusap sa salas. Napabuntong hininga lang siya at nilagpasan lamang ang mga ito. "Wala ka bang alam na gawin, Shawn kun'di ang maglasing? Nag-aaral ka ba talaga?" narinig niyang sigaw ng Daddy niya. Subalit nagmistulang tenga kawali siya, tuloy-tuloy siya sa pag-akyat papunto sa kuwarto niya. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Ang Kuya Shane niya. "Shawn, bakit hindi ka na lang mag-aral sa Amerika? Sumama ka na lang din sa'kin kaysa lagi ka na lang ganito. Lalo tuloy nagagalit sa'yo si Daddy." Inismiran niya. "Laging ano? Ayos naman ako a! Masaya ako rito, andito ang mga kaibigan ko. Ikaw na lang ang mag-aral don, tutal ikaw lang naman ang matalino at paborito ni Daddy e," pabalang na wika niya. "Shawn, don't say that! Walang paborito si Daddy sa'tin." "Ows? Pa-humble ka naman, obvious naman na paborito ka. Puwede ba hayaan niyo na lang ako! Kaya ko ang sarili ko. Out!" bulyaw niya sabay pagtaboy sa Kuya niya palabas ng kuwarto. Tahimik naman ito na lumabas at marahan sinarado ang pinto. Umismid siya. Ang lungkot na nga ng buhay niya rito at papalungkotin pa sa Amerika. Wala siyang balak umalis at lumayo sa mga kaibigan niya. Huminga siya nang malalim saka pabagsak na humiga. Mahigpit niyang niyakap ang unan ng Mommy niya hanggang sa hindi niya napigilan ang maluha habang nakasubsob ang mukha sa unan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD