"Paano natin makikita ang ama ni Dos kailangan nating siyang makita Erika." biglang sumeryoso ni Tyler.
"Bakit natin dapat makita ang gagong yun?" Tanong ni Erika na na curious sa dahilan ng lalaki.
"Erika, sabi ng doctor, bone marrow disease needs a donor. Only his father or sibling can do that?" sabi ni Tyler.
Hindi na nagulat si Erika narinig na niya iyon na sinabi ng doctor noon pa.
"Look, kung hindi kayo okay ng asawa mo. Or kong may ibang pamilya, pwede natin siyang pakiusapan para tulungan ang anak niya sayo. Hindi naman siguro mamasamain ng bagong pamilya niya diba? Erika, anak ng asawa mo na kapatid ni Dos ang kailangan niyang donor." sabi ni Tyler.
Doon muling nataranta at nagsimulang matakot si Erika. Doon muling nagsimulang mangilid ang luha niya. Ang katotohanang iyon, sumpa sa kanya ang katotohanang iyon. Ang multong gusto sana niyang takasan dahil ang katotohanan sa sagot sa tanong na iyon ang pinakamasakit na sasabihin niya.
"Walang ama si Dos!"Sabi ni Erika.
"What? Paano mo nagawa si Dos? Ano ka si Virgin Mary? Espirito lang ang may gawa ?" pagpapatawa ni Tyler dahil ang akala ng binata ay nagbibiro lamang si Erika o baka galit lang sa asawa.
Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nina ni Erika at Tyler.Nakayuko lamang si Erika at kinukotkot ang sariling kuko.Naramdaman ni Tyler na seryoso ang dalaga.
"Wala? as in wala? putok sa buho ganun?" Ulit ni Tyler, mukha kasing hindi ito natuwa sa virgin Mary joke niya.
"W-What happened? Lasing lang ba kayo kaya wala kang matandaan? costumer mo ba siya tapos nilagyan ng drug ang iniinom mo? Oh, God. Don't tell me you're a rape victim, Erika? Halos manlaki ang butas ng ilong ni Tyler habang hinihintay ang sagot ni Eika sa mga haka-haka niya.
Ang salitang rape, ay nagbigay ng pakiramdam kay Erika na parang nakaapak sa live wire, may dumaloy na kuryente sa buong katawan niya, Kinilabutan siya at nakaramdam ng matinding takot.
"Narape ka ba Erika?" Ulit na tanong ni Tyler, may konting kaba ang tono niya. Pero nabuhayan ng loob si Tyler ng umiling ng paulit ulit si Erika.
"Oh thank God.." sabi ni Tyler at dahil sa sobrang overwhelm ay nayakap nito si Erika. Pero imbes na sumagot at magkunwento ay tumayo si Erika at inutusan siyang isuot ang kanyang sapatos. Seryoso na ang mukha nito.
"Wait! Why? bakit na naman?" Bagamat nalilito sa utos ni Erika ay sinunod naman niya ito. Nang maisuot ang sapatos ay sapilitan siyang hinatak sa braso ni Erika at dinala sa pinto. Sa kakapigil niya ay nakasobsob na si Erika sa kanya.
"Wait lang nga! bakit ba?anong mali ko na naman?" Maktol ni Tyler.
"Umuwi ka na Si..Ah Tyler. Gabi na wala namang patutunguhan ang usapang ito. Maraming salamat sa lahat, Tyler" sabi ni Erika.
"Meron, kung magiging honest ka lamang at makikipagtulungan Erika, maililigtas natin si Dos" sabi ni Tyler.
"Hindi mo magagawa yun. Hindi ko magagawa yun!" Halos pabulong na sabi ni Erika. Nagkatensyon na sa pagitan nila.
"Hindi ko alam kung sino ang ama ni Dos. Ni hindi ko nakilala, ni hindi ko nagisnan. Hindi ko nga alam ang pangalan." pasinghal na sabi ni Erika sabay humagolhol na ito ng iyak. May konting kasinungalingan sa mga sinabi niya pero halos karamihan ng bahagi ay totoo dahil yun ang nakasulat sa diary ng kapatid niya.
"Sana nga kabit na lang ako. Sana nga anak na lang siya labas. Ganun na lang sana para may pagasa ako. Pero hindi ganun, at wala akong magawa, Tyler" nagpunas ng luha si Erika gamit ang likod ng mga palad. "Kaya ako halos namamalimos kaya kahit ibargain ang sarili ko ay ginagawa ko na, makahanap lamang ng sponsor ni Dos" sigaw ni Erika pero tuloy tuloy sa pagluha. "Yun lang ang kaya kong gawin.Yun lang ang pagasa ko Tyler. Ang pahabain na lang ang mga sandali ni Dos. Ang dugtungan ang araw na makasama ko pa ang anak ko. Gusto kong kahit ilang araw, buwan o sana ay taon pa ay madugtungan pa ang buhay ng anak ko. Dahil yun lang ang kaya kong gawin. Yun lang ang silbi ko." napakapit na sa pintuan si Erika at napahawak sa dibdib. Tigib na siya ng luha at napakasakit aminin ang katotohanang iyon.
"Kinasusukalam ko ang sarili ko dahil kahit yun na nga lang hindi ko pa magawa" umiiyak na sabi ni Erika. "Pero hindi ko susukuan ang anak ko.Kahit sino aalukin ko para kay Dos. Tanggihan man ako ng paulit ulit dahil sa marumi kong trabaho.Paulit ulit akong magtatanggka. Kahit kanino Tyler, kahit kanino, ibebenta ko ang sarili ko madungtungan lang ng kahit ilang buwan ang buhay ng anak ko. Masama ba yun? masama na ba akong babae dahil doon ha" sigaw ni Erika na tuluyan ng pinakawalang ang bigat ng kayang kalooban.
"E-Erika..I'm so..." Pero pinagsaraduhan na siya ng pinto nito. Dinig ni Tyler ang mas malalaks na hagolhol kaya alam niya nanatili si Erika sa likod ng pinto matapos isara.
"Okay baka pagod ka na. Magpahinga ka muna, Erika." Sabi ni Tyler. "Pero babalik ako maguusap pa tayo hindi pa tayo tapos. Hindi ka nangiisa Erika." sabi ni Tyler pero walang sagot mula sa babae, puro iyak lamang ang naririnig niya hanggang sa marinig niyang naglakad ito palayo.
"Bakit ako nasasaktan kapag naririnig kItang umiiyak Erika. Why..? why..! Pagkatapos ay nahalata ni Tyler na matagal na siyang nakatayo sa labas ng pinto.
"Sige, uuwi muna ako. Kung yan man ang desisyun mo. Sige ikaw ang bahala. Gusto ko lang naman tumulong" Sabi ni Tyler na napasulyap sa nakapinid na pinto. "D*mn..! Bakit ba siya galit. Kanina pinalalayas Ako. Ano bang mali ko?Ako na nga ang na rape kanina ng wala sa oras eh, parang ako pa ang mali? Tapos hinahanap ko lang ang asawa niya para sana makausap, aba at parang ako na naman ang mali. Aba! grabe na siya." sabi na lang ni Tyler na napapakamot sa ulo at tinungo ang kotse nito.
Bagamat itinaboy ni Erika ay buo na ang pasya ni Tyler na tulungan ang magina. Hindi pa man siya nahuhuli ng anak nitong si Dos na hinahalikan ang mommy nito ay nakapagpasya na si Tyler na mainvoled sa magina. At nagsimula ang lahat ng iyon ng halikan siya ni Erika. Halik na ordinary lang naman pero hinding- hindi niya makalimutan.
Hindi na halos namalayan ni Tyler kung anong oras siya nakauwi at kung paano nga ba nakauwi dahil okopado ni Erika ang isipan niya hanggang sapanaginip.Kinabukasan ay naging abala si Tyler sa kanilang kanilang kompanya. Naninibago si Tyler dahil sa loob ng isang araw ay napakaramiing nangyari.
"Sir, si Detective Conan po nasa line 6," sabi ng kanyang secretsrya na idinungaw na naman lamang ang ulo. Tamad na tamad itong tumayo, lumapit sa kanya at maayos na magsalita. Kapag nainis siya ay aalisin niya ang table nito sa bungad ng opisina niya at ilalagay niya sa bungad ng building para matuto itong tumayo at lumakad. Dinampot ni Tyler ang telepono at kinausap si Detective Conan. Yun lamang ang bansag niya sa imbestigador dahil masarap itong asarin.
"Yes, detective, it's been a while. Salamat naman at napatawag ka. Sana may maganda kang balita." bungad na bati ni Tyler.
"Yes Mr. De Dios, may magandang balita po ako. Ayon sa mga galamay ko. Ang naging kulasisi ng kapatid nyo ay taga Romblon at kasalukuyang nagta trabaho sa bar sa Sto.Tomas." sabi ng detective.