bc

Bad at Love

book_age18+
3.8K
FOLLOW
22.0K
READ
love-triangle
sex
arrogant
submissive
dare to love and hate
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

*WARNING*

RAW VERSION NOT EDITED!

Amber Laurene De Savare, Isang larawan ng babaeng puno ng katatagan. Kayang suongin ang apoy at kalimutan ang prinsipyo para sa tinatawag niyang pamilya.

Kahit pa ang kapalit nito ay ang sarili niyang kaligayahan, sarili niyang katawan at Sarili niyang kalayaan..

Paano siya babangon sa putik na kinasadlakan?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
Kabanata 1 Umaga nang magising ako sa malakas na katok na mula sa labas ng aking kwarto.. "Hoy Laurene bumangon kana nga d'yang bata, ka at maaga pa tayo sa palengke!" Malakas na salita nito sa pagitan nang pag katok. "Heto na po Tiyang." Sagot ko na inaantok pa at pupungas pungas akong tumayo para buksan ang pinto. "Abay dalian mo at tatanghaliin tayo!" Muli nitong sabi bago ako talikuran. Bahagya kong sinulyapan ang Wall clock at pasado alas dos palang nang madaling araw, kakamot kamot ako nang ulong lumabas nang aking Silid. Duniretso ako sa banyo para mag hilamos at pag ka tapos ay nag tungo naman sa kusina para mag timpla nang kape. "Hoy! ano ba, halika na!" Naghahadaling tawag nito. Nakakaisang lagok palang ako ng kape na di ko na naubos sa kakamadali ni Tiyang. Tumungo na kami sa palengke para maagang mag tinda ng Isda. Ito kasi ang aming ikinabubuhay dahil mabilis ang pera dito dahil kailangan ng mga tao sa araw araw. "Bili-bili na kayo mga Suki! Galunggong, Bangus, Dalagang bukid at Tilapia!!" Sigaw ko sa mga parokyanong dumaraan. Malapit na kasi ang pasko kaya siksikan sa Palengke, kaya marami na ang namimili kahit maaga pa. Napakibot ang labi ko dahil sa mga napapalingon saakin. Halata sa muka nila ang tila hindi makapaniwala. Pinagkibit balikat ko nalang ang mga reaksyon nila dahil sa angkin kong kulay na maputi pa sa labanos, hindi mapagkaka ilang hindi ako purong Pinoy dahil halos nakuha ko sa aking Ama ang lahat nang katangian na may banyagang lahi. Hinawi ko ang kulay mahogany kong buhok na tumabing sa muka ko, kahit pawis na ay mas gusto kong nakalugay ang mahaba ang alon kong buhok dahil angkin nitong ganda. Maraming nag sasabing pang model daw ang itsura ko, meron naman nag e-encourage saakin na sumali sa mga beauty pageant dahil sigurado raw na mai-uuwe ko ang korona. Pero ang lahat nang iyon ay pinagkibit balikat ko nalang at itinago dito sa puso ko, alam ko naman kasi na wala Isa man sa mga iyon ang matutupad. Sinulyapan ko si Tiyang na nakahiga sa folding bed na nasa gilid ko na tila gumagawa na nang tulog. Lumaki ako sa puder ni Tiyang  na kapatid nang aking Ina. Dito na ako lumaki mula nang iwan ako nang aking Inay dito noong tatlong taong gulang palang ako. Isa raw Italiano ang aking Ama pero hindi rin nagtagal ang relasyon nila nang aking Ina kaya nag pasta itong iwan ako kay Tiyang at magtungo sa Japan para doon magtrabaho pero mula noon ay hindi na ito bumalik pa. May dalawa itong Anak na sina Megan at kuya Leo. Si kuya Leo ay sakit sa ulo nang aking tiyahin, lagi kasi itong nadadawit sa gulo at kadalasan ay sa kulungan ang bagsak pag minamalas. Si Megan naman walang ginawa kundi mag paganda, magpaganda at mag paganda.. "Erene.. Magkano sa bangus mo?" Tanong sakin ng suki kong si Aling Patring. "160 ho ang kilo." Saka ako ngumiti ng matamis dito. "Bigyan mo nga ako ng dalawang kilo at irerelyeno ko, paborito iyan ni Tristan ko.. Biglang namungay ang mga mata ko sa narinig.. "Si Tristan ho? ngayon po ba dating n'ya?" tanong ko na naka ngiti.. "Oo, pumunta ka mamaya sa bahay para mananghalian, paniguradong matutuwa iyon" Saad nito subalit agad namang napawi ang ngiti ko sa labi. "Ah.. titignan ko po Aling Patring." Na ibinalot na ang binili nito. Alam ko kasi na hindi ako makakagala ngayon dahil madami akong gawain sa bahay mamaya pag uwe ko. "S'ya sige mauna na ako, kita nalang tayo sa bahay mamayang tanghalian." Naka ngiting sabi nito.. "Sige ho aling Patring salamat." Nang makaalis na ang ginang ay kinalabit naman ako ni Tiyang Carmen. "Hoy Laurene, hindi ka pwedeng umalis mamaya at mag lalaba ka ngayon, Isa pa magpapa parlor kami ni Megan, ang kuya Leo mo naman ay may laro ng Basketball, walang ta-tao sa bahay kaya di ka pwede umalis." Mahabang saad nito saakin. "Opo tiyang" Sagot ko na nakayuko, wala naman akong karapatan na humindi dahil ginagalang ko naman ang mga utos nito. Mabilis kaming naka ubos ng paninda kaya maaga kaming nakauwe.. Habang nag lalakad ay napahinto ako sa isang tindahan ng damit, Ngumiti ako nang makita kong nakasabit padin ang bistidang lage kong binabalik-balikaan. Gusto ko sana itong bilhin kaso kulang ang pera ko. Limita lang kasi ang perang binibigay sa akin ni tiyang Carmen, dahil libre na nga daw ako sa pag kain at bahay ko ay ano pa daw ba ang gagawin ko sa pera.. Hindi naman ako nagrereklamo dahil, kahit papano ay may matuturing akong pamilya. Ma swerte pa nga ako dahil kinupkop nila ako at pinatira na walang pag aalinlangan. Kaya kahit hirap akong bumangon ay ginagawa ko para lang makabayad sa kanila..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.9K
bc

Chasing Cold Heart (Completed)

read
287.1K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
501.3K
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.0K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.1K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Unwanted

read
511.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook