10 --- NATASHA Nandito kami ni Sandro sa hotel kung saan ginaganap ang reception ng kasal ni Dhana, nalaman na din niya na nag proposed na sakin ang daddy niya, at tuwang-tuwa ito. Hindi rin namin sinabi sa kanya ang tungkol sa Mommy niya dahil alam naman namin na galit ito sa INA dahil sa pagpapabayang ginawa nito, at ayaw din namin na ma stress ito dahil makasama sa baby nito. Nakatuwa itong tingnan kanina dahil kahit buntis na ito at medyo may umbok na ang tiyan ay napakaganda parin nito sa suot na wedding gown, natawa pa ako dahil sa pag iyak kanina ni Sandro habang inihahatid ang anak sa altar. Hindi naman siguro nawawala sa isang Ama na umiyak pag ikinasal ang anak niya at alam ko na mahal ni Sandro si dhana dahil nag iisa nitong anak yun. Kailan ko kaya siya mabibigyan ng anak?

