MICO VLADIMIR'S POV KANINA KO pa naririnig ang pagtunog ng doorbell sa labas ng bahay ko, pero hindi ako nag-abalang bumangon para pagbuksan ang kung sino mang nagdo-doorbell na 'yon. Nagtalukbong ako ng kumot at pinilit na bumalik sa pagtulog. Pero hindi na ako nakatulog dahil hindi pa rin tumitigil ang nagdo-doorbell. Nabubugnot na inalis ko ang kumot na nakatalukbong sa mukha ko at basta na lang iniwasiwas sabay bangon. "Sandali!" Inis na sigaw ko sa kung sinong walang habas kung makapindot. Diin na diin at sunod-sunod na parang gusto nang wasakin ang doorbell ko. "Ano bang kailanga--" naudlot ang gagawin kong pambubulyaw nang pagbukas ko ng pinto, si Uncle Mike ang tumambad sa harapan ko. "U-Uncle Mike, ikaw pala." Kalmado nang sabi ko. "Pasok ka." Niluwagan ko ang bukas

