10 WARNING R-18 --- JASON P.O.V: Hindi ko na alam kung pano kami nakarating ni Helena sa hospital,, Basta ang alam ko ay takot na takot ako,, nangagatog ang kamay at ang paa ko.. Nakahiga ngayon is Helena sa hospital bed,, maputla ang mukha nito habang may nakakabit na dextrose, wala parin itong malay,, kinyhan ito kanina ng nurse ng dugo para ma examine... "Love, gumising kana," mahinang bulong ko habang lumuluha,, natatakot ako na may mangyari sa kanya na magsama. Hindi ko maiwasan na sumama ang loob kay mama.. "Hindi ko na hahayaan na maiwan ka kay mama,, please love gumising kana" para akong bata na umiiyak. Ilang oras ko din pinagmasadan ang mgandang mukha ni Helena, Hindi na rin masyadong maputla ang mukha niya Hindi katulad kanina na parang wala ng dugo ang mukha niya,,

