MICO VLADIMIR'S POV "CONGRATULATIONS, MAN." "You made it!" "Ibang klase ka." "Akalain mong matatalo mo ang expert and undefeated." Ilan lang sa mga papuri at pagbating natanggap ko mula sa mga kalaban ko sa superbike racing kanina. And yes, I won. "Thank you, everyone." Pasalamat ko at isa-isa silang kinamayan. "Meron ulit next week, Thompson, join ka?" tanong ni Francis. Isa sa nakalaban ko kanina at pinakamadalas kong kausap simula nang sumali ako sa ganitong event. Ito na ang pangatlong sali ko at ngayon lang ako nanalo. Mga close door private event ang sinasalihan ko. Hindi alam ni Uncle Mike itong pinagkaka-busy-han ko lately at siguradong hindi niya magugustuhan kapag nalaman niya. "Ano? Sali ka, Thompson?" segundang tanong ng kaibigan ni Francis na si Jeremy, kalaba

