Matthew De Silva. 31 years old, Businessman. Mapagmahal na sa kanyang asawa, sa loob ng tatlong taon na pagsasama nila ng asawa ay naging loyal ito. Lahat ng gustuhin ng babae ay ibinibigay nito. Wala pa silang anak, dahil hindi pa handa ang babaeng mag kaanak na inintidi naman niya dahil mahal na mahal niya ito. Hindi niya kaylan man inisip na lolokohin siya nito. Isang linggo niyang hindi nakasama ang asawa dahil sa isang business trip, kaya miss na miss niya ito, ng matapos ang business trip niya ay agad siyang umuwi kahit gabi na. Gusto niyang e-surprise ang asawa. Kaya dala ang lahat ng pasalubong niya ay agad siyang pumasok ng bahay hindi na niya pinansin ang isang kotse na hindi pamilyar sa kanya na nasa loob ng bakuran niya. Sa isiping natutulog na ang kanyang masis ay nagtuloy-tul

