bc

Wish Upon The Star SSPG ( Diary of A Prostitute)

book_age18+
146
FOLLOW
3.0K
READ
billionaire
dark
forbidden
love-triangle
dominant
single mother
heir/heiress
bxg
serious
highschool
illness
chubby
naive
seductive
like
intro-logo
Blurb

Sa isang mundong ang salapi ay mahalaga, isang kakaibang pangyayari ang aantig sa inyong puso at kaluluwa. Si Erika ay isang probinsyanang napadpad sa Maynila sa isang pangakong huwad, na pagasa sana niya para makatulong sa kanyang Amang at Inang na halos wala ng makain sa hirap ng buhay sa bukid. Sa kanyang pakikipagsapalaran sa Maynila ay makakaranas ang lupit ng kapalaran at pagsubok si Erika. Halos magunaw ang mundo niya ng malamang niloko lamang siya ng babaeng itinuring niyang kapatid at ang halos maguho ang mundo ni Eroka ng isadlak siya nito sa pinakamababang uri ng trabaho. Sa isang masalimuot na mundo at kalakaran, hindi akalain ni Erika na ang taong pinagkakatiwalaan niya ang siya pang maghahatid sa kanya sa mundong kasuklam- suklam.

Samantala, si Tyler naman ay bitbit sa balikat ang guilt dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid. kaya ng mag iwan ito ng huling habilin na hanapin at pakasalan ang babaeng naging kabit nito, bagamat labag sa kanyang kalooban ay gagawin niya makaahon lamang sa bigat ng dinadalang sumbat ng kanyang konsensya at may hangaring mabawi ang perang naibigay dito at maibalik sa asawa ng kapatid.

Ginawa ni Tyler ang lahat ng paraan para ipahanap ang naging kabit ng kanyang kapatid upang alukin ito ng kasal. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala ni Tyler si Erika at ang bibong anak nitong si Dos na bumago ng kanyang buhay at magdudulot ng liwanang sa kanyang pusong matagal ng malumbay. Ngunit ang dagok ng sandali sa biro ng tadhana ay hindi inakala ni Tyler dahil ang hanapbuhay ng babae ay bagay na hindi ata niya kayang matanggap. ngunit mahiwaga ang pagibig, kusang kumilos at kusang pinagbuklod ang kani-kanilang mga damdamin. Ngunit halos maguho ang mundo ni Tyler ng matuklasan niya, na ang babaeng sinasamba na ng kanyang puso ay ang babae pala ng kanyang Kuya na ipinahahanap nito sa kanya at ipinakiusap na pakasalan.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Hindi... Hindi maaari. Hindi totoo ito, Hindi! sabi ni Tyler. Halos mabaliw si Tyler at hindi matanggap ang napanood. Hindi na nga niya nagawang tapusin ang video dahil binalibag na niya ang laptop.Ngayon ay heto siya, tinititigan ang babaeng nasira niya. Napaluhod si Tyler sa tabi ng kama sa harap ng natutulog pang si Erika. Hindi niya matanggap ang napanood. Hindi siya makapaniwalang siya ang nasa video. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya. Hindi niya kayang tanggapin na nagawa niya iyon at kay Erika pa. Itinaas ni Tyler ang hawak na baril at itinutok sa ulo niya. “Erika, Erika…Babe…! Ano itong nagawa ko sa'yo? Bakit ko nagawa sa'yo yun?" Napayuko si Tyler at napahagolhol. Hindi niya kayang pigilin ang pag-iyak. Hindi niya magawang tumingin kay Erika ng matagal, para siyang nauupos. "Napakasakit na ako pala ang sumira sa babaeng pinakamamahal ko ngayon." “Paano? Paano ko mapapatawad ang sarili ko, Erika? Naalala mo na ba? Kasama ba ako sa naaalala mo? Paano kapag naalala mo na?” Hindi ko kaya, Erika. Hindi ko kayang masuklam ka. Hindi ko kayang tingnan mo ako nang may poot. Hindi ko kayang kamuhian mo ako. Ikamamatay ko rin yun.Ako ang nagdulot sa iyo ng trauma mo, ng mga bangongot mo. Alam ko, babe, walang kapatawaran ang ginawa ko. Alam ko, hinding-hindi mo ako mapapatawad kapag naalala mo na. E-Erika, mahal na mahal kita. Oh, Diyos ko, pinakamamahal ko po si Erika. Hindi ko makakayang mabuhay sa guilt na ito. Sinira kita, pinuwersa kita, binaboy kita sa harap ni Theo. Sa harap ng lalaking mahal mo. Hindi ko kaya, Erika, pati ang sakit dito, dito! E-Erika, hindi ko kaya…” paulit-ulit na sabi ni Tyler at idiniin lalo ang dulo ng baril sa ulo niya. Alam niyang karuwagan ang gagawin niya. Alam niyang tatakasan na naman niya ang lahat, katulad ng pagtakas niya noon sa akala niya ay kasalanan kay Theo. Ang mapa kay Maricar o kay Erika ay kasuklam-suklam pa rin sa mata ng kapatid niya. Hindi lubos maisip ni Tyler na ang tahimik niyang buhay noon ay mauuwi sa napakasakit na katapusan. Kung pinagbigyan na lamang ba niya ang pang-aakit ni Maricar, mauuwi kaya sa ganito? Kung hindi ba niya inudyok si Theo na pakasalan si Maricar, maililigtas kaya niya ang kapatid? Maiiba kaya ang kapalaran? “Bakit po, Dios ko? Bakit si Erika pa? Bakit ganito kalupet ang kapalaran namin?” sigaw ni Tyler at patuloy na humagolhol. Nanginginig ang kamay niya habang iniuumang ang daliri sa gatilyo ng baril. Paalam, Erika, at patawad, patawad, babe… mahal na mahal kita,” sabi ni Tyler, saka nag-angat ng tingin upang tanawin sa huling pagkakataon ang babaeng iniibig. “E-Erika, Erika…patawad, patawarin mo sana ako, Erika,” walang sawang paghingi ng tawag ni Tyler. Naririnig ito ni Erika, kaya dahan-dahang siyang bumangon at bumaba ng kama, pagkatapos ay lumuhod din sa harap ni Tyler. Umiiyak na sabi ni Tyler habang nagnininginig ang mga kamay na nakahawak sa baril. Pero laking gulat ni Tyler nang biglang dumilat si Erika habang lumuluha. “Patawarin mo rin ako, Tyler, sa lahat-lahat ng nalaman mo dahil hindi ako nagsalita at lalong hindi ko sinabi na naaalala ko na noon pa ang tagpong iyon,” sabi ni Erika. “Kasama sa mga bumalik kong alaala ang gabing iyon, Tyler. Huwag mo nang parusahan ang sarili mo dahil hindi mo kasalanan ang lahat,” sabi ni Erika. “Pero, Erika, nakita ko sa CCTV ang mga ginawa ko sa’yo. At walang kapatawaran ang kahayupan kong iyon Erika” “Ty, makinig ka,kung napanood mo ang video, alam mong hindi mo kusang ginawa ang lahat. Dapat alam mong kagagawan ni Maricar ang lahat, hindi ba?" Pagkumbinsi ni Erika. "Hanapin mo ang diary. Diary ko dapat yun pero naiwan ko kay Theo. Sinulat ko doon ang ginawa ni Maricar at Eloisa kay Theo. Magpakatatag ka, Ty. Kailangan matapos na ang lahat," sabi ni Erika. Pero namutla si Tyler nang kunin ni Erika ang kamay niyang hawak ang baril at itinutok iyon sa puso ni Erika. “Ako ang pumatay kay Theo Tyler. Kagagawan ko kung bakit overdose sa gamot ang kapatid mo." Umiiyak na sabi ni Erika. “Go on, Ty, kalabitin mo na. Tapusin mo na ang paghihirap ng kalooban ko.” umiiyak na sabi ni Erika. “No…! No…Hindi totoo yan. Hindi mo magagawa ’yan! No babe.. No! Bitawan mo ang kamay ko, Erika. No! Baka makalabit ko . Please, Erika…..No!” agaw ni Tyler sa kamay niyang mahigpit na hawak ni Erika habang lumuluha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Daddy Granpa

read
297.5K
bc

My Cousins' Obsession

read
193.9K
bc

Wife For A Year

read
72.2K
bc

His Six Months Rule

read
32.8K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
65.2K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
60.7K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
267.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook