SHAWN
NAPABALIKWAS siya nang bangon. Isang daan bituin yata ang dumaan sa paningin niya dahil sa matinding hilo natamo nang suntukin siya ni Charlene.
Nanggagalaiting luminga-linga siya. Nakita niya si Sarmiento na nakaupo sa gilid. Nasa loob pala siya ng clinic. s**t!
"Nasaan ang Charlene na 'yon?!" malakas na wika niya.
Hindi siya makapaniwala na napabagsak siya ng isang suntok lang at isang maliit na babae pa? Naiiling na nagtatagis ang mga ngipin niya. Lintek!
"Basted ka na nga, na-knockout ka pa. Grabe! Ang astig!" nakangising sabi ni Sarmiento.
"Gusto mo rin ba ma-knockout? Sabihin mo lang," puno ng iritasyon ani niya at nagmamadaling lumabas na ng clinic.
Ang walang hiyang, Charlene na iyon. Bigla-bigla na lang siyang sinugod. Nagalit ba ito dahil kinuha niya sa registrar office ang cellphone number nito? Umingos siya. Nagpakahirapa pa naman siyang pumasok sa registrar office para makuha lang ang numero nito. Kainis!
Sa tanan ng buhay niya ngayon lang niya nagawa ang manguha ng numero ng isang babae at palihim pa. Bwiset!
Huminga siya nang malalim at tinungo ang kabilang building para mahanapin si Charlene.
Kung inaakala nito na papalagpasin niya ang ginawa nito sa kanya. Nagkakamali ito. Ngumisi siya nang makaisip ng ideya kung paano ito maaasar at makaganti. Nagtawag siya ng ilan miyembro ng kapatiran upang maisagawa ang balak niya.
Pasimpleng tinungo niya ang classroom kung nasaan si Charlene. Ngunit, wala si Charlene roon. Nagsalubong ang kilay niya. Umuwi na ba ito? Huminga siya nang malalim at sinubukang hanapin ito. Hanggang sa nagtext sa kanya si Morris at Garcia, pinapaakyat siya sa 3rd floor ng MassCom building. Kaagad naman siyang umakyat, nakita niya ang dalawa sa fire exit stair sa gilid ng building.
"Bagong tambayan niyo ba 'to? Anong mayroon dito?" bungad na tanong niya sa dalawa.
Hindi nagsalita ang mga ito bagkus may itinuro si Morris sa ibaba. Kibit balikat naman siyang tumingin sa tinuturo nito. Tumaas ang kilay niya nang makitang nasa likod pala ng building si Charlene at napapaligiran ito ng grupo ni Maureen. Tsk!
"Mukhang napagti-tripan din nila Maureen ang Charlene mo," tudyo ni Garcia sa kanya.
Kuyom ang kamao niya at akma sana siyang aalis upang babain ang grupo ni Maureen nang pigilan siya ng dalawa.
"Hep--manuod muna tayo. Tignan natin kung anong gagawin ni Charlene. Mukhang hindi naman siya natatakot e. Look--" wika ni Morris.
Sumulyap siya kay Charlene. Oo nga, blanko lang ang mukha nito habang naka-krus ang mga braso nito sa dibdib. Ngumisi siya. Bakit parang na-excite siyang makita kung anong gagawin ni Charlene.
Yes, pakitaan mo ako ng angas mo, Shorty!
Nang akmang pagtutulungan ng mga ito si Charlene na hawakan. Inigkas lang nito ang isang binti upang sipain ang dalawang babaeng ka-miyembro ni Maureen. Natumba ang dalawang babae.
"Feeling mo malakas ka na niyan?ha? Humanda ka talaga sa'kin!" naiinis na hiyaw ni Maureen kay Charlene at saka kinuha sa isang gilid ang isang makapal na kahoy.
Medyo nabahala siya pero saglit lang iyon dahil nang susugurin na ito ni Maureen. Isang malupit na turn side kick ang ginawa ni Charlene kay Maureen. Sapol sa mukha si Maureen at tumilapon sa lupa.
