
Of all people, I am stuck with this wayward and annoying friend of my cousin Dhea dito sa renewal ng vows ng kanyang in-laws. It's their golden wedding anniversary. Ate Dhea's in-laws are my parents' business partners lalo na sa mga businessess nila outside the country, that's why, close ako sa family nito. At eto na nga, wala akong nagawa nang sabihin sa akin ng pinsan ko na itong si...ano bang pangalan nito? Hindi ko na matandaan dahil sa inis ko kaninang ipinapakilala kami dahilan sa hindi pa nagsasalita, nakangisi na ito sa akin na animo'y pinagtatawanan ako habang mariin na nakatitig sa akin na parang may nakakatawa sa akin. Basta ang natandaan ko, doktor siya! At hindi nga ako nagkamali ng magsimula itong makipagkwentuhan sa mga kasama namin sa table, he sounds annoying! Akala mo lahat na lang kalokohan. Ewan ko ba kung paano naging doktor ito, samantalang parang lahat ng sinasabi niya ay mahirap paniwalaan dahil lagi nalang nakangiti at kapag tumingin sa akin, nakangisi. Kung magiging pasyente siguro ako, never sa doktor na ito ako magpapa check up!
"Alessandra, do you mind if you will be paired up with Eduard during the dance?" narinig kong sabi ni Kuya Clayvin at nang lingunin ko ito, alanganin itong nakangiti sa akin. Kahit labag sa loob ko, matamis akong ngumiti sa kanya at tumango. I don't have a choice, ewan ko ba kung ano itong drama ng reception ng kasal ng kanyang parents, bakit may sayaw sayaw pa pero ang mga kasali dito ay mga malalapit sa kanila na young couples. Ngunit dahil sa wala pang asawa itong doktor na ito na kaharap ko ay ako ang kinuha nilang partner niya. Nang mag angat ako ng aking tingin, nakita kong nakatitig na naman siya sa akin with his annoying twisted lips.
"Eduard, behave ok, she agreed" pinandilatan nito ang kaibigan pero tumawa lang ito ng medyo kalakasan at tumingin ulit sa akin.
"It's an honor, mia cara" nakakalokong sabi nito sa akin. Tinaasan ko lang ito ng kilay bilang sagot ngunit nakita kong ngumiti ito na labas sa ilong. Tumayo ito, akala ko aalis, iyon pala para magtransfer lang ng upuan sa tabi ko. Napapikit ako dahil alam ko na ang susunod na mangyayari.
"So, what's your story mia cara?" bulong nito sa akin. Mia Cara?! Kunot noo akong napatingin dito, ugh! eto na naman ang nakakasar nitong ngiti. Inirapan ko ito.
"It's Alessandra" maikling sagot ko at iniiwas ang tingin ko dito. Ayaw ko iyang pagtawag tawag niya sa akin na mia cara, sino ba siya para tawagin ako ng ganyan. Tsk!
"Why? Does anyone special calling you mia cara already hmmm?" Jusko, gusto kong kilabutan sa tono ng boses ng doktor na ito, akala mo nakikipaglandian lang sa kung sinong babae. Ganito kaya ito sa mga pasyente niya??!
"None of your business." seryosong sagot ko. Napamulagat ako ng bigla na lang inilapit ang kanyang mukha sa akin--langhap ko na ang mabangong hininga nito. Napakurap ako ng ngumiti sa akin ng matamis bago nagsalita.
"Answer me, Alessandra" bigla itong naging seryoso na mariing tumitig sa akin. Naasiwa ako sa pinaggagawa nito kahit may mga kasama kami sa table. Mas lalo akong napatda ng hawakan niya ang mukha ko at idampi ang kanyang hintuturo sa labi ko na nakaawang.
"Get your hands off me" mahina pero mariing sabi ko. Bumalik ang ngisi nito sa kanyang mukha.
"I want answer mia cara, I'll taste this if you're not going to answer me now" bulong nito sa akin.
"What the heck----
"I'm counting...1..
"You're impossible!"
"2....3--"
"Wala!" marahas kong sabi at ngiting panalo ang gago! Binitiwan niya ang mukha ko at ngingiti ngiting tumango tango.
"From now on, girlfriend na kita!" anito na hinawakan ulit ang baba ko.
"What??!"

