LEIRA'S POV KAHIT anong pigil kong huwag umiyak sa eksena ng kakambal ko at ng mga anak niya, hindi ko mapigilan. Kusang tumutulo ang mga luha ko para sa kanilang tatlo. Masakit na ang sarap nilang panuorin sa kanilang unang pagkikita. Kahit nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha ay kitang-kita ko pa rin ang saya sa mukha ni Keira habang nasa dibdib niya ang kambal niya. "Mga anak ko..." Dinig kong usal niya habang yakap-yakap ang kambal niya. "A-Akala ko, hindi ko na kayo mayayakap. Akala ko, hindi ko na kayo makikita pa." Humihikbing dagdag niya. "Shh, don't cry, baby. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon." Puno ng lambing na sambit ni Michael sa asawa niya. Kagaya ni Keira, luhaan na rin ang mukha nito ngayon. At alam kong luha ng labis na kaligayahan 'yon. Dahil sa wakas, nag

