CHARLENE SOBRANG problemado ang Mama niya dahil hindi pa rin nagpapadala ng pera ang Papa niya para pandagdag sa gastusin at allowance niya sa pag-aaral. Wala siya choice kun'di gumawa ng paraan. Nasa tamang edad naman na siya puwede na siya mag-trabaho. Kaya naman naisipan niya magpasa-pasa ng resume sa mga fast food chain sa siyudad, nagba-bakasali na matanggap siya. Balak niya mag-part time, magbabawas na lang siguro siya ng subject sa susunod na semester para maisingit niya ang trabaho pagtapos ng klase niya. Maaga natapos ngayon ang klase niya kaya naman magpapasa siya uli ng resume. May nakita siya maliit na mini grocery store sa 'di kalayuan sa terminal ng bus. Susubukan niya magpasa roon. Pagkapasok sa grocery store, kaagad niya tinanong ang kahera nakita niya. "Excuse me, kanin

