9 --- NATASHA Masakit ang buong katawan ko ng magising ako, tiningnan ko ang oras at alas 10 na ng umaga halos madaling araw na kasi kami nakatulog dahil hindi na naman niya ako tinantanan hanggang hindi siya napapagod. Pinagmasdan ko siya habang natutulog, kahit tulog siya ay napakagwapo talaga ng fiancée ko, napahagikgik ako dahil sa kilig my god ang dating pinapangarap ko lang ngayon ay fiancée ko na. Pinadaanan ko ng hintuturo ko ang perfect niyang Ilong, napakagat labi ako ng pagmasdan ko ang mapula niyang labi na laging sinasamba ang buong katawan ko, wala na yatang parte ng katawan ko ang hindi niya nahalikan. Akmang hahalikan ko ang labi niya ng biglang tumunog ang doorbell. Napakunot ang noo ko, sino naman kaya ang pupunta dito. Tumayo ako, kinuha ko ang bathrobe at isinuot it

