LEIRA'S POV "MABUTI NAMAN DUMATING KA NA." Kapapasok ko pa lamang sa lobby ng hospital nang mapapatda ako dahil sa pamilyar na boses na biglang nagsalita mula sa kung saan. Agad kong hinanap si Mico. Nakita ko siya. Nakatayo di-kalayuan sa akin habang nakasandal sa pader. Naka-ekis ang mga binti at mga braso. Napakaseryoso ng mukha nito. Hinihintay ba niya ako? Pero bakit? Lumapit ako sa kaniya. "Ako ba ang kausap mo?" Umayos ito ng tayo. "May nakikita ka bang ibang tao rito?" May bahid ng inis na balik-tanong niya. Umiling ako. "Iyon naman pala, eh. Ba't nagtatanong ka pa kung ikaw ang kausap ko?" Napabuntong-hininga na lamang ako sa pagiging arogante niya. "Bakit pala hinihintay mo 'ko?" Umismid ito. "Hindi kita hinintay dahil gusto kitang hintayin. Hinintay kita para b

