LEIRA'S POV "UMINOM KA." Hindi tanong kundi kumpirmasyong sabi ko nang pagharap ko kay Mico ay sumalubong sa akin ang amoy alak niyang hininga. Nag-aalala ako dahil ang aga pa tapos uminom na agad siya. "Baka magkasakit ka sa ginagawa mo--" "Wala kang pakialam." Masungit na putol niya, saka ako hinila sa braso. "Let's go." "Saan tayo pupunta?" Sinubukan kong bawiin ang braso kong hawak niya ngunit hindi siya pumayag. "Mico--" "'Wag ka ng magtanong. Sumama ka na lang." Napailing na lang ako sa pagsusungit niya at nagpatinaod sa paghila niya. Nang pasakayin niya ako sa kotse niya, hindi na ako nagtanong o kahit ang magprotesta. Pagsakay ko sa kotse niya, agad na sumalubong sa akin ang amoy ng loob ng kotse niya. Amoy alak. At nang igala ko ang mga mata ko, ilang piraso ng beer in c