Tatlo sila nila Morris at Garcia na napa 'Wow' nang masaksihan iyon. Kulang na lang pumalakpak siya sa pagkamangha. Hanep!
Bakit parang ang sexy tignan ang ginawa ni Charlene na pagsipa?
Isa-isang pinagsasampal na walang kahirap-hirap ang ibang babaeng kasama ni Maureen. Bumunghalit siya ng tawa, walong babae laban sa isang babae. Partida, maliit pa. Malakas na tumawa siya habang sapo ang tiyan.
Mayamaya pa ay tumingla sa gawi nila si Charlene. Kumaway naman sina Morris at Garcia kay Charlene at ngumiti. Hindi siya nag-react, pinaseryoso niya ang mukha niya. Lukot ang mukhang tumingin lang si Charlene at tumalilis na nang alis at iniwan na sila Maureen.
"Astigin naman pala ang bet mo sa babae, kaso binasted ka naman," natatawang biro ni Morris. Mahinag bigwas sa tiyan ang ginawa niya rito.
"Hard to get lang ang Charlene na 'yan. Hindi siya makakalusot sa karisma ko," bilib na bilib sa sarili na wika niya.
Natawa lang ang dalawa. Inismiran lang niya ang mga ito saka nilayasan na niya. Pupuntahan na lang niya si Charlene. Sakto naman na pababa siya ng hagdan ay nakasalubong niya ito.
"Hey, Shorty!"
"Ikaw ba naglagay ng mga ipis sa locker ko?"
Napalunok siya. Bahagya siya napaatras at napakamot sa ulo. Lumakad naman ito palapit sa kanya habang nakakuyom ang kamao.
"Opps! Yeah--" ngising aso wika niya sabay mabilis na tumakbo pababa.
"Siraulo ka talaga, Shawn Rebato!"
Natatawa na lang siya nang marinig ang malakas na pagsigaw ni Charlene. Tumakbo na siya patungo sa kabilang building nila at nagmadaling lumabas na ng university dahil oras na para umuwi pero hindi siya totally uuwi...tatambay muna siya sa hideout place nila.
Sa katunayan sa hideout place nila balak niyang magpalipas ng gabi. Wala siya sa mood umuwi sa bahay nila. Huminga siya nang malalim. Pagkarating niya sa hideout place, may inuman session na naman ang ibang miyembro ng kapatiran. Wala naman problema sa kanya ang mag inuman doon.
Tinungo niya ang isang maliit na space roon kung saan mayroon papag na maaari niyang higaan. Humilata siya agad doon.
"Don't tell me balak mong matulog dito?"
Dagli siyang napalingon kay Morales. Walang buhay na tumango lang siya.
"May pera ka naman. Bakit hindi ka mag-hotel?"
"Wala ako sa mood. At saka, takaw pansin lang 'yon. Mababalitan pa ni Daddy 'yon. Okay na ako rito."
"Okay, ikaw bahala. Uwi na ko. 'Yon mga bagong miyembro natin, nagpaalam sila sa'kin na mag iinom sila rito."
"Ayos lang. Pakisabi na lang na hindi ako iinom. Matutulog lang ako. Huwag nila ako guguluhin."
Tumango lang si Morales at iniwan na siya.
Hindi naman siya maarte kahit saan puwede siyang matulog. Mariin pinikit na lang niya ang mga mata. Sa kasagsagan nang malalim na pagtulog niya, nakaramdam siya nang kakaiba. Tila may nakapatong sa kanya na mabigat na bagay.
Nagmulat siya. Napaigtad siya sa gulat nang makitang nasa ibabaw niya si Maureen at naka-bra at panty na lang ito. What the hell?!
Marahan niya itong tinulak at napaupo siya.
Pinukol niya nang matalim na tingin si Maureen. Nasisirain na ba ng bumbunan ito?
"Hoy! Baliw ka na ba, Maureen? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" nanlalaki ang mga matang tanong niya sabay iwas nang tingin sa katawan nito. s**t!
"S-Shawn...I like you. I really, really like you. Ibibigay ko sa'yo lahat. Please, take me...own me," mapang-akit na sambit ni Maureen.
Anak ng tipaklong!