PROLOGUE - Beautiful love story

3194 Words
Leira's POV "TINATAMAD AKO, MAX." Napasimangot ang kasamahan ko sa trabaho at kaibigan na ring si Maxine. Ang aga-aga niya akong binulabog dito sa apartment ko para lang sabihing gumala daw kami. Pero kanina ko pa siya tinatanggihan dahil wala ako sa mood lumabas ng kuwarto. Ewan ko ba? Ilang araw na akong ganito, walang gana. Pakiramdam ko, ang bilis kong mapagod kahit wala naman akong ginagawa. "Tinatamad ka na naman. Ngayon na nga lang tayo makakagala dahil off natin sa trabaho tapos mas gusto mo pang magmukmok dito sa loob ng kuwarto mo." Nakasimangot pa ring sabi ni Maxine sa akin. "Wala ako sa mood, Maxi. Hindi naman ako nagmumukmok." Tumikwas ang kilay niya. "Hindi nagmumukmok? E, ano palang tawag mo sa ginagawa mo?" "Hindi mukmok ang tawag dito. Gusto ko lang magpahinga. Dahil bukas, trabaho na naman tayo." Buong akala ko ay tatantanan na niya ako sa kaniyang pangungulila, pero nagkamali ako. Hindi talaga siya tumigil na hindi oo ang isagot ko. "Max, ayoko nga sabi--" "Libre ko. Wala kang gagastuhin basta samahan mo lang akong gumala. Ang lungkot mag-window shopping kapag mag-isa." "Max--" "Sige na, please?" Parang batang pinatulis pa niya ang nguso habang tila nagmamakaawa sa akin. "Please?" Napabuntong-hininga ako. Ang kulit talaga ng babaeng ito. "Oo na. Ang kulit mo." "Yes! Thanks, Lei! Promise, ililibre kita." Tuwang-tuwa niyang sabi, saka mabilis na nagpaalam sa akin na babalik na siya sa apartment niya para mag-ready. "Mag-ready ka na rin, ha? Para mabilis tayong makaalis." Bilin pa niya bago tuluyang umalis ng studio type apartment na nirerentahan ko. Hindi lang kami magkatrabaho ni Maxine, malapit na ring magkaibigan at pareho kami ng apartment na nirerentahan. Siya ang nag-recommend sa akin sa lugar na 'to. Maliit lang ang apartment, pang-isahan lang talaga. Pero tahimik naman at malinis kaya nagustuhan ko rito. Bukod do'n ay malapit sa kompanyang pinagtatrabahuhan naming dalawa. Isang sakay lang mula dito hanggang doon. Ang kulit talaga ng babaeng iyon. Sa loob-loob ko, sana nagpasyang bumangon pagkatapos kong mag-inat-inat. Dahil mainipin si Maxine, binilisan ko nang gumayak. Eksaktong palabas na ako nang may kumatok. Siya ang napagbuksan ko. "Alis na tayo?" tanong ko. Hindi siya agad sumagot, sa halip ay may paghangang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. "Wow!" Bulalas niya nang matapos sa panunuri sa akin. Natawa ako. "Maka-wow ka naman diyan." "Ang ganda mo, Lei. Bagay sa 'yo ang suot mo. Ang sexy mong tingnan. Pak na pak." "Sus! Sasamahan ka na nga, bobolahin mo pa ako. Tara na nga." Lumabas na ako ng apartment ko. Pagkatapos ko 'yong i-lock ay nagpatiuna na akong maglakad. Sumunod siya sa akin at umagapay sa paglalakad ko hanggang sa makarating kami sa highway. Nakasakay na kami sa dyip ay saka ko pa lang tinatanong kung saan ba kami pupunta. At 'yon nga, sinabi niyang sa SM kami pupunta para gumala. Pagdating namin sa SM, wala kaming ginawa kundi ang maglakad-lakad, magtingin-tingin. May dalawang oras na yata kaming naglilibot sa loob ng mall, pero wala pang nabibili si Maxine. Mukhang mag-wi-window shopping lang talaga siya. "Hindi ka pa ba pagod, Max? Ang sakit na ng paa k--" naputol ang pagrereklamo ko nang may malakas na impact na bumangga sa akin. Sa lakas niyon, muntik na akong matumba. Mabuti na lamang at bago pa mangyari 'yon ay may humila na sa aking beywang. "Are you okay?" tanong ng baritonong boses ng lalaking nagmamay-ari ng brasong nakayakap pa rin sa aking katawan. Okay pa ba? Ba't parang hindi? Ang bilis ng kab0g ng dibdib ko. "I'm sorry, Miss. Are you hurt?" Untag ng lalaki. Dahan-dahan ang ginawa kong pag-angat ng tingin. Napaawang ang bibig ko nang makita kung gaano kaguwapo ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Ang