Chapter 4 'Ang Talang Bumaba sa Lupa'

1137 Words
“Mamang pogi, Mamang pogi, maawa na po kayo sa nanay ko. Huwag mo pong ipapakulong ang nanay ko. Malamok po sa kulungan saka madaming manyak.” biglang umiyak ni Dos sabay yakap sa bewang ng lalaking nabigla. “Hey wait, Stop crying baka sabihin ng mga tao ay pumapatol ako sa bata” sabi ni Tyler. “Sige na mamang pulis, bayaran mo na lang kami tulad ng madalas nyo gawin. Okay na sa amin ang sampong libo para pang hospital ko saka sa abala namin pogi” sabi ni Dos. “Dos….! ‘ pasinghal na sabi ni Erika na sasawayin sana ang anak sa kalokohang naisip nito. Pero dumagun dong na ang boses ng lalaki. “What!? ten thousand pesos? Wow! Hoy, Misis I can't believe na pati ang bata ay idinadamay mo sa pang e scam ninyo” sabi ni Tyler. “Teka ang Sir, mawalang galang ho ano? Una hindi kami scammer at hindi ko tinuturuan magsinungaling ang anak ko” pasinghal na rin sabi ni Erika. "Really? parang ang hirap naman paniwalaan yan Misis." sabi ng binata. “Dos! anu ba yang pinagsasasabi mo? itigil mo yang kalokohan mo, hindi oras ng joke time anak." sabi ni Erika na pilit inilalayo ang anak na nakapulupot pa rin sa bewang ni Tyler. “Bosing naman please sige na, guwapo ka naman, basta ba huwang mong ipapakulong ang nanay ko, kung hindi tatawagin ko sina Incredible hulk at si Iron man para labanan ka namin. Sampong libo mamang pogi, Sampong libo ang kabayaran tandaan mo yan.” sabi pa ni Dos na hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayakap sa bewang ni Tyler. “It’s a big No! hindI nyo ako mai scam mag ina. I heard it, sinabi ng batang okay lang siya at hindi ko siya nabundol. God! ano tingin nyo sa akin stupid? gawain ninyo ba talaga yan ha? Gawain nyo na nga siguro ang mang gantso ng tao at pati batang paslit kinakaray mo?” sabi ni Tyler. Magsasalita pa sana si Erika para ipagtanggol ang saril at ang anak ng biglang lumabas na ang isa sa officer ng HOA at binati ang lalaking kausap niya. “Ay, nandito na po pala kayo. Good afternoon Mr. De Dios, nandito na po pala kayo.Tara po sa loob doon po ang meeting kung okay lang sa inyo, masikp ho kase sa bantay bayan, nakakahiya sa inyo” sabi ng officer ng HOA. “S-Siya si... s-si Mr. De Dios!? ang may ari ng kalupaan nila pati na rin ang itinatayong malaking hotel resort sa likod nila?” bulong ni Erika sa sarili. “Patay tayo nito Dos! naku naman anak sa dami ng bibiruin ay bakit naman sa isang bilyonaryo pa." sabi ni Erika. "Malamang ay hihimas na naman ako ng rehas nito anak ko.” bulong ni Erika sa tenga ni Dos habang pinipilit pa ring kalasin ang anak na mahigpit na nakayakap kay Tyler. “Ah, yes, sige ho susunod na ako sa loob. I just need to settle things here. May kailangan lang akong ilagay sa kanilang tamang lugar.” sabi ni Tyler na napatingin sa batang kapit tuko sa kanya. “Psst, Dos, ano ba yan? Hoy, Erika disiplinahin mo nga ang anak mo nakakahiya, Nagugusot na ang damit ni Mr. De Dios, tapos mamaya niyan amoy araw pa ang anak mo.” sabi ng officer. "Palibhasa kase nasa kung kani kanino kang kandungan sa gabi at tulog a umaga kaya di mo nasusubaybayan ang anak mo.” sabi pa ng babaeng HOA officer. Kumuyom ang kamao ni Erika at nagsalubong ang kilay at nakita iyon ni Tyler. Pero yumuko lamang ang babae pagkatapos.Tumaas naman ang kIlay ni Tyler pagkarinig sa uri ng trabaho ng babae. “Kaya pala ganun ang karakas, pati ang anak manggagantso rin." sa isip isip ng binata. Malakas na hinablot ni Tyler ang batang nakayakap sa kanya saka ito sinigawan. “Stop this, wala kayong makukuha sa akin kahit bar….. " natigilan si Tyler dahil sa napansin sa bata. "Holy s**t! What is wrong with him” sabi ni Tyler na biglang namutla ang mukha. “What is wrong with him? ano to? Sh*t parte pa ba ito ng scheme nyo? sobra na ito misis hindi nakakatuwa ito f*ck!” sabi ni Tyler. Nagulat naman si Erika sa reaction ng lalaki. Ano bang ginagawa ng anak niya. Pero ng makita niyang nakalaylay ang ulo ni Dos ay biglang parang kinilabutan si Erika . “Hindi! Dos! Dos! Dos anak." sigaw ni Erika na biglang kinuha ang anak sa kamay ni Tyler at kinalong ito. "Dos ..! Dos, Anak gising. Petong tumawag ka ng tricyle bilis” sigaw ni Erika saka binuhat si Dos at itinakbo palabas ng kalsada habang umiiyak. Nakita pa ni Tyler ang pagtulo ng dugo sa ilong ng bata. Dugong bumubulwak talaga. “What's going on? Arte ba nila yan. Is he seriouly in pain?” nalito bigla si Tyler at napatingin sa babaeng ngumangawa sa gitna ng kalsada at nag aabang ng tricycle. “Sh*t seryoso nga sila f*ck!" sabi ni Tyler na biglang pumasok sa kotse at paharabas na pinaatras saka minaneobra saka paharabas na ihininto sa tabi ng maginang Dos at Erika. “Bilis na scammer sumakay na kayo, Bilis , your Son is in danger. Bilis na!” pasigaw na sabi ni Tyler na ikina gulantang ni Erika na halos panawan na ng pagiisip sa takot sa nakita. Dahil parang blanko na si Erika ay lumabas ng sasakyan si Tyler ay binuhat si Dos at isinakay sa kotse at pati si Erika ay kinaladkad niya papasok din ng sasakyan dahil iyak lamang ito ng iyak para na itong baliw na iyak lamang iyak. Mabilis na pinaharorot ni Tyle ang kanyang kotse at dinala ang bata sa pinaka malapit na pribadong hospital. Pagkaparada niya sa tapat ng hospital ay si Tyler na din ang unang bumaba at sumigaw sa naka standby na medic. Siya na ang bumuhat kay Dos at tumulong na lamang ang mga nurse. Saka niya hinatak si Erika na halos tuliro na at sumunod sila sa loob ng emergency room. Hindi mapakali si Erika na kahit papaano ay nahimasmasan na. Agad naman inasikaso ng mga doktor ang bata at agad napa ampat ang pagdurugo ng ilong nito. Kailangan ng sumailalim sa mga laboratory MIR at CT Scan. Dahil inasure ng doctor na okay na ang bata at sasailalim na lamang sa mga test ay nagpaalam muna si Tyler na aalis at irere-sched ang meeting sa HOA. Hindi niya kase matawagan dahil hindi niya alam sino ang kokontakin. Kanina pa rin niya kinokontak si Attorney Cruz pero hindi niya makausp kaya ipinasya niyang saglitin na lang total malapit lang naman. Inutos niya sa doctor bago umalis na gawin ang lahat ng test at siya ang bahala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD