MICO VLADIMIR'S POV "Sinong bisita? Sina Uncle Nick ba?" tanong ko. "Hindi, Sir. Hindi ko kilala, eh. Ngayon ko lang siya nakita," sagot ni Mildred. "Gano'n ba? Kanina pa?" "Hindi naman. Halos kadarating lang din, parang nauna lang siya ng kalahating oras sa 'yo." "Gano'n ba? Babalik na lang siguro ako." Nagdesisyon akong umalis na lang muna. Palabas na ako nang humurang si Mildred sa daraanan ko. Napahinto ako. "Teka, Sir, hindi na kayo magpapakita kay Señorito Mike?" "Hindi na siguro. May bisita siya, eh. Babalik na lang ako." "Naku, Sir, 'wag na kayong umalis. Nandito na rin naman kayo, eh. Sayang naman ang binyahe mo kung aalis ka na agad. At isa pa, kapag nalaman ni Señorito Mike na narito ka, matutuwa 'yon. Lagi niya kayang hinihintay na dumalaw ka rito." "Talaga?

