Amberleigh Hija, anak. Ngayon ay matatawag na rin kitang anak," ani Ginang Lina sa akin, ang Mommy ni Levi na ngayon ay Mama ko na rin. Nahihiya akong napangiti. "Oo nga po, Mama." "Ganiyan nga... Simula sa araw na ito ay dapat mo na kaming tawaging Mommy at Daddy mo. Malinaw ba iyon?" Tumawa naman si Ginoong Arth, ang Daddy ni Levi na ngayon ay Papa ko na rin. "Yes, Hija. You are now officially a part of Huxley family. Kaya huwag ka ng mahihiya simula ngayon." Paulit-ulit akong yumuyuko. "O-Opo! Hindi ko po iyan makakalimutan, Mama at Papa." Tinapik ako ng Mommy ni Levi sa balikat. "No, Hija. Just call us Mommy and Daddy. Iyan ang nakasanayang itawag sa amin ng aming mga anak kaya hindi ka dapat umiba. Belong ka na, okay ba iyon Hija?" "O-Okay po, Mommy and Daddy..." Kinakaba

