8

1206 Words
CHARLENE UMINGOS siya habang inaalala ang sinabi ni Shawn kanina sa cafeteria. Sinapian ang animal! Anong akala nito privilege ang maging boyfriend ito? Siraulo! Wala pa sa isip niya ang makipag-relasyon. At kung sakali man maisip niya, hinding-hindi siya papauto sa kumag na 'yon. Pagkalabas niya ng registrar office, sa wakas mayroon na siyang sariling locker. Hindi na siya mahihirapan magbitbit ng mga libro at notes niya. Pagbukas niya ng locker, napasinghap siya sa gulat nang mahulog ang samu't saring kalat sa loob nun. Natawa ang ibang estudyante sa paligid. Nagtagis ang bagang niya. Ginawang smokey mountain ang locker niya. Tsk! Malaki ang hinala niya na si Shawn na naman ang may pakana nito. Argh! Bwiset talaga! Napabuga siya nang malalim na paghinga. Isa-isa niya pinulot ang mga kalat at nilagay sa pinaka malapit na trash bin. Mayamaya pa ay may limang mga babae lumapit sa kanya. Nagtatakang napasulyap siya sa mga ito. Ngunit, nagulat siya sa ginawa ng babaeng nasa harapan niya. Itinapon nito ang hawak na milktea sa loob ng locker niya. Napaawang ang bibig niya at kumunot ang noo niya. "W-What the--" "Oops. Is this the trash bin? Akala ko trash bin, so..rry," maarteng wika nito. Umiiling-iling siya. Pambihira! Ang akala niya si Shawn lang ang bully dito, mayroon pa pala. "Oops--is this the trash bin?" panggagaya niya sa babae. "Maganda ka sana kaso bobo ka--trash bin, hindi mo alam ang itsura. Aral muna ha bago kalandian," naiinis na sikmat niya sa babae sabay dampot sa milktea nito na natapon at binato rito. Tumili naman ito at napaatras. "Oh, God! B*tch!" Inismiran lang niya saka dinampot ang ibang kalat, nilagay niya sa basurahan at sinarado na ang locker at nilock na niya. Bukas na lang niya lilinisin 'yon. Nang akma siyang lalakad na palayo ay napaigik siya nang hilahin ng maarteng babae ang buhok niya. Kamuntikan pa siyang ma-out of balance. "Sino ka sa inaakala mo ha?! Ang lakas ng loob mong akitin ang Shawn ko! Hindi ka naman kagandahan!" Hiyaw ng babae habang mahigpit na hawak pa rin ang buhok niya. Naiinis na siya dahil ayaw talaga nito bitawan ang buhok niya. Ayaw sana niyang patulan ito dahil may disiplina siya sa sarili kaso nang maramdaman niyang kakaladkarin siya nito ay kumilos na siya. Mabilis na hinawakan niya ang braso nito at pinaikot iyon. Narinig niyang umaray ito. Pero hindi siya nakuntento, malakas na sinampal niya ito sa pisngi. Natulala naman ang ibang kasama nito babae, maging ang maarteng babae ang natameme habang sapo ang namumulang pisngi. "Subukan mo uli hawakan ang buhok ko, babaliin ko na ang braso mo!" paasik niya rito at pinukol ito nang matalim na tingin. "Pwes! Huwag mong aakitin ang Shawn ko! Akin si Shawn! Akin siya!" bulyaw naman nito. Tumaas ang kilay niya saka nagpameywang. "E, 'di sa'yo na! Magsama kayo! Wala akong pakialam," ganting sigaw niya saka tinalikuran na ito. Kainis! Hindi na siya tinantanan ng mga bully sa university na ito. Kung puwede lang na bumalik ng Maynila ay babalik talaga siya. Mga estudyante rito, naturingan mga anak mayayaman walang mga matitino pag-uugali. Naiiling na lang siya habang naglalakad na siya patungo sa sakayan ng bus. Nang makauwi na siya sa kanila. Nakatanggap siya ng isang mensahe galing sa isang unknown number. Sino kaya ito? Wala naman siyang pinagbigyan ng number niya. Ilan sandali pa ay tumatawag na ang number. Umingos siya. Hindi niya sinagot iyon. Tumulong siya sa Mama niya sa paghahanda ng paninda nito kinabukasan. Magtitinda kasi ito ng pagkain pang almusal sa labas ng bahay. "Ma, ano pa itutulong ko sainyo?" "Wala, Nak. Matulog ka na, ako na bahala rito. Tutulungan naman ako ng tiya mo bukas sa pagtinda. Tulog kana." "Sige po." Wala naman siyang nagawa kun'di ang pumasok na sa kuwarto nila. Napansin niyang naka-20 miscalled na ang unknow number na iyon. Sino ba ito? Ilan sandali pa ay muling tumawag ang numero. Kibit balikat naman niyang sinagot iyon. "Hello--" "Hindi ka ba marunong sumagot ng tawag? Kanina pa ako tumatawag sa'yo!" Napaigtad siya sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya. Parang pamilyar ang boses na iyon. "Shawn?" "Shorty! Save my number okay? At sagutin mo agad ang tawag ko pag--" Wala sa sariling pinatay niya ang tawag. Pinatay niya rin ang cellphone niya. Wala siyang ideya sa kung anong trip nito sa pagtawag at kung saan nito nakuha ang numero niya. Huminga siya nang malalim at marahan pinikit na ang mga mata. Kahit gaano pa ka-perfect boyfriend material si Shawn Rebato malabong magustuhan niya ito. Dahil mayroon na siyang nagugustuhan ibang lalaki, iyon nga lang nasa Maynila ito. At ang masaklap pa ay hindi siya gusto ng lalaking nagugustuhan niya. Hanggang takaw sulyap lang siya kay Francis, dahil ang alam niya ay mayroon na ito girlfriend. Pinilig niya ang ulo at pinilit na lang na makatulog. Kinabukasan, maaga siyang pumasok muli sa university. At kagaya ng dati, napansin niyang nasa kanya na naman ang atensyon ng lahat habang naglalakad siya sa hallway ng MassCom building. "Ano na naman kaya ang pakulo ng animal na 'yon?" bulong niya sa sarili. Pagkapasok sa classroom ng first subject niya. Ang nakasulat sa white board ang una niya napansin. (Charlene Dimagiba, not virgin anymore) Halos malukot ang noo niya at parang sasabog ang bumbunan niya sa sobrang inis. Kaagad niyang binura iyon, napansin niya ang pasimpleng pagtawa ng mga estudyante sa loob. Nagpapadyak siya sa inis at lumabas ng classroom. Hinanap niya agad si Shawn. Ang gago na 'yon kung ano-ano ang kinakalat para lang mapahiya siya sa lahat. Patakbong tinungo niya ang kabilang building. Sakto naman na nakasalubong niya si Shawn kasama ang ibang kaibigan nito. Nakita niyang ngumisi ito habang naglalakad siya papalit rito. Hinanda niya agad ang kanyang kamao. Banas na banas na talaga siya sa lalaking ito. "Hey, Shorty! Why are you here? Don't tell me hinahanap--" Pinutol na niya ang iba pang sinasabi nito dahil mabilis na umigkas ang kamao niya sa mukha nito. Isang makayanig na suntok ang binigay niya kay Shawn Rebato. Kaagad naman itong natumba at nawalan ng malay. Knockout! Bakas ang gulat sa mga mukha ng mga kaibigan nito. "Ayan ang bagay sa'yo! Subukan mo pa akong bastusin nang makita mo kung ano ang kaya kong gawin sa'yo," matigas niyang sabi saka walang lingon likod na umalis na siya. Nakabusangot ang mukha niya nang bumalik siya sa classroom. Nakatayo sa may pinto ang grupo ng mga babaeng nam-bully sa kanya. Nalaman niyang Maureen pala ang pangalan ng babaeng maarte. Humarang si Maureen sa pinto, pinangharang nito ang braso nito. "Hoy, babaeng madumi. Balita ko mga College girl sa Maynila ay nagbebenta kadalasan ng katawan para makapag-aral lang. Gawain mo rin ba 'yon?" nang-uuyam na tanong nito. Nagtatakang tinignan niya si Maureen. "Ikaw ba ang nagsulat non sa white board?" Maarteng tumawa naman ito at tumango. Tsk! Ito pala ang may pakana, dapat pala ito ang sinapak niya. "Alam mo Maureen, maganda ka sana kaso bobo ka. Bakit ikaw virgin ka pa? Kung virgin ka pa, ngayon alam mo na walang magkakagusto sa'yo," sarkastikong banat niya saka tinabig ang braso nito at dire-diretsong pumasok siya sa classroom at naupo sa silya niya. Wala siyang panahon para patulan ito. Worthless. Naiiling na lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD