Hanggang sa pagdating ng bahay at pagbaba ng sasakyan ay tahimik na tila tulala lamang si Erika kaya mabilis na umibis si Tyler sa driver seat at inalalayan si Erika. Sinalubong naman sila ng katulong at nakituwang na akayin si Erika dahil halos hindi ito makagalaw. Papasok na ng pinto si Erika ng bigla niyang inikot ang paningin sa buong bahay na parang nagagalak pero kalaunan ay pumalahaw ng iyak. "Dos,Dos,anak ko, patawad Dos," sabi ni Erika na ikinabahala ni Tyler kaya mabilis at halos karga na ni Tyler si Erika papasok ng guest room. "Sir? kakain po ba kayo ni Ma'am. Maghahain pa po ba ako?" Tanong ng maid. "Hindi na, malamang wala ring gana si Erika. Ako rin walang gana. Dalhan mo na lang ako ng kape dito at tubig para sa ma'am Erika mo" utos ni Tyler. Nang makalabas na ang kat

