Na curious si Maricar at medyo may sumagi sa isipan, isang alaala na matagal na niyang ibinaon sa limot. Kinuha ni Maricar ang papel. “Who gave you the right to do this Maricar?” Malakas na bulyaw ni Tyler mula sa pintuan ng makita niyang kinakalkal ni Maricar ang bag ni Erika. Nagulat ang babae kaya agad na ibinalik ang kulay dilaw na papel sa bag. Nakatalikod si Maricar sa pinto kaya hindi nakita ng detalyado ni Tyler kung ano nga ba ang nakalkal ni Maricar. Nakita lamang niya ang bag na hawak ng babae. "Tyler..Ano kase.." nauutal na sabi nito. Malalaking hakbang ang ginawa ng binata at agad na hinablot ang bag ni Erika na hawak nito at inilapag sa kama. Nakita ng binata na naging aligaga ang babae. Mabuti na lang pala at hindi muna siya nagtimpla ng kape. Naalala kase niya na nar

