MICO VLADIMIR'S POV "Doc, anong nangyari sa boss ko? Mamamatay na ho ba siya? Huwag naman ho sana, Doc. Parang awa n'yo na ho, 'wag n'yo siyang hayaang mamatay. Marami pa hong kasalanan 'yan na dapat pagbayaran dito sa lupa. Kaya hindi pa siya puwedeng mamatay, Doc!" Litanya ni Jesse na ikinatawa ng babaeng doctor na tumingin sa akin. Maging ako ay tipid na napangiti kahit masama ang pakiramdam dahil sa pagiging exaggerated nito. "Don't worry, hija, hindi pa siya mamamatay." "Diyos ko, Lord, maraming salamat ho!" Tuwang-tuwa ito sa sinabi ng doctor at nag-sign of the cross pa. "Maraming salamat ho talaga, Lord! At siyempre, maraming salamat din ho sa inyo, Doc. Akala ko ho talaga, mawawala na sa mundo ang boss ko. E, paano naman ang maiiwan niyang mga kasalanan dito sa lupa? Sino