guwapo niya. At ang amoy...grabe! Ang bango. Nanunuot sa ilong ko ang amoy niya. "Hey, Miss. Okay ka lang ba? May masakit ba sa 'yo? Kailangan ba kitang dalhin sa hospital?" Naririnig ko ang mga tanong niya, pero parang nalulon ko ang dila ko at hindi magawang makapagsalita. Sobrang guwapo naman niya. Titig na titig ako sa kaniya. Wala pa sana akong balak na lubayan siya ng tingin, pero may kumurot sa akin sa tagiliran ko. "Max." Pinandilatan niya ako at bumulong. "Kanina ka pa kinakausap ni pogi, pero tulaley ka." Napalunok ako at pilit umaktong normal sa harap ng lalaki na ngayon ay hawak pa rin pala ako sa beywang ko. Nagtama ang mga mata namin. "Are you okay? Nasaktan ba kita?" Ulit ng lalaki. "I'm okay. P-Puwede mo na akong bitawan." "Ops! Sorry, Miss." Sabi niya habang may matamis na ngiti sa mga labi. Dahan-dahan niyang pinakawalan ang beywang ko. "Sure ka? Walang masakit sa 'yo? Hindi kita kailangang dalhin sa hospital?" "Oo. Okay lang ako. Salamat." Muntik ng malaglag ang puso ko nang ngumiti na naman siya. Ngiting parang nagpapa-cute. "I'm sorry talaga, Miss. Hindi kita napansin agad. Nagmamadali kasi ako." Paliwanag niya. Halatang mabait ang lalaki kahit halatang lumaking may ginintuang kutsara sa bibig 'ika nga nila. "Okay lang. Sorry din. Hindi rin kita nakita agad." Paghingi ko ng paumanhin. "It's okay." Nakangiti niyang sabi, saka nagmamadali nang magpaalam sa amin ni Maxine. Wala na ang guwapong lalaki sa paningin ko, pero nakatulala pa rin ako sa direksyong tinahak niya. Ang guwapo talaga niya. Marami na akong nakita at nakasalamuhang guwapo rito sa Manila, pero iba siya. Iyong mga ngiti niya, ang ganda. Parang hindi siya marunong manakit ng babae. "Hala siya!" Nagulat ako nang hampasin ako ni Maxine sa braso ko dahilan para matauhan ko sa kung anu-anong naiisip ko. Pagharap ko kay Maxine, nakataas ang kilay niya. "Bakit?" Maang-maangang tanong ko. "Crush mo si pogi, 'no?" Tudyo niya. "Sabagay, super guwapo naman talaga niya kaya hindi nakapagtatakang natulaley ka sa kaniya." Hindi ko itinanggi o kinontra ang sinabi niya dahil totoong guwapong-guwapo rin ako sa lalaking nakabangga ko kanina. ________ AKALA KO, hindi ko na siya ulit makikita pero laking gulat ko nang pagpasok namin ni Maxine sa sinehan ay nando'n siya. At katabi ko pa ng upuan. Alam kong pareho kaming nagulat nang matandaan ang isa't isa. "It's you." Siya ang unang bumati. Dala ng hiya, tumango lang ako at umupo na sa katabing upuan niya. Tinangka ko pang makipagpalit ng puwesto kay Maxine, pero hindi siya pumayag. At ang siyesta, iniwan niya ako sa tabi ng lalaki. Lumipat siya ng upuan. Kaya ang ending parang kaming dalawa ng lalaki ang magkasama sa panunuod ng sine. Ginawa ko ang lahat para makapag-focus sa pelikulang pinanunuod ko. Pero kahit anong focus ang gawin ko, hindi ko magawa dahil maya't maya kong nararamdaman ang paninitig sa akin ng lalaking katabi ko. Hinayaan ko lang siya. Nasa kalagitnaan na kami ng pelikula nang hindi na ako nakatiis, sinita ko na siya sa paninitig niya. Ngumiti lang siya na halos ikalaglag ng panga ko. "Siraulo ka ba?" Sa halip na ma-offend, tumawa siya, medyo malakas dahilan para pagalitan siya ng nanunuod din na nasa unahan namin. "Kung maghaharutan lang kayo, lumabas na kayo at mag-check in na lang sa motel. Do'n n'yo ituloy kung anuman 'yang ginagawa n'yo diyan." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng lalaking galit dahil sa pagtawa ng lalaki sa tabi ko. At mukhang napagkamalan pa kaming dalawa na magkasama at gumagawa ng milagro. "Mawalang-galang na ho, pero wala ho kaming ginagawa--" feeling close na tinakpan nito ang bibig ko para patigilin ako sa pagsasalita. "Bakit ba?" angil ko nang alisin niya ang kamay sa bibig ko. "Don't mind him." "Don't mind him? Napagkamalan niya tayong gumagawa ng migraine dito tapos don't mind him? Okay ka lang? Ni hindi nga kita kilala, eh." Ngumiti na naman siya. Matamis. Sabay lahad ng kaniyang kamay. "Let me introduce myself to you, my dearest." "Anong dearest ka riy--" "I'm Mico Vladimir Thompson. You can call me Mico or babe." Napaawang ang bibig ko. Ano raw? Babe? "Just kidding. Just call me Mico," sabi niya, saka inilapit ang nakalahad na kamay sa akin. "How about you? What's your name?" Hindi ko tinanggap ang pakikipagkamay niya, hindi ko rin sinabi ang pangalan ko. Bagsak ang balikat nito na bumalik sa pagkakasandal niya, saka itinutok ang atensyon sa malaking screen sa unahan. Ako naman ang maya't mayang napapasulyap sa kaniya. Pero hindi na siya muling nakipag-usap sa akin hanggang sa matapos ang palabas at magsimulang maglabasan ang mga tao. Paki ko ba? Nang makita kong tumayo na si Maxine sa kinauupuan niya, tumayo na rin ako. Paalis na ako nang may pumigil sa kamay ko. Si Mico. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin dahil sa halip na bawiin ko ang kamay ko mula sa kaniya ay hinayaan ko siya. Hindi ko alam, pero may kakaibang init akong naramdaman. Init na parang nanunulay sa bawat himaymay ng aking laman. Basta. Hindi ko maipaliwanag. Napalunok ako nang pisilin ni Mico 'yon habang magkahinang ang aming mga mata. "Mico." Kusang nanulas sa bibig ko ang pangalan niya. Ngumiti siya sabay hila sa akin pabalik sa upuan. "Anong ginawa mo sa akin?" tanong niya. "H-Ha? Anong ibig mong sabihin?" Sa halip na sumagot, dinala niya ang kamay ko sa dibdib niya, sa mismong tapat ng puso niya. "Did you feel it? Ang bilis ng tib0k ng puso ko. And that's because of you." Nagulat ako. Hindi ko in-expect ang mga sinabi niya. Na para bang normal lang ang mga sinasabi niya sa akin samantalang hindi naman kami magkakilala. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya lakas-loob kong binawi sa kaniya ang kamay ko at mabilis na tumayo. Bago pa man ako makalayo sa kaniya, nahawakan na naman niya ang kamay ko. "Bitawan mo ako." Walang diing utos ko. Dahil sa totoo lang, ang bilis na rin ng kabog ng dibdib ko. "Tell me at least your name, please?" Pakiusap niya. "Keira." Napilitang sagot ko. Sinadya kong gamitin ang pangalan ng kakambal ko dahil palagi naming ginagawa 'yon noon pa. Ang magpalit ng pangalan kapag may ibang taong nakikipagkilala sa aming dalawa. "Keira... Nice name. Keira what?" Hindi ko na sinagot ang tanong niya at nagmamadali na itong iniwan. Paglabas ko ng sinehan, ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Sapo-sapo ko ang dibdib ko nang madatnan ako ni Maxine. "Mukhang type ka ni Pogi, Lei." Tukso niya. Sa halip na patulan, niyaya ko na siyang umuwi. At hanggang sa makauwi kami, dama ko pa rin ang mabilis na pintig ng puso ko dahil kay Mico. Mukhang sanay na sanay siyang mambola. At hindi ako dapat magpapaniwala sa mga Manila boys. Kinalimutan ko si Mico. Hindi ako puwedeng magkagusto sa kahit na sino dahil pamilya ko ang rason kung bakit ako nandito sa Manila at tiniis na malayo sa kanila. __________ NGUNIT TILA MAY ibang plano sa akin ang tadhana dahil ang lalaking minsan ko lang nakadaupang-palad ay magiging bahagi pala ng buhay ko rito sa Manila. Magiging malaking parte ng buhay ko. Dahil sa sunod-sunod na pagsubok sa buhay ko at sa pamilya ko, napilitan akong tanggapin ang offer ng isang taong hindi ko kilala. Malaking halaga, kapalit raw ng pagpapa-ibig ko sa pamangkin niya. Ayoko. Pero dahil kailangang-kailangan ko ang perang ini-o-offer niya, nag-yes ako kahit hindi ko pa nakikita ang mukha ng pamangkin ng lalaking nag-offer sa akin ng malaking halaga. Kapit sa patalim, pikit-mata, tinanggap ko ang pera. "Ano pong ginagawa natin dito?" tanong ko kay Sir Marcus nang sunduin niya ako sa apartment ko isang araw at isinama niya ako sa isang night club. "Nandiyan palagi ang pamangkin ko. So, kailangan mong magkunwaring dancer sa club na 'yan." "Po?!" Nagulat ako. Hindi ko alam na ganito ang gagawin ko. Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko na nagawang linawin ang gagawin ko bago um-oo. Sinubukan kong tumanggi, pero hindi na raw puwede. Lalo pa't nakuha ko na ang paunang bayad niya, naipadala ko na sa probinsya dahil kailangan ni Tito Arnold ng malaking halaga para sa operation niya. "Seduce him as fast as you can. Para makuha mo ang karagdagang bayad ko sa 'yo." Bilin niya at isinama na ako sa loob. Nalaman ko na kaibigan niya ang may-ari ng night club. Ibinilin niya ako sa babae at sinabing hindi ako puwedeng iuwi ng customer maliban na lang daw kung ang pamangkin niya. "Sir Marcus, ayoko--" "Nasa kontrata natin, Miss Leira. No turning back or else, ibabalik mo sa akin ang pera, triple." Napalunok ako. Saan ako kukuha ng anim na milyon kung sakaling aatras ako? "Come here, dumating na raw ang pamangkin ko. Ituturo ko sa 'yo kung sino siya. Para alam mo kung sino ang aakitin mo." Hinila niya ako palapit sa likod ng backstage, sumilip kamo ro'n. Iginala ko ang paningin sa buong palagid. Napatuwid ako ng tayo nang makita ang pamilyar na mukha. Mico Vladimir? Nandito siya? Muli, kagaya nang unang magkakilala kami sa mall na 'yon months ago ay agad na bumilis ang pintig ng puso ko. Lalo yata siyang gumwapo ngayon. "He's there." Untag ni Sir Marcus sa akin. "Saan po?" "There." Sinundan ko ang direksyong tinitingnan niya. Natigilan ako nang si Mico Vladimir ang makita kong tinitingnan niya. "A man wearing a black shirt. He's my nephew. His name is Mico Vladimir Thompson, he's your target." No! Sigaw ng utak ko. Not him. Ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko. "He's your target, Leira. Seduce him. Make him fall for you." "Sir--" "No turning back." Nang iwan ako ni Sir Marcus, gusto ko na ring lisanin ang lugar na 'yon. Hindi ko yata kaya. BUT SIR MARCUS left me without any choice kundi ang ituloy ang plano niya. Nang gabing 'yon, lakas-loob kong nilapitan si Mico Vladimir. "Keira!" Gulat na gulat siya nang makita ako. "What are you doing here?" tanong niya nang makabawi. "I'm working here." Sagot ko kagaya ng utos ni Sir Marcus. Kumunot ang noo nito. "You're working here?" "Yes." Nagulat ako nang sa halip na makitaan ng disgusto sa pag-amin ko na nagtatrabaho ako sa ganitong klaseng lugar ay walang nangyaring gano'n. Nginitian pa niya ako at tila masaya pang nakita ako. At ang mas hindi ko kinaya ay nang tanungin niya ako kung anong oras ang labas ko sa trabaho. Ni hindi niya ako tinanong kung anong klaseng trabaho ang meron ako rito. "Mamaya pa." "Okay. Go back to work. I'll wait for you." "Mico--" Tumayo siya, kinabig ako palapit sa katawan niya, saka bumulong. "I'm looking for you every day. Everywhere. And I'm glad that I finally found you. I missed you, Keira. A lot." Nanigas ako nang mas hapitin niya ang beywang ko. Itinukod ko ang dalawang palad ko sa dibdib niya para hindi madikit ang dibdib ko sa kaniya. At sa tanang buhay ko, ngayon ko lang naranasang mapadikit sa isang lalaki nang ganito kadikit. "Mico, sandali." Binitawan niya ako. "Tinakot ba kita? I'm sorry. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Masayang-masaya ako na nakita na kita ulit. Hinanap kita, Keira. I don't know, pero hindi ka na mawala sa isip ko mula nang araw na 'yon sa mall." Pagtatapat niya. Walang ibang mababakas sa tono niya kundi pawang katotohanan. "Mico--" "Go back to work. Let's talk after, okay?" "Sige." Sang-ayon ko kahit hindi ako siguradong hihintayin nga niya ako. BUT SURPRISINGLY, HE DID. Pag-out ko sa pekeng trabaho ko, nadatnan ko siya sa labas. Prenteng nakaupo sa hood ng kotseng itim. Mula sa maliwanag na ilaw mula sa poste, kitang-kita ko ang matamis niyang ngiti habang hinihintay akong makalapit sa kaniya. Ngiting tila nagbibigay ng init sa buo kong pagkatao. "H-Hinintay mo talaga ako?" sabi ko nang makalapit sa kaniya. "Yes." Tumayo siya at binuksan ang pinto sa passenger side. "Hop in." "Ha? Bakit?" "Let's have late dinner." "Pero--" "Please?" May pagsusumamo niyang hiling. Na hindi ko kinayang tanggihan. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na sumasama sa kaniya. Sa target kong akitin, pero parang ako pa ang mauunang maakit sa kaniya dahil sobrang bait niya. Habang magkasama kami nang gabing 'yon, napakamaalaga niya at higit sa lahat ay napakarespeto niya. Sa buong panahon na magkasama kami nang gabing 'yon, wala akong naramdamang pambabastos mula kay Mico. AT DOON NAGSIMULA ang lahat. Niligawan ako ni Mico, dahil do'n hindi naging mahirap sa akin ang plano. At sa panahong nalulunod ako sa kilig, sa saya, sa pagmamahal at sa atensyon niya, nakalimutan ko ang trabaho kong paibigin siya. Hindi ko man pinlano, pero nahulog din ako kay Mico. He's a man of his word. Kapag sinabi niya, ginagawa niya. "Hi, babe!" Nakangiting bati niya nang puntahan ako sa apartment ko. As usual, may dala siyang bulaklak para sa akin. Araw-araw. Walang palya. "Thank you. Ang aga mo, ah." "Yeah. Masama ang pakiramdam ng babe ko, eh. She needs my kisspirin and yakapsul. Ganito, oh." Inilapag niya ang mga bulaklak sa mesa at ikinulong ako sa mga bisig niya. Mahigpit. Mainit. Nag-init ang mga mata ko dahil dumating na ang araw na kailangan ko siyang iwan. Wala siyang alam na bago siya dumating, nauna si Sir Marcus at sinabing kailangan ko nang iwan si Mico. At 'yon ang dahilan kung bakit, masama ang pakiramdam ko. Ang sakit. Ang hirap. Hindi ko kaya. But I need to. Niyakap ko siya pabalik. Mas mahigpit. Mas mainit. "Babe." Untag niya. "Hmm?" "Gusto mong dalhin kita sa hospital?" "No." Tanggi ko. "Why? Do you feel better now?" "Hmm." Anas ko, mas isiniksik ang sarili sa kaniya. Natawa si Mico. "Hindi kaya na-miss mo lang ako kaya sumama ang pakiramdam mo?" "Baka nga." Pinakawalan niya ako at sinapo ang mukha ko. Puno ng pagmamahal na pinagmasdan niya ako. "Mico..." "I love you so much, Keira." Namasa ang mga mata ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nagawang itama ang pangalan ko dahil sa utos ni Sir Marcus. "Hey, why are you crying?" Tinuyo niya ang nabasa kong pisngi gamit ang mga labi niya. Napapikit ako sa sensasyong hatid ng mga labi niya. "Stop crying. I hate to see cry. It hurts me." "Bakit ang bait mo?" "Because I love you. Because you gave me hope, you gave me happiness, you gave me peace. At kapag nakatingin ako sa mga mata mo nang ganito," titig na titig siya sa akin, "wala akong ibang nakikita kundi ang future ko kasama ka. Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin, babe, para mabaliw ako sa 'yo nang ganito. Alam mo 'yong pakiramdam na hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi tayo nagkikita?" Doon na tuluyang humulagpos ang mga luha ko. Hindi ko na kinaya. Ako na mismo ang umabot sa mga labi niya para maghalikan kami. Wala akong balak huminto, handa na ako kung saan man kami dalhin ng halik na ito. Pero si Mico ang huminto. "Babe, let's stop this." Ngumiti ako habang may luha sa mga mata. "Make love to me, Mico." "Babe!" Nagulat siya. "Please?" "Are you sure?" Nasa mga mata pa rin niya ang pagdadalawang-isip. "Yes. Take me now." "Babe..." "I'm all yours. Sa 'yo lang ako, Mico." "Damn!" Malutong na pagmumura niya at tuluyang napatid ang pagtitimpi. At sa katanghaliang tapat, inangkin niya ako sa maingat, masuyo at nakababaliw na paraan. At punong-puno ng pagmamahal na tiningnan habang patuloy sa pag-iisa ang aming mga katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD