Chapter 36

1295 Words
"Honey, may upgraded movie na ang Netflix, nood tayo later paguwi. Magpapaluto ako ng popcorn at squid balls diba it’s your favorite." nagulat si Erika sa sinabi ni Tyler na titig na titig sa kanya na para bang sinasabing sumangayon siya. "Ano ba yung netflix? Sinehan ba yun? yung parang Mall? saka kelan pa niya naging favorite ang squids balls." takang tanong ni Erika sa sarili pero hindi naman naisatinig dahil sa titig na iyon ni Tyler na para bang sinasabing umoo siya. Kaya naman napatango at napapayag na nga lang si Erika kahit wala siyang idea kung saan sila pupunta. Pero kailangan niyang icorrect ang impormasyun ni Tyler sa paborito niyang kutkutin baka kase ang mangyari ay isang damukal na squid ball ang ipaluto nito at pagtiyagaan lang nila yun hanggang mapurga sila. "Honey, pwede ka rin bang magpaluto ng french fries tapos may cheese ha?" Nilambingan ni Erika ang pakiusap na ikinangiti ni Tyler. Sa totoo lang, hinulaan lang kase niya ang paborito nito at sa ugali nga ni Erika ay alam niyang itatama siya nito, pero bilib siya dito dahil hindi siya ibinuko. Idagdag pang napakalambing ng pakiusap nito na tila alam na hindi siya makakatanggi. Sumagi sa isip ni Tyler ang gabing nakikiusap si Erika sa kanya sa Cr, biglang nakaramdam ng pagiinit ng katawan ang binata. "Okay magpapa order na lang ako sa fast food." sagot ni Tyler na malapad na ang ngiti.Ngunit nasa maood si Erika na e insist ang nais. "Hon, nakalimutan mo na naman. Ayoko yung sa fast food kase matabang. Gusto ko yung sinishake" "Kaya nga, yung sa Mcdo shake shake diba?" palusot na sabi ni Tyler. "Hah! nakakasawa yun eh, Yung shake shake shake na sinasabi ko yung nilalagay sa tupper ware tapos inalog alog para humalo ang cheese tapos lalagyan nila ng ketsup na may mayonaise ganun, naku ang sarap nun Hon," sabi ni Erika na ikinataas ng kilay ng babaeng kaharap niya sabay dumikit na naman kay Tyler. "Hmm, may something nga ang babaeng ito kay Tyler." sabi ni Erika sa sarili pero sa pagtitig ng masama sa kanya ng babae ay muli na namang sumakit ang ulo niya. Ang masama pa ung sakit na parang tinutusok ng karayom, pagkatapos ay sari-saring kulay ang nakikita niya. Lumabo ang paningin niya, naging parang sillouette na lamang ang babae pagkatapos ay parang nakita niyang humahalakhak ito at nakarinig siya ng tunog ng bombero. Dahil sa sobrang kirot at hilo si Erika sa mga kulay na nagsasalimbuyan sa paningin niya ay napahawak sa ulo si Erika at hindi naiwasang maipakita ang sakit na nararamdaman kaya nakita ito ni Tyler. "What's wrong hon? masama ba pakiramdam mo? Do you want to rest?" tanong ni Tyler na tumayo pa sa upuan niya at tumawid sa bahagi niya at doon naupo sa tabi niya. Hinilot hilot pa nito ang ulo niya. Nahiya si Erika lalo pa at nakasunod ang tingin ng babae sa kanila.Nasa isip kase niya na baka nakakasira aiya ng moment ni Tyler. "Wala ito, hon, siguro nasobrahan lang ako sa tulog." Sabi ni Erika na biglang nailang sa uri ng titig ng babae sa kanya. "Ano bang wala? eh yan o nakunot ng sobra ang noo mo, hindi bagay sa maganda mong mukha tapos pinapawisan ka ng malagkit. I think you better rest bago tayo umalis." sabi ni Tyler. "Yeah, Miss Erika, you better take a rest. Tyler huwag mo na siya yayain manuod tayo na lang kaya, mukhang hindi okay si Miss Erika eh." singit ni Maricar. "May date kami ng alas dos but if she is not really feeling well pwede naman sa ibang araw na lang. Yes, she need rest " sabi ni Tyler. "Dont worry Erika, sasamahan ko na lang si Tyler. You can have the room for a while para makapagpahinga ka." sabi nito. "The movie is Erika's favorite so kung