Chapter14

1256 Words
"Kung ayaw mo sa akin Sir, kung hindi sapat ang katawan ko kahit magpaalila na lang ako sa bahay mo ng walang suweldo. Papayag ako sir na parausan sa gabi at katulong sa umaga Sir, basta suportahan nyo lang ang gamutan ng anak ko Sir" sabi pa ni Erika na pinunas na ng dulo ng damit ang luha at uhog na tumulo na. "Erika, please tumayo ka na dyan, let's later talk okay.Halika na." hinila na ni Tyler ang babae patayo pero nanatili itong nakaluhod."Erika naman, please don't do this, may iba pa namang paraan. Sabi ng doctor pwedeng option ang bone marrow transplant." sabi ni Tyler. "Sir, para mo ng awa Sir, kahit ano Sir, gagawin ko please Sir, dugtongan nyo lang ang buhay ng anak ko, pahabain nyo lang ang nalalabing oras ng anak ko. Sir, Sir..tulungan nyo ang anak ko."pagmamakaawa niya. "Okay, na nga.Diba sinabi ko naman nga na tutulongan kita. Hahanapan kita ng sponsor, okay na ba?" Sabi ni Tyler at malakas ang puwersang hinatak si Erika. Pero lalo siyang nahirapan dahil lalong yumakap sa paa niya si Erika habang nanatiling nakaluhod. Umiiyak lamang ito ng umiiyak hanggang sa tila kinapos na ng hininga at nanlambot kaya nakabitaw ito sa pantalon ni Tyler. Sinamantala naman iyon ng binata para buhatin na lang ito at ipasok sa kotse niya. "Erika, exhausted ka na.Tama na kase yan.Huwag ka na ngang umiyak. Sino ba kase ang nagsabi sayong hindi ko kayo tutulungan? I'm here, can't you see? Kung wala akong balak tumulong, dapat kanina pa ako umuwi, hindi ba?" Mahinahong paliwanag ni Tyler.Alam niyang naguluhan lamang at natatakot si Erika. Hindi biro ang sakit ng anak nito. Totoong magastos pero ang mahalaga ay may donor at may solusyun pa naman. "Halika na sa loob. Malamang sinalinan na ng dugo ang anak mo. Ninong ko ang doctor kaya gagawin nun ang nararapat kahit wala ang consent mo. Oh, wala ka ng ipagaalala hindi ba? Tara na bumalik na tayo doon." alok ni Tyler at Inakay na si Erika pabalik ng hospital at nagpaakay naman na si Erika. Wala na kasi siyang lakas at parang wala na siyang maisip pa. Tinangihan na siya, kahit maging alila ay hindi siya umubra. Siguro nga, ang mga nagtatrabaho sa patay sindi ay sadyang madumi kaya kahit sa paglinis at paglalaba ay bawal at ikaiinsulto nila. Ano pa bang magagawa niya. Wala na. Kumulimlim na ulit ang pagasang nasilayan niya kanina. Nangako nga ito pero alam ni Erika na hanggangdito lamang iyon sa hospital, paguwi nila doon mamgsisimua ang problema na naman. Iyon sana ang nais niyang solusiyonan pero bigo siya. Hindi umubra ang alindog niya. Pang kargador at contraction worker lang talaga siguro ang ganda niya. Pagpasok sa loob ay sinilip nila si Dos sa ICU, bumuhos na bnaman ang luha ni Erika, di nagtagal ay Inakay naman ni Tyler si Erika pabalik ng information desk at nagfill up ulit ng form dahil nalukot na ang kanina at nabasa ng luha niya. Sa isang private ward na lamang pinalagay ni Tyler si Dos, doon kase itutuloy ang pagsasalin ng dugo. Mga 20 minutes lang ay tinawag na sila ng nurse dahil nasa room na daw si Dos. Kaya inakay na ni Tyler si Erika sa elevator. Hindi napapansin ng binata na mula ng lumabas sila ng kotse at hanggang pagpasok nila sa silid ng anak ni Erika ay palaging nakaakbay si Tyler kay Erika at minsan pa nga ay hawak pa ang kamay nito. Tinapos nila ang tatlong beses na pagsasalin ng dugo sa loob ng 24 hour kaya doon na halos nakaidlip si Tyler. Hindi niya magawang umalis dahil sa tuwing tatangkain niya ay nagpa panic si Erika. Ultimo ng tumayo siya para mag Cr ay umiyak agad ito at nakiusap na huwag silang iwan. "Mrs, neresitahan ko ang anak mo ng gamot, bagong vitamina at yung pangturok ng dugo sa kanya two times a day huwag nyong kalimutan wala na sanang palya para hindi na maulit ito." sabi ng doctor. "Heto ang mga gamot pang dalawang buwan na yan bilin ni Tyler na pabaunan na kayo ng mga gamot. Here, take this too, mga numero yan ng mga taong pwede lapitan, nasa gobyerno sila at makakatulong para sa transplant ng anak mo kaya habang pinagiipunan ninyo yan, ay alagaan nyo lang si Dos. Huwag lang papalya sa injection." sabi ng doctor. "Ang gawin nyo sa ngayon ay ang sundan nyo agad si Dos. Dahil kahit bagong panganak ay pwede ng maging donor ni Dos ang kapatid niya" pahabol pang bilin ng doctor. "Nasan po si Tyler?' tanong ni Erika. 'Kanina, nasa Cashier,Ewan kung saan pa nangpunta." sabi nito. Sa kotse pauwi ay Iyak ng iyak si Erika. Mahina pa si Dos kaya minabuti niyang patulugin. Lahat ng mga pangamba at takot ay nagpapatintero sa isip ni Erika. Pagdating sa kanilang barung-barong ay si Tyler na ang nagbuhat sa anak niya at ideneretso na sa kama. Inalok ni Erika ng kape ang binata pero tumanggi na ito. Nagpunta si Erika sa kusina at kinuha ang isang styro box na maliit parang lalagyan ng ice candy at doon inilagay ang mga gamot. Lumabas saglit si Erika at pagbalik nito ay may dala ng malaking plastic na puro yelo ang laman. Inilagay ito lahat ni Erika sa styro kung nasaan ang gamot saka inilagay sa lamesa. Umupo si Erika sa stoll sa harap ng lamesa saka doon muling humagolhol. Alam ni Tyler kung ano ang inaalala ni Erika. Mahal ang mga gamot lalo na itong plasma na nasa syringe. At hindi pala maaring magstock ng marami dahil walang ref sina Erika. Nakaramdam ng awa si Tyler at naalala ang kama na pinaglapagan kay Dos. Bukod sa manipis na ay tila makati na ang hitsura. Sa kipot ng kama, paano pa doon nakakasiksik si Erika. Saglit pang hinayaan ni Tyler na umiyak ito bago tumayo ang binata at nilapitan si Erika. "Mauuna na ako Erika. Malalim na ang gabi. Kayo din magpahinga na din kayo ng anak mo."sabi ni Tyler. Biglang napaangat ng tingin si Erika at takot ang balot sa kanya. Nagtama ang mga mata nila ni Tyler. Parang namang biglang binayo ang dibdib ni Tyler sa luhang nakita sa mga matang nito. "Bakit ganito na lamang ang kabog ng dibdib niya?" tanong ni Tyler sa sarili. "Huwag kang mag alala Erika, baka makabalik ako bukas ng hapon pagkagaling ko sa opisina," ewan ni Tyler pero pakiramdam niya kailangan niyang sabihin iyon para mapanatag ito. "Maraming salamat,Sir."sabi ni Erika na tumayo na lamang saka hinatid sa pinto ang bisita. "Sige, Erika magpapaalam na ako. Magkita......" malambot na labi ang pumutol sa pamamaalam ni Tyler. "E-Erika, aaaah, D*mn t.." sigaw ng isipan ni Tyler. Erika is kissing him. She is kissing him wildly oh, Jesus. Paano ba niya ito sasawayin." bulong ni Tyler. Hindi niya malaman kung itutulak ang babae palayo para tapusin na ang halik o itutulak ba pakabig para palalimin ang halik na iyon. Dahil sa pagkabigla ay nanatiling tuod si Tyler at iba ang naging kahulugan noon kay Erika, pero nilakasan ni Erika ang kalooban. Sa huling pagkakataon ay susubok uli siya, baka kapag natikman nito ang mga labi niya ay pagbigyan na siya nito. Kailangan kasi niyang gumawa ng dahilan at ng paraan para magkaroon ng koneksiyun sa lalaki. Magkakaroon siya ng dahilan para magdemand ng tulong dahil kailangang- kailangan niya iyon. Natatakot si Erika na baka paglabas ng lalaki sa pintuan nila ay hindi na ito bumalik pa tulad ng mga nakaraan mga hindi na bumalik pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD