LEIRA'S POV SA ARAW NG PAG-ALIS NAMIN sa bahay nina Michael, lihim akong umaasa na makita ko si Mico bago kami umalis. Kahit hindi niya ako kausapin, basta makita ko lang siya bago ako bumalik ng probinsya dahil hindi ko alam kung pagkatapos nito ay magkikita pa kami ulit. Pero mukhang hindi akin ang araw na ito dahil nakaalis na kami sa bahay ni Michael ay walang Mico na umuwi. Walang Mico na nagpakita sa akin. At habang daan patungo sa airport, ramdam ko ang lungkot at bigat ng dibdib ko. Darating pa kaya ang araw na magkikita ulit tayo, Mico? Siguro naman kasi iisang pamilya na ang ginagalawan nating dalawa. At kabaliwan mang umasa, pero hangga't wala kang asawa ay patuloy akong aasa na may natitira ka pang pagmamahal sa akin na natabunan lang ng galit ngayon. Napangiti ako saba