masama ang pakiramdam niya next time na lang siguro kami manonod wala na rin kase ako sa mood knowing she is not okay. Dont Worry about her, Maricar. Since masama ang pakiramdam ng girlfriend ko i will take care of her." sabi ni Tyler sabay sulyap kay Erika. Sinandya ni Tyler na iponto na si Erika ang priority niya, ar sinadya niyang ting malaman iyon ni Erika. "Hon, finish your food, padadalhan na lang kita ng gamot sa room ko. Stay there. I will take care of you." sabi ni Tyler sa kanya. Tumango na lamang si Erika at pinilit ngumiti ng bahagya bilang pagsangayon.Nalilito ang puso niya. Nadadala siya, kahit pa nga alam niyang acting lamang ito ni Tyler. Pero ng makita ni Erika na biglang dumilim ang mukha ni Maricar at biglang tumalim ang tingin sa kanya, sabay hagod ng tingin sa kamay ni Tyler na humihimas sa likod niya ng mga sandaling iyon, parang may nabuhay na kung anong palaban na pakiramdam kay Erika. "Tama, minsan din tanga ka self." bulong ni Erika. "Kung may lihim na relasyun ang dalawa bakit kailangan siyang ipakilalang girlfriend ni Tyler, aber? Kung alam ni Tyler na posibleng magselos ang babae bakit ito ganito sa kanya?" Muni muni ni Erika. "Hindi kaya.... Ay! putchang gala, hindi kaya linta lang yun babae o kaya ay pusang gala na lingkis ng lingkis lang kay Tyler? pwede....pwede.." sabi ni Erika sa isipan at muling sinulyapan ang babaeng hindi na maipinta ang mukha. "May hindi ka magandang agenda babaeng linta, teka nga lang" sabi ni Erika na nakaisip kalokohan. "Hon masama na talaga ang pakiramdam ko wala na din akong ganang ituloy ang pagkain. Gusto ko na lang magpahinga para okay na ako mamaya. Kailangan na okay ako mamaya diba?” Sabi ni Erika sa pinakamalambing na paraan, at may pahaplos haplos pa siya sa bisig ni Tyler. "Diyos ko, eh anu naman? bakit siya mahihiya eh sinasakyan nya lang naman ang acting ni Tyler? saka baka imbiyerna din ito sa pagsulpot ng babae. Saka ano naman kung himasin niya ang braso ni Tyler eh kagabi nga iba ang parteng hinihas niya sa lalaki eh, at chinuchupa pa niya." bulong ni Erika. "Okay, Hon, sige ipahinga mo na lang yan. Magsabi ka na lang kung magutom ka ha," sabi ni Tyler. "Excuse us, Maricar ihahatid ko lang si Erika sa room ko and I insist na doon na siya para hindi siya makaistorbo sayo.Ipapakuha ko na lang ang gamit ni Erika sa maid. Maiwan ka na namin," sabi ng binata na inalalayan na si Erika patayo. "But you haven’t finish your food...” sabi ni Maricar pero hindi man lang siya nilingon ni Tyler. Nakalayo na sina Tyler hindi man lang lumingon kahit isang beses, na lalong ikinangitngit ni Maricar. Kuyom ang mga kamao ni na hindi na din itinuloy ang pagkain. Nakatingin lang ang babae sa silid ni Tyler na pinasukan ng dalawa. "Hoy, iligpit mo na nga eto . Wala na rin akong gana. Nasira na ang mood ko ng looking cheap na kasama ng amo mo. Saan ba niya nakilala yan?* inis na utos ni Maricar sa katulong na lumabas ng kusina. "Ala eh, hindi ko alam Ma'am. Eh pagdating ho ni Sir dine kagabi ay kasama po niya si Ma'am Erika at yung anak nitong lalaki" sabi ng katulong. "What? A single mom? Oh my God, Tyler has a single mom girlfriend?" Napatayo pa si Maricar sa narinig. "Yun nga rin po ang ipinagtataka ko ma'am Maricar. Eh napakaselan ni Sir, saka kilala ni Sir, kung paano magalit ang mommy niya." sabi ng maid. "This can’t be, this can’t be happening. He is being bewitch for sure." sani ni Maricar. "Hindi siya papayag. Hindi siya papayag..!" Bulong nito sa sarili sabay tayo, at padabog na nagmarcha papasok sa silid na madalas gamitin ni Theo kapag nag i stay ng bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD