bc

Tempting The Untamable (Cougar Series #33)

book_age18+
1.1K
FOLLOW
3.3K
READ
revenge
sex
age gap
kickass heroine
comedy
sweet
bxg
lighthearted
rejected
seductive
like
intro-logo
Blurb

Sa edad na 36 years old, wala nang plano pang mag-asawa si Maria Lindsay De Guzman. Sapat na para sa kaniya ang magkaroon ng magandang hubog ng katawan, at ang kaniyang trabaho bilang managing editor sa Red Corner Publishing House na pinagtatrabahuan niya. Ngunit dahil sa angking kasungitan at kasamaan ng kaniyang pag-uugali, Jack Spencer Lopez came into her life as the new junior editor of their department. Ang bata at fresh na si Jack Spencer— aakitin siya nang malupit at tuluyan din siyang magpapaakit. Without her knowing that Jack Spencer has a hidden motive—a motive that will surely break her heart.

chap-preview
Free preview
SIMULA:
SIMULA: “SIMPLENG TASK LANG IYON! PERO BAKIT HINDI MO MAGAWA?!” Umalingawngaw ang galit na tinig ni Lindsay sa buong Editorial Department. Ang lahat ng editors na wala namang kasalanan ay tila mga tutang nagsiyuko, itinungo ang mga ulo upang hindi madamay sa pagbulusok ng galit ni Lindsay. "M-ma'am, h-hindi ko naman p-po sinasadya. F-first time ko lang po kasing m-mag-handle ng client—" "See how you try to cover up your mistake with that kind of reason? Maikakatwiran mo ba 'yan ngayon sa kliyente? Maikakatwiran mo ba sa kliyente na naipagpalit mo ang blurb ng libro nila sa iba? Kung hindi ka ba naman isa't kalahating tanga, paano mo naipagpalit 'yon? Hindi mo ba binasa ulit? Your job is to check it before we publish the book, yet you made a mistake! Paano ka nga ba nakapasok dito? The last time I checked, kailangan matalino at hindi aanga-anga ang ipinapasok sa ganitong klaseng publishing house!" Natulala na lamang ang lalaking junior editor sa lahat ng sinabi niya. Tears fell from his eyes like he wasn't a man. Sobra ang pagkapahiyang nararamdaman niya. Sa tanang buhay niya'y ito pa lamang ang unang beses na nilait at inapakan siya ng isang tao. "M-ma'am, p-pasensya na. . ." Napailing si Lindsay pagkatapos ay tinitigan siya gamit ang nanlilisik na mga mata. "If you're sorry for what you did, just quit. You don't belong in here," mariing sagot nito. Umawang ang labi ng lalaking junior editor pagkatapos ay kumuyom ang mga kamao. Tanggap niyang nagkamali siya, pero hindi niya matanggap na sabihan siyang hindi karapat-dapat sa kumpanya. "Nagtapos po ako ng pag-aaral, nagpakahirap na makapasok sa publishing house na ito. Isang pagkakamali ko lang, gusto mo na akong patalsikin?" he said in a bitter tone. "Wala sa pinag-aralan iyan, Mr. Moreno. Nakapagtapos ka nga ng pag-aaral, tanga ka naman. This industry is a competition and you are not competitive enough to be part of this world." Halata ang pagkadismaya sa mukha ng lalaki. Wala itong nagawa kundi ang mapayuko na lamang. Sa mga katrabaho niyang nakapaligid sa kanila, hiyang-hiya siya sa lahat ng sinabi ni Lindsay. Pakiramdam niya'y wala na siyang mukhang ihaharap pa. "Sige ma'am, if that's what you want, then I'll just quit." Tumalikod na si Moreno pagkatapos ay nag-walked out. Natahimik ang paligid matapos ng nangyari. Wala ni isa ang gustong magsalita. Wala rin namang magagawa ang CEO ng kumpanya dahil si Lindsay ang pinaka-competitive na managing editor na dumaan sa kumpanya niya. For the past eight years of being the managing editor, Lindsay proved herself. Malaki ang naitulong niya at kung ano man ang maging desisyon ni Lindsay ay wala nang magawa ang CEO. Isang linggo rin ang nakalipas bago muling nakakuha ng junior editor na papalit kay Moreno. Pahirapan pa naman ang pagkuha dahil nga si Lindsay ay isa sa mga nag-i-interview at napaka-istrikta nito. "Guys, stand up and meet our new junior editor," seryosong ani Lindsay. A tall and handsome guy is standing beside her with a bright smile, waved at them. "Good morning! I'm Jack Spencer Lopez!" maligayang bati niya. Ngumiti ang lahat sa kaniya at binati siya, ngunit ang mga ngiti nila'y pare-parehong may pangamba. Pangamba na muling patalsikin si Jack Spencer sa oras na hindi na naman magustuhan ni Lindsay o kaya nama'y magkamali. "Enough with the greetings, you can sit there." Itinuro ni Lindsay ang pwesto ni Moreno noon, katabi si junior editor Miru Ortiz. Nilingon ni Spencer si Lindsay nang may pagtataka sa mukha. "Ang sungit mo naman Ma'am! Smile naman d'yan, ang aga-aga e!" They all gasped at what Spencer said. Hindi lang ang mga editor sa loob ng opisina ang nabigla sa sinabi ni Spencer, maging si Lindsay ay napalingon sa kaniya't nag-angat ng tingin. Halata rin ang pagkagulat sa kaniyang mga mata, ngunit sa huli'y nagawa niyang itago iyon. "W-well then, good morning too, Spencer," nakangising sagot ni Lindsay. "Ayan, dapat good ang—" Hindi na naituloy ni Spencer ang pagsasalita nang iwan na siya roon ni Lindsay. Walang paligoy-ligoy na dumiretso ito sa lamesa niya; sa pinakadulo. Halatang gusto lagi ang mapag-isa! Napangisi si Spencer, mukhang mahirap paamuhin ang tigreng gaya ni Lindsay. Well, ganoon naman talaga ang mga matandang dalaga, masusungit lalo pa't hindi pa nadidiligan. Hindi pa nakakatikim ng rurok ng kaligayahan kaya naman idinadaan na lamang ang lahat sa kasungitan. And that's Jack's mission—to tame the untameable tigress, Maria Lindsay. Bago siya pumasok sa kumpanyang ito, siniguro niyang planado ang lahat. Ang paghihiganti sa babaeng dahilan kung bakit namatay ang Kuya niyang si Julius. Julius is Lindsay's ex-suitor. She's the reason why his brother commit suicide is because of too much humiliation he got from Lindsay. She did not simply reject his feelings, she shouted at him in front of other people, telling him he's not good enough for her and that he's too poor and ugly for her. Napakasama ng ugali ni Maria Lindsay, sukdulan ang kasamaan ng ugali niya na halos isumpa siya ng lahat. Spencer's mission is to tame her, and leave her after she fell for his trap. Hindi lang ito para sa paghihiganti sa pagpapakamatay ng Kuya niya, para din 'to sa mga taong nasaktan ni Lindsay. Para malaman nito kung ano ang pakiramdam na masaktan! Tuluyang naupo si Spencer sa upuang itinuro ni Lindsay. He turned his head to Miru and greeted him. "Good morning!" masiglang bati niya. Hindi ito bumati pabalik, instead, tinapik nito ang balikat niya at saka nginitian. "Good luck, sana tumagal ka sa kumpanya." Muling napangisi si Spencer. "Sa tingin mo?" "Hindi mo dapat kinakausap nang gano'n si Ma'am Lindsay, maldita 'yan. Baka mamaya paalisin ka kaagad sa oras na may magawa kang hindi niya magustuhan." Imbes na makipagtalo pa, hindi niya sinagot ang pananakot ng co-editor. Lumingon siya sa direksyon kung saan nakaupo si Lindsay, tinanaw niya kung gaano ito kaganda. Lindsay is indeed beautiful. Siguro kung hindi lang masama ang pag-uugali nito, maraming magkakagusto rito. May rason ba kung bakit ang sama ng ugali nitong si Lindsay?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
134.0K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.2K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook