CHAPTER 1:

1017 Words
CHAPTER 1: “JACK SPENCER!” Umalingawngaw ang boses ni Lindsay sa loob ng opisina ng editorial department team. Galit na galit na naman ito, gaya ng mas dumadalas. Hindi na natakot ang mga editors na nasa loob, sanay na sila mula nang dumating si Jack Spencer sa kanilang team. Madalas na sakit sa ulo ni Lindsay itong si Spencer kahit pa wala naman itong ginagawa kundi ang magpangiti sa buong opisina. "Po?" Kalmadong tumayo si Spencer sa upuan. Marahas na tumunog sa tiles na sahig ang takong ng suot na stilleto ni Lindsay. Jack Spencer stood still while waiting for Lindsay to come. Salubong na naman ang mga kilay nito at nagliliyab ang mga mata, mukhang bubuga na naman ng apoy ano mang oras. "Bakit hindi ka na lang magresign?!" bulyaw ni Lindsay sa kaniya. Nanatili siyang nakatitig sa managing editor nilang lagpas na sa kalendaryo ngunit hindi pa rin nakapag-aasawa dahil sa sobrang kasungitan. "Ma'am, bakit naman po ako magre-resign? Ang hirap kayang makapasok sa kumpanyang 'to, tapos magre-resign lang ako?" he smirked. Mas lalong nagliyab ang mga mata ni Lindsay, kumuyom ang mga kamao nito pagkatapos ay marahas na hinampas ang desk na katabi ni Lindsay. Halos mapatalon silang lahat sa gulat. Even Spencer's heart jumped out of shock. Ito na nga at magsisimula nang bumuga ng apoy ang nasa mid 30's na, pero dalaga pa rin. "Do you know what you did, Jack Spencer?!" tila kulog na tanong ni Lindsay. Hindi sumagot si Spencer, nanatili ang taas-noong tingin niya kay Lindsay na animo'y mas mataas pa ang posisyon niya rito. "Late mong ipinasa ang document na ipinapa-send sa iyo ng publisher!" bulalas niya. "Ma'am, sa pagkakaalam ko po, alas-syete ng umaga ko ipinasa ang document. Ang sabi mo, alas-syete kaya alas-syete ko i-sin-end." "Anong alas-syete? I saw your message!" Dumukot si Spencer sa bulsa ng kaniyang pantalon pagkatapos ay hinanap sa e-mail niya ang na-i-send niyang file. "Anong ginagawa mo? Kinakausap pa kita—" Mabilis na pinutol ni Spencer ang sinasabi ng managing editor nilang sobrang sungit at saka iniharap ang cellphone niya. "Ma'am, 7:01 ko po naipasa. Isang minuto lang naman po ang pagitan, nag-loading kasi bigla ang internet kaya hindi na-send," katwiran ni Spencer. Ngunit dahil likas na maarte si Lindsay at hindi siya makapapayag na hindi perpekto ang nasa paligid niya, iritang hinawi niya ang kamay ni Spencer na may hawak ng cellphone. "I don't care! You should've at least send it at 6:59 rather than sending it a minute late! Mag-isip ka nga!" Yumuko si Spencer pagkatapos ay tumango, hinayaan na lamang niyang dumakdak nang dumakdak ang malapit na sa menopausal na si Lindsay. Sanay na sanay na siyang mapagalitan ni Lindsay lalo na't napapadalas ang pag-iinit ng ulo nito sa kaniya. Mukhang may crush na yata sa kaniya itong matandang dalaga. Kaunting kibot, pinagagalitan siya. Kaunting pagkakamali, napapansin 'pag tungkol sa kaniya. Effective ang pagpapapansin ni Spencer—este pamemeste sa tigreng si Lindsay. "Sa oras na umulit pa ang ganito, I will send a proposal to our CEO, to just fire you for being so clumsy! Oh gosh! Ang sakit mo sa ulo!" nanggigil at halos mapigtas ang litid sa leeg na sigaw nito. Lindsay burst out of the office after yelling at Spencer. Tahimik ang buong paligid hanggang sa pabagsak na sumara ang pinto. Walang ibang nagawa si Spencer kundi ang mapangiti na lamang at lingunin ang mga katrabaho niya. They are all looking at him with their pitiful expressions. Pero nagkibit-balikat na lamang si Spencer. After all, he doesn't care about it. Wala siyang pakialam kung magwala man si Lindsay o sabihan siya ng kung ano-anong masasakit na salita. Habang walang pakialam si Spencer, ito namang si Lindsay, labis-labis ang panggagalaiti. Parang sasabog na ang brain cells niya sa sobrang galit na nararamdaman. Kung bakit ba siya sobrang naiinis kay Spencer, hindi niya rin alam. Marahil dahil hindi ito tinatablan ng kasungitan niya. Marahas na inilapag ni Lindsay sa lamesa ang babasaging basong ininuman niya ng malamig na tubig. Malamig, bakasakaling mawala ang init ng ulo niya. Matagal na si Lindsay sa publishing house na ito, malapit na'ng mag-siyam na taon. At ang lahat ng tao rito ay nirerespeto siya. Kaya hindi niya matanggap na hindi natatakot sa kaniya si Spencer. Na parang balewala lang ang lahat ng galit niya. Pumikit siya nang mariin at bumuntonghininga. At nang idilat niya ang kaniyang mga mata, halos mapatalon siya nang makita ang CEO ng kumpanya na si Paxton. He was smiling at her. "Mukhang may problema ka na naman, Maria Lindsay. Care to tell me what is it?" tanong nito. Sumimangot siya. "Fire Jack Spencer Lopez. Mababaliw na ako sa sobrang katigasan ng ulo ng lalaking 'yon." Ngumisi ito at saka naglakad palapit sa kaniya. "I guess he's not the problem here." Kumunot ang noo ni Lindsay, kumulo ang dugo niya sa isiping ang binabanggit ng CEO na may problema, ay siya. "So you're saying that it was me?" Kung hindi lang sila close ng CEO, baka pinatalsik na siya nito nang dahil sa sobrang pagmamataas nito sa sarili. "Yes, Lindsay, you are. Alam mong madalas akong umiikot sa bawat department at napapansin kong ayos naman magtrabaho iyong bagong junior editor. But you always see even a little hole of his mistake." "You know me, Paxton. I want everything perfect." "But in reality, nobody's perfect, Lindsay." Kumuyom ang kamao niya sa inis. Mas kinakampihan pa talaga ng CEO ang Spencer na iyon! "Bakit parang kinakampihan mo pa ang isang hamak na junior editor na 'yon kaysa sa akin, Paxton?" taas-kilay na tanong niya. Napa-ismid si Paxton at saka napailing. Sa isip-isip niya, “kahit kailan talaga, mukhang hindi na magbabago ang masungit na babaeng 'to.” "Hindi sa kinakampihan ko siya. But you know, sometimes you're just overreacting." "Overreacting?!" bulalas niya. Paxton chuckled. "Just like that Lindsay. You always overreact like that. . . Iniisip ko nga, baka may gusto ka sa batang 'yon." Nanlaki ang mga mata niya. "Hell no!" But on her mind, Spencer is indeed handsome. . . and has a sexy body.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD