LEIRA'S POV "MICO, SANDALI," sabi ko, saka bahagyang itinulak palayo ang katawan niya. Pero hindi siya natinag. Mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin na para bang sa akin siya kumukuha ng lakas sa mga sandaling ito. "I'm sorry." Umiiyak na paulit-ulit siyang humingi ng tawad sa akin. "Hindi ko alam na pinagdaanan mong lahat 'yon. Ang kapal ng mukha kong saktan ka. Ang gago ko. Ang gago ko, Leira." Napaigik ako nang halos ibaon niya ang mukha sa leeg ko at doon umiyak nang umiyak. "Sandali. Hindi na ako makahinga." Sa pagkakataong 'yon mas nilakasan ko ang tulak sa kaniya. Nabitawan niya ako. Muntik pa itong matumba dahil sa ginawa ko, pero nakabalanse agad. "Lei..." Luhaan siyang tumingin sa mga mata ko. At nasa mga mata niya ang labis na pagsisisi at sakit. "I'm

